Lumalim ang gabi. Unti-unti nang nawawala ang mga bisita. Ang musika sa loob ay humina. Ang mga ilaw ay mas naging intimate. Sa isang pribadong terrace na tanaw ang ilaw ng Milan— magkatapat sina Jeon at Lucia. Wala nang camera. Wala nang ngiti para sa media. Wala nang palakpakan. Tanging malamig na hangin at ang bigat ng usapan. “Nagawa ko na ang nais ninyong mag-ama,” malamig na sabi ni Jeon. Hindi siya nakasandal. Hindi rin nakangiti. “Panahon na para ikaw ay magsalita.” Isang maikling pause. “At wala nang ligoy.” Tahimik si Lucia. Hindi siya umatras. Hindi rin siya nagpanggap. Iba na ang mukha niya ngayon—wala na ang public charm. “Ang gusto mong malaman,” dahan-dahan niyang sabi, “ay kung sino ang may koneksyon sa pagkamatay ng mga magulang mo.” Hindi kumurap si J

