VIA DELLA SCALA — NORTH LOUNGE, LATE NIGHT Mapanuring titig ang isinukli ni Lucia kay Lorenzo. Hindi siya umupo. Nanatili siyang nakatayo, tila hindi handang ibigay ang kahit kaunting kahinaan sa harap ng dating kasintahan. “Talaga?” malamig niyang tanong. “Bakit… gaano mo kakilala si Jeon?” Bahagyang sumandal si Lorenzo sa sofa, iniikot ang whisky sa baso. “Hindi pa sapat,” sagot niya. “Pero sapat para malaman kung anong klaseng halimaw ang tinanggap ninyo sa bahay ninyo.” Hindi kumurap si Lucia. “At teka,” dugtong niya, mas tumalim ang tono, “matanong ko lang…” “Bakit kating-kati kayong paslangin siya?” Isang maikling katahimikan ang bumalot sa lounge. “Ano ang mapapala ninyo?” Saglit na natawa si Lorenzo. Hindi masaya. Kundi parang may alam siyang hindi pa alam ni Lucia.

