Habang binabaybay ng convoy ang tahimik na kalsada palabas ng Milan, biglang nagsalita si Jeon mula sa likod ng sasakyan. “Kapag may nadaanan kayong dalampasigan… huminto muna tayo.” Nagkatinginan sandali ang mga tauhan sa unahan. “Opo, boss.” “Maaari po bang malaman kung bakit?” tanong ng driver. “May nais lang akong tawagan.” Hindi na sila nagtanong pa. Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa marating nila ang isang tahimik na dalampasigan. Walang tao. Tanging ang tunog ng alon at malamig na hangin ng gabi ang maririnig. “Stop here.” Huminto ang sasakyan. Agad na bumaba si Jeon. Sumunod ang isa sa kanyang tauhan. “Boss, perimeter secured.” Tumango siya. “Stay back.” Naglakad siya papalapit sa dalampasigan. Ang alon ay dahan-dahang humahampas sa buhangin. Mula sa bulsa ng

