Dahil sa hindi nila namalayan ang oras, ginabi na talaga sila sa gala. Medyo nalasing si Angelic, dahil hindi naman ito sanay uminom. Kaunting wine pa lang ay tinablan na agad siya. Sa sasakyan pa lang ay hawak na siya ni Valerie upang hindi matumba. “Yari talaga tayo kay Jeon nito…” bulong ni David habang nagmamaneho. Napailing si Valerie. “Kumalma ka nga.” Sabi niya. “Ako ang bahala.” Pagdating sa villa, agad silang pumasok. Nauna sina Shantal at David na may dalang napakaraming shopping bags. Kasunod si Valerie, na inaalalayan si Angelic dahil bahagya itong nahihilo. Pagpasok pa lang nila sa sala— dumagundong agad ang boses ni Jeon. “Buti naman at naisipan n’yo pang umuwi.” Nakatayo ito sa gitna ng sala, nakasimangot at halatang hindi na maipinta ang mukha sa inis. “Hey!”

