Hindi nagtagal ay nasa mall na ang tatlong babae. Malaki at elegante ang lugar—puno ng mga kilalang brand at mamahaling tindahan. Sa kabila ng lahat ng narinig ni Angelic tungkol sa kanila, napansin niyang masarap pala talagang kasama sina Valerie at Shantal. Masayahin ang dalawa. Palatawa. At parang normal na mga babae lamang na naglalakad sa mall. Kung may makakakita sa kanila, hinding-hindi iisipin na ang dalawang iyon ay mga assassin. Kasama rin nila si David. Hindi kasi ito nagpapaawat. Kahit Pinapaiwan siya ni Jeon sa villa, sumunod pa rin siya. Kaya ngayon— siya ang naging driver at taga-buhat ng mga pinamili nila. Parehong kamay niya ay puno ng shopping bags habang naglalakad sa likod nila. “Grabe kayo…” reklamo niya. “Hindi ako bodyguard, porter ako ngayon.” Napataw

