Maagang nagising ang buong grupo. Unti-unti silang nagsidatingan sa dining area habang inaantok pa. “Nana, asan po si Jeon?” Bungad ni Valerie habang naghihikab at hinihimas ang buhok niya. Napalingon si Nana Isabel mula sa kusina habang naghahanda ng almusal. “Hindi ko pa siya nakikitang bumababa, iha.” Sagot ng matanda. “Bakit?” Napataas ang kilay ni Shantal. “Aba, bago ’yun ah.” Puna niya habang umuupo sa mesa. Sumingit naman si Aleric na hawak ang tasa ng kape. “Oo nga.” Sabi niya habang napapailing. “Lagi siyang nauunang bumangon.” Humigop siya ng kape. “Hindi mo nga alam kung natutulog pa ba ang taong ’yun.” Ngunit biglang sumabat si David na nakangisi. “Baka naman pinagod ng asawa.” Biglang napatingin sa kanya ang lahat. “Bunganga mo, David!” Agad na sita ni Va

