Paglabas ni Jeon mula sa banyo— nakatapis lang siya ng tuwalya, basa pa ang buhok, at may ilang patak ng tubig na dumadaloy sa kanyang leeg pababa sa balikat. Tahimik ang kwarto. Sa kama— nakahanda na ang kanyang pamalit. At sa harap ng salamin— nakatayo si Angelic, inaayos ang sarili. Napansin niya agad ang asawa. “Bakit nagbasa ka pa ng buhok mo?” Tanong niya habang bahagyang lumilingon. “Parang naligo ka pa ulit.” Hindi man lang tumingin si Jeon habang kinukuha ang damit sa kama. “Hindi ako makatiis na hindi maligo.” Bale-wala niyang sagot. Simple. Diretso. Pero may kakaibang tono—parang sanay na sanay na siya sa ganoong routine. Tahimik si Angelic sandali. Pinagmamasdan siya sa salamin. “May problema ba?” Tanong ni Jeon habang nagsusuot ng damit, napansin ang titig

