Tahimik ang loob ng sasakyan. Tanging tunog ng makina at hangin sa labas ang maririnig. Parehong may mantsa ng dugo sina Jeon at Aleric—sa kamay, sa damit, kahit sa mukha. Halatang galing sila sa isang hindi simpleng engkwentro. Napatingin si Aleric sa sarili niya sa side mirror. “Bro… hindi ba tayo magpapalit muna?” Sabi niya habang pinupunasan ang dugo sa pisngi. Hindi man lang siya nilingon ni Jeon. Nakatuon lang ang mata sa daan. “Why?” Walang emosyon niyang sagot. Napailing si Aleric. “Anong ‘why’?” Sabi niya habang napapailing. “Makikita tayo ng asawa mong ganito.” Tumingin siya kay Jeon. “Okay lang sa’yo?” Sandaling katahimikan. Pagkatapos— bahagyang humigpit ang hawak ni Jeon sa manibela. “Alam niya kung anong klaseng tao ako.” Malamig niyang sagot. “Hindi na

