LAKE COMO — OPERATIONS ROOM, LATE MORNING Tahimik ang operations room habang nakatutok sina Jeon at Aleric sa mga monitor. Pinag-aaralan nila ang mapa ng North Lombardy wine estate kung saan magaganap ang lihim na pagpupulong ni Marco Silvestri. Biglang tumunog ang telepono ni Jeon. Isang encrypted line. Napansin agad ni Aleric ang country code na lumabas sa screen. “England,” sabi niya. Bahagyang kumunot ang noo ni Jeon. Isa iyon sa mga teritoryong pinamumunuan niya sa underground. Sinagot niya ang tawag. “Ano ang sitwasyon?” malamig niyang tanong. Sa kabilang linya, agad sumagot ang isa sa kanyang tauhan. “Boss, may problema po dito sa London.” Mas naging seryoso ang mukha ni Jeon. “Speak.” “May gumagalaw po sa isa sa mga shipping routes natin sa Thames corridor.” “Hindi

