LONDON, ENGLAND — PRIVATE AIRSTRIP, NIGHT Makalipas ang dalawang oras— lumapag ang pribadong jet sa isang liblib na private airstrip sa London. Hindi nagdalawang-isip si Jeon. Kung may taong naglalaro sa kanyang teritoryo— kailangan niyang makita iyon mismo. Pagbukas ng pinto ng eroplano, malamig na hangin ng gabi ang agad sumalubong sa kanya. Sa ibaba ng hagdan, naghihintay na ang ilang itim na sasakyan. May mga armadong lalaki ring nakapwesto sa paligid. Isa sa kanila ang lumapit at bahagyang yumuko. “Welcome back, boss.” Tumango lang si Jeon. “Nasaan si David.” Nag-atubili sandali ang tauhan bago sumagot. “Si Boss David po ay may pupuntahan daw.” Bahagyang kumunot ang noo ni Jeon. “Pero ibinilin niya po sa amin kung saan kayo dadalhin.” Tahimik sandali si Jeon. “saan s

