Tahimik ang sala ng safehouse. Nakaupo si Jeon sa sofa, ang mga mata niya ay diretso kay David. Walang bakas ng pagod sa mukha—tanging malamig na determinasyon. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, David.” Mababa ngunit matigas ang boses niya. Umayos ng upo si David, halatang alam na magiging seryoso ang usapan. “Ikaw na ang bahala sa matandang ’yon.” Sandaling katahimikan. “Ang kailangan ko lang malaman…” Bahagyang sumandal si Jeon habang magkasalubong ang mga daliri niya. “…kung wala ba tayong magiging aberya sa mga shipments natin.” Tumango nang bahagya si David. “London routes?” “Oo.” “Safe pa rin ang ports natin,” sagot ni David. “Pero may ilang taong sumusubok makialam.” Tahimik si Jeon. “Pero kaya pa nating kontrolin,” dugtong ni David. “Hindi pa nila kayang galawin

