Bumukas ang pinto ng bahay at pumasok si Ash, kalmado ngunit alerto ang aura. Sa likod niya ay si Shantal Chu. Pagkababa pa lang ng babae mula sa kotse at pagpasok sa sala— agad na nakasimangot si Shantal nang makita sina Jeon at David. “Sisiguraduhin n’yo na may maganda at importanteng pag-uusapan tayo,” matalim niyang sabi habang naglalakad papasok. “Dahil makakapatay talaga ako ngayon sa ginawa n’yong pambibitin sa amin.” Bahagyang napailing si David habang itinataas ang dalawang kamay na parang sumusuko. “Hey, calm down.” Ngumisi siya nang kaunti. “Hindi lang ikaw ang nabitin, ’no.” Napabuntong-hininga si Shantal. “Then explain.” Sumagot si David habang itinuro ang sofa kung saan tahimik na nakaupo si Jeon. “Anong magagawa natin…” “…andito lang naman ang pinaka-boss.” Tah

