Matapos maayos ni Jeon ang sitwasyon sa London, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad siyang bumalik sa Italy. Ang private jet ay tahimik na lumapag sa isang pribadong airstrip habang unti-unting sumisikat ang araw. Wala siyang maayos na pahinga. Pero sanay na siya doon. Para kay Jeon, ang pagod ay hindi dahilan para tumigil. Sa mundong ginagalawan niya— kapag nagkamali ka ng isang hakbang, maaari kang mamatay. Habang bumababa siya sa eroplano, naghihintay na ang kanyang mga tauhan. “Boss.” Bahagyang yumuko ang isa sa kanila. “Nasa villa na po si Aleric. Minomonitor niya ang galaw ng mga tao ni Silvestri.” Tumango si Jeon. “Good.” Pumasok siya sa sasakyan na naghihintay sa runway. Habang umaandar ang convoy papunta sa kanyang villa sa Lake Como, tahimik lang siyang nakatin

