Tahimik ang biyahe. Habang tumatakbo ang sasakyan sa mahabang kalsada palabas ng Milan, mahina ang tunog ng radyo sa loob. Biglang pumasok ang isang breaking news. “Breaking news this morning… Italian businessman Bart Valente was found dead inside his Milan condominium earlier today. Authorities suspect cardiac arrest as the possible cause of death. Investigations are ongoing…” Sandaling nagkatinginan si David at Valerie. Pagkatapos ay ibinalik nila ang tingin sa kalsada. Walang kaba. Walang pag-aalala. Sanay sila sa ganitong sitwasyon. Malinis ang trabaho. Walang bakas. Walang CCTV. Walang witness. Para sa mundo— natural death lang ang nangyari. Pinatay ni David ang radyo. Tahimik ulit ang loob ng sasakyan. Ngunit ang katahimikan na iyon ay hindi dahil sa balita. Pareho

