Hindi nagtagal— dumating si Lance sa hideout. Pagpasok pa lang niya sa sala, agad siyang nagsalita. “What’s the problem?” Diretso ang boses niya habang tinatanggal ang jacket. “Pinatawag mo daw ako.” Halos lahat ng naroon ay napalingon sa kanya. Kung hindi mo kilala si Jeon, iisipin mong siya rin iyon. Magkahawig ang mukha. Magkahawig ang tindig. Parang iisang tao na hinati sa dalawa. Ngunit magkaiba ang kanilang aura. Mas malamig si Jeon. Mas magaan naman ang galaw ni Lance. Lumapit si Jeon at tumingin sa kanya. “You must stop following those idiots.” Malamig niyang sabi. “Instead…” “…go to Russia.” Napakunot ang noo ni Lance. “But why?” Diretso niyang tanong. “Our mission here is done.” Tumingin siya sa mapa sa mesa. “Wala nang magagawa ang mga kalaban.” “Naayos

