Dahan-dahang lumapag ang pribadong eroplano sa isang tahimik na airstrip sa Spain. Pagkabukas pa lang ng pinto ng jet, bumungad ang mainit na hangin ng Mediterranean. Naunang bumaba si Jeon. Diretso ang lakad niya pababa sa hagdan ng eroplano habang naghihintay sa ibaba ang ilang bodyguards at sasakyan mula sa kanyang villa. Ngunit bago pa tuluyang makalayo— narinig niya ang mga yapak sa likod niya. Isa-isa ring bumaba sina Ash, Aleric, Valerie, David, at Shantal. Napahinto si Jeon at napabuntong-hininga. Alam na niya kung anong mangyayari. Lumingon siya sa kanila na may seryosong tingin. “Listen carefully.” Malamig ang boses niya. Agad natahimik ang lima. “Pagdating natin sa villa…” Tumigil siya sandali. “…umayos kayo.” Nagkatinginan sina David at Ash. Ngunit hindi pa tap

