CHAPTER 6

1798 Words
Mahina ang tunog ng kandado, halos hindi naririnig sa katahimikan ng kwarto na puno ng tensyon. Hindi na sya nagulat sa tunog na iyon, sapagkat sanay na siyang hintayin ang pagbukas ng pinto at pati na rin ang pagpasok ng taong palaging umaapak sa kanyang mundo. Hindi na rin gumalaw ang dalaga, nanatiling mapagmatyag habang naglalakbay ang kanyang isip sa mga posibleng mangyayari. Alam nyang siya iyon—ang presensya ni Jude ay agad niyang kinilala, ang lalaking may ngiting hindi marunong magpatawad at may matang malamig na tila gumuguhit ng hatol. Bumukas ang pinto at pumasok si Jude, mabagal ngunit matatag ang lakad, ang lalaking tila may pupuntahang okasyong may kahalagahan, suot ang maayos na damit na hindi nababagay sa madilim na kulungan ng isang babae. Isinara niya ang pinto sa likod niya, kasabay ng biglang pag-init ng hangin sa silid. Walang bantay na sumunod, tila sinadyang ipaubaya kay Jude ang eksklusibong sandali. “Gising ka,” sabi niya, tila nasisiyahan o nagbubunyi sa simpleng lakas ng loob ng babae. Tahimik lang si Angelic, nakaupo sa gilid ng kama, habang malalim ang tingin na hindi bumibitaw, hindi nagmamakaawa, hindi nagtatago ng takot. Walang pag-iwas sa tingin, malalim ang titig na para bang sinusukat ang bawat salitang maaaring bitawan ng binata. “Hindi ka na umiiyak,” puna niya, napansin ang ngalngaling ng damdamin na hindi na dumadaloy sa mga mata ng dalaga. “Wala nang silbi,” sagot nito sa binata, may malamig na tinig na parang umuusok sa hangin. Bahagya siyang ngumiti, ngunit hindi iyon ngiti ng saya, kundi ng pagkilala sa tapang na ipinakita ng dalaga. Lumapit siya—mabagal ang hakbang, parang sinusukat ang distansya sa pagitan nila, bawat yapak ay puno ng kalkuladong intensyon. “Magaling,” sabi niya, inilalabas ang pagkagusto na may makakausap siyang hindi pumapalag sa emosyon. “Mas gusto ko ang ganyan. Mas madaling kausapin.” “Wala na tayong pag-uusapan,” malamig nyang sagot, puno ng determinasyon at tangging hindi nadudurog ng sitwasyon. Huminto siya sa harap nito, naramdaman ang bigat ng katahimikan sa pagitan nila. “Meron,” wika niya, sinasalubong ang himig ng argumento. “Kasal.” Hindi ni Angelic pinayagang gumalaw ang mukha nya, nanatiling matatag, hindi umaalintana sa pangungusap. “Kasunduan,” dagdag niya, “Sa loob ng ilang araw, opisyal ka nang mapapabilang sa pangalan ko.” “Hindi ako papayag,” ani Angelic, puno ng pagtutol at tapang. Tumawa siya nang mahina, parang may lihim na alam. “Hindi mo kailangang pumayag, Angelic. Ang ama mo ang pumayag para sa’yo,” tugon ng binata, nilalatad ang katotohanan na masakit pa ring marinig ng dalaga, ngunit hindi na siya nasindak o naguluhan sa kalakaran ng mga kasunduan. “Hindi ako pag-aari ninuman,” mariin nyang sabi, pinatunayan ang kalayaan ng sarili na hindi matitinag ng sitwasyon. Biglang tumahimik ang silid, Lumapit pa siya ng kaunti—hindi para hawakan ang dalaga, kundi para ipadama ang kontrol, indayang tinataglay ng kanyang presensya. “Makinig kang mabuti,” mababa niyang wika, damang-dama ang pananakot sa bawat iglap. “Hindi kita ibibigay basta sa lalaking iyon. Hindi ako gano’n katanga.” Tinitigan niya nang diretso ang dalaga, nagsusumikap na maiparating ang bigat ng kanyang katayuan. “Akin ka. Dahil ikaw ang bayad sa utang ng ama mo,” Huminga sya nang mabagal, pinipiga ang lakas ng loob. “At kung dumating siya?” tanong ng dalaga, pilit pinipigilan ang pangamba. Kumislap ang mga mata ni Jude, bakas ang sigla . “Darating siya,” sagot niya, “Sigurado ako.” “Bakit?” Sa tanong na iyon, doon siya ngumiti—hindi masaya, kundi tiwala at may kumpiyansa. “Dahil ang tingin niya sa’yo ay tropeyo,” wika niya. “At walang lalaking tulad niya ang papayag na maagaw ang isang bagay na minarkahan na niya.” Umangat ang baba nya, “Mali ka,” matigas na pagtutol, sandaling natahimik siya. “Hindi ako tropeyo,” dagdag nito. “At hindi ako bagay na inaagaw.” Saglit na nag-iba ang ekspresyon niya—hindi galit, kundi interes, nagmamantika sa lahat ng posibilidad na maaari pang mangyari. “Kung gano’n,” sabi niya, “patunayan mo.” Tumalikod siya at naglakad patungo sa pinto, bago lumabas, huminto siya. “Maghanda ka,” malamig niyang sabi. “Kapag nagsimula na ang galaw sa labas, wala ka nang kontrol sa mangyayari.” Sumara ang pinto, naiwan itong mag-isa—ngunit hindi na pareho ang pakiramdam, parang may nagbago sa loob niya. Kung darating si Jeon, hindi siya tatayo sa likod niya bilang gantimpala— Nasa opisina si Jude, nakatanaw sa malawak na lupain ng kampo, minamasdan ang bawat detalye ng paligid sa harap ng bintana ng kanyang kontrol. Tahimik ang gabi, ngunit alam ng lahat na may paparating na unos, ang hangin ay puno ng pag-aalalang hindi masabi. May kumatok, marahan ngunit may intensyon na pumasok sa mundo ng amo. “Pumasok,” malamig niyang sabi, parang walang emosyon ngunit ang tinig ay utos ng isang makapangyarihang pinuno. Isang babae ang pumasok—si Mara, ang kanang kamay niya, matagal na itong nasa organisasyon at kilala sa kanyang pagiging loyal, matalino, at hindi basta-basta nagtatanong. Ngunit ngayong gabi, iba ang tingin nito, may pag-aalalang bumabalot sa kanyang mga mata. “Boss,” maingat nitong panimula, “ano ba talaga ang plano mo sa bihag?’’ Hindi agad sumagot si Jude, pinatay niya ang sigarilyo sa kristal na ashtray bago humarap dito, nagpapalalim ng tensyon. “Hindi malinaw ang tanong mo,” sagot niya, “Alam nating lahat na hindi lang ito tungkol sa utang ng ama niya,” diretso nitong sabi, ipinapahayag na alam niya ang mas malalim na dahilan ng galaw ng kanilang amo. “Hindi ka naman gumagalaw para lang sa pera.” Bahagyang ngumiti si Jude, . “Tama ka,” wika niya. Lumakad siya palapit sa mesa at binuksan ang isang folder—mga larawan ni Angelic, mga report, galaw, koneksyon, parang itinahi na ang buong buhay ng dalaga sa harap ng hukom. “Hindi ko siya kinuha para maging asawa,” dagdag niya, ipinaliliwanag ang tunay na motibo. Napakunot ang noo ni Mara, “Kung gano’n...?” “Tulay,” sagot niya—isang tulay para pabagsakin si Jeon Devereaux, parang hagdan ng manipis na pag-asa na magpapabigat sa timbangan ng kapangyarihan. “Tulay?” ulit ng babae, nangangapa sa mas malalim na kahulugan ng bawat plano. “Tulay para pabagsakin si Jeon Devereaux,” mahinahon ngunit puno ng intensyon. Tumahimik ang silid, ramdam ang pagbigat ng usapan. “Sigurado ka bang gano’n ang magiging reaksyon niya?” tanong ni Mara, “Paano kung hindi siya kumilos?” Doon tuluyang ngumiti si Jude—kumpiyansa, halos mayabang ang bawat ngiti na parang nagbabanta. “Kikilos siya,” sagot niya, “Hindi dahil mahal niya ang babae.” Huminto siya sandali, . “Kundi dahil ayaw niyang maagaw ang isang bagay na minarkahan na niya.” Napabuntong-hininga si Mara, “At kapag dumating siya?” tinig na puno ng kaba. “Handa ang kampo,” malamig na sagot ni Jude, “Kapag tinangka niyang kunin siya, mawawala ang kalahati ng tauhan niya sa unang sampung minuto.” “At ang babae?” Tumingin si Jude sa larawan ni Angelic, matalim ang mga mata na parang tinataga ang bawat larawan. “Mananatili siyang buhay,” sabi niya, “Habang kailangan ko siya.” “Pagkatapos?” tanong ni mara.Sandaling katahimikan, . “Wala nang pagkatapos kung mabubura ko si Devereaux,” tugon niya, Tahimik na tumango si Mara, ngunit halatang may alinlangan sa mga mata, parang may bumabalot na sakit ng pagkabahala. “Bantayan n’yo siya,” huling utos ni Jude, “Huwag masyadong higpitan. Gusto kong isipin niyang may pag-asa!” Mag-isa si Jude sa opisina, nang muli siyang balikan ng isip niya ang bihag—si Angelic, tahimik, matapang, hindi lumuluhod. Huminga siya nang mabagal, pinipigilan ang isang uri ng pagnanasa na hindi niya hinahayaang magdikta ng desisyon, sapagkat sa mundong ginagalawan niya, ang kahinaan ay kamatayan—at ang padalos-dalos na galaw ay pagkatalo. “Madali lang sana,” bulong niya sa sarili, madali sanang sirain ang isang tao, madali sanang gamitin ang takot para kontrolin ito. Ngunit hindi iyon ang tamang panahon—hindi dahil may konsensya siya kundi dahil mas malaki ang pakinabang niya habang buo pa ito. Si Angelic ay hindi lang babae—isa siyang mensahe, isang mitsa, habang buhay at hindi nagagalaw, mas nag-aalab ang galit ni Jeon, mas nagiging padalos-dalos, mas nagiging personal. At iyon ang gusto ni Jude— Pumasok si Mara muli, tahimik ang hakbang, .“Boss, nadagdagan na ang bantay sa silid,” ulat nito. Tumango si Jude, nilalatag ang pagkontrol. “Siguraduhin mong walang gagalaw sa kanya nang walang utos ko,” malamig niyang sabi, parang sinilid sa yelo ang utos ng amo. Napatingin si Mara sa kanya, bahagyang nagtataka, “Akala ko—” “Huwag kang mag-isip ng iba,” putol niya, hindi nagbibigay ng puwang para sa mga malalambot na damdamin. “Hindi ako gagawa ng hakbang na magpapahina sa posisyon ko.” Lumapit siya sa bintana, nakatanaw sa dilim ng gabi, sinusukat sa isipan ang taglay na kapangyarihan. “Kung gugustuhin ko,” dagdag niya nang mababa ang tinig, “kaya kong wasakin siya.” Tahimik ang silid, parang nilamon ng mga pader ang lahat ng emosyon. “Pero hindi pa,”. Dahil habang hindi pa siya ginagalaw—habang hindi pa siya tuluyang nasisira—mas mahalaga siya.. Mas mahalaga bilang bagay na gustong bawiin ni Jeon. pinalapit nya ito upang may iabot sana at lumapit naman si Mara sakanya Hindi para abutin ang kung ano pa man kundi upang magbigay ng init—pinaupo ito ni Mara sa kanyang silya, marahan at may pagtanggap sa pagod ng binata. “Bakit hindi mo muna kalimutan ang ating bihag, Boss?” pang-aakit nito kay Jude, pilit inaalis sa isip ng lalaki ang bigat ng plano. Si Mara ay hindi lang basta isang kanang kamay ni Jude—ito ay kanya ding parausan, magaling ito sa pakikipagtalik, hindi ito lingid sa kanya at walang alinlangan sa pagbibigay ng katawan. Ito ang nagbibigay ng init sa kanya, ngunit hanggang doon lang ito; wala ng iba, walang damdamin kundi init lang ng katawan at tawag ng laman. Hindi ito lingid sa babae at handa naman itong ibigay ng dalaga sa kanyang amo, alam na alam ang laro ng relasyon. Unti-unti niyang nilapat ang labi nya sa labi nito at nag-espadahan sila; tuluyan nang naglumikot ang kamay ng binata sa katawan nito, sinasakop ang bawat landas ng laman. Napaungol naman ang dalaga, may ngiti sa mga labi, at nagtagumpay na naman sya sa kanyang nais mangyari sa kanila ng kanyang amo—
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD