Hindi impulsibo si Mara.
Hindi siya gumagalaw nang walang kalkulasyon.
Ngunit sa gabing iyon, habang tahimik ang kampo at abala ang lahat sa paghahanda ng mga papeles para sa “kasal,” may ibang plano siyang binuo.
Sa loob ng maliit na opisina ng administrasyon, umupo siya sa harap ng computer. Walang nakakaalam na may access siya sa opisyal na template ng kanilang organisasyon—mga dokumentong ginagamit sa mga alyansa, kontrata, at kasunduan.
Binuksan niya ang bagong file.
Sa itaas, inilagay niya ang simbolo ng pamilya ni Jude.
Sa ibaba—
Formal Union Announcement
Jude Samañiego
&
Angelic Angeles
Petsa.
Oras.
Lokasyon ng kampo.
Hindi engrande. Hindi romantiko.
Isang malamig na anunsyo ng pag-aangkin.
Tinitigan niya ang screen nang ilang segundo.
Hindi niya ito ginagawa para kay Angelic.
Hindi rin para kay jeon.
Ginagawa niya ito dahil ayaw niyang maging permanente ang babaeng iyon sa pangalan ni Jude—kahit sa papel.
Kung masisira ang plano,
masisira ito nang maaga.
I-pinrint niya ang isang kopya.
Tinupi.
Isinilid sa isang itim na sobre na walang marka.
Sa labas, may tauhan silang regular na nagpapadala ng mga “mensaheng pang-negosyo” sa iba’t ibang kampo. Isa sa mga ito ang may dating koneksyon sa network ni jeon.
Lumapit siya rito nang walang emosyon sa mukha.
“Ipadala mo ‘to sa address na ‘to,” sabi niya, iniabot ang papel na may koordinado. “Personal. Walang pangalan ng nagpadala.”
Tiningnan siya ng tauhan.
“Urgent ba ‘to?”
“Napaka,” sagot niya.
Hindi nagtanong ang lalaki.
Habang umaandar ang sasakyang magdadala ng sobre palabas ng kampo, nakatayo si Mara sa madilim na balkonahe.
Sa malayo, tahimik ang gabi.
Ngunit alam niyang sa oras na mabasa iyon—
Hindi na magiging tahimik ang lahat..
Tahimik ang opisina ni jeon nang ilapag sa mesa niya ang itim na sobre.
Walang marka.
Walang pangalan.
Ngunit sa mundong ginagalawan niya, ang ganitong klaseng sulat ay hindi kailanman basta-basta.
“Galing sa loob,” sabi ng tauhan niya. “Sigurado.”
Tumango si jeon.
Binuksan niya ang sobre nang dahan-dahan—parang may pasensya. Parang wala lang.
Ngunit sa sandaling bumungad ang papel—
Nagbago ang hangin sa silid.
Formal Union Announcement
Jude Samañiego
&
Angelic Angeles
Petsa.
Oras.
Lokasyon.
Hindi siya agad gumalaw.
Ilang segundo siyang nakatitig sa pangalan niya—
Angelic.
Kasal.
Sa papel man o hindi—
ang mensahe ay malinaw.
Pag-aangkin.
Hamón.
Paglapastangan.
Unti-unting humigpit ang hawak niya sa papel hanggang sa magkulubot ito sa kamao niya.
“Boss…” maingat na tawag ng isa sa mga tauhan.
Hindi siya sumigaw.
Mas nakakatakot ang nangyari.
Ngumiti siya.
Isang ngiting walang saya.
Walang awa.
“Akala niya laro ito,” mahina niyang sabi.
Lumapit siya sa mesa at ibinagsak ang papel doon.
“Pinadalhan niya ako ng imbitasyon,” dagdag niya. “Para ipaalam na tuluyan nyang kukunin ang pag-aari ko.”
Nag-iba ang tono ng boses niya—mas malamig. Mas personal.
“Hindi niya alam ang pagkakamali niya.”
Tinanggal niya ang relo sa pulso niya at maingat na inilapag sa mesa—parang naghahanda sa isang bagay na hindi maaaring madungisan.
“Ihanda n’yo ang lahat,” utos niya. “Hindi ito basta rescue kukunin ko lang kung ano ang akin.”
Tumigil siya sandali.
“Ito ay ang totoong pag-angkin.”
“Boss, ang kampo nila—”
“Wala akong pakialam,” putol niya.
Lumapit siya sa bintana, nakatanaw sa lungsod na tila ba payapa pa rin.
“Hindi niya ako inasar,” dagdag niya.
“Tinuruan niya akong magalit.”
At kapag nagalit si jeon luke Devereaux—
Hindi siya basta-basta kumukuha.
Nag-iiwan siya ng marka.
Luminga siya sa mga tauhan niya.
“Walang maiiwan sa lugar na iyon na makakalimot kung sino ang dumating,” sabi niya.
Huminga siya nang malalim, ang galit niya ay hindi apoy—
kundi yelo.
“Sa araw ng kasal?” bahagya siyang tumawa.
“Doon ko siya kukunin at babawiin.”
“At doon ko sisimulan ang pagbura kay Jude''.
Sa araw ng kasal, hindi engrande ang kampo—ngunit may kakaibang tensyon sa hangin.
Ilang oras na lang bago sumapit ang seremonya nang biglang ipinatawag si Jude ng kanyang mga magulang. Hindi niya maaaring tanggihan. Sa kanilang pamilya, ang utos ng dugo ay mas mataas kaysa sa utos ng organisasyon.
Kasama niyang umalis si Mara.
“Babalik tayo bago magsimula,” sabi ni Jude habang isinusuot ang kanyang coat. “Dalawampung bantay ang maiiwan. Sapat na iyon.”
“Oo,” sagot ni Mara, ngunit may kung anong hindi mabasa sa kanyang mga mata.
Umalis ang convoy nila.
At sa unang pagkakataon mula nang mabihag si Angelic—
wala sa kampo ang dalawang pinakamapanganib na tao roon.
Dalawampung armadong bantay ang naiwan. Sanay. Disiplinado. Ngunit kampante.
Sa loob ng silid, tahimik na nakatayo si Angelic sa harap ng salamin.
Simple ang suot niyang puting bestida. Walang disenyong marangya. Walang belo. Walang alahas. Parang isang aninong ikakasal sa papel, hindi sa pag-ibig.
Pinagmasdan niya ang sarili.
Hindi siya umiiyak.
Hindi siya nanginginig.
Ang mas nakakatakot—
wala na siyang pag-asang makalaya.
Pagod na siyang umasa. Pagod na siyang maghintay ng milagro. Kung may darating man—tatanggapin niya. Kung wala—tatayo siya hanggang sa huli.
''Simple at tahimik na buhay lang ang gusto ko'', bulong ng alaala sa isip niya.
Ngunit ang tahimik na buhay ay malayo na.
May kumatok sa pinto. Isa sa mga babaeng tauhan ang pumasok para ayusin ang laylayan ng damit niya.
“Malapit na,” sabi nito.
Tumango si Angelic.
Sa labas, nag-uusap ang mga bantay.
“Sigurado bang walang galaw?” tanong ng isa.
“Tahimik ang paligid,” sagot ng isa pa. “Walang kahina-hinala.”
Tahimik.
Sa malayong bahagi ng kalsada patungo sa kampo, may ilang sasakyang hindi gumagamit ng ilaw ang gumagalaw nang sabay-sabay.
Eksaktong dalawampu rin.
Sa loob ng isa sa mga iyon, nakaupo si jeon Devereaux.
Hindi siya nagsasalita. Hindi siya nagmamadali.
Tinitigan niya ang relo sa kanyang pulso.
“Timing,” sabi niya nang malamig.
“Boss, kumpirmado. Umalis si Jude kasama ang kalahati ng tauhan,” ulat ng isa.
Bahagyang nag-iba ang ekspresyon niya.
“Mas mabuti ibig sabihin hindi pa panahon para mamatay ang lalaking yun ,” sagot niya.
Sa kampo, sa loob ng silid na puno ng kandado at kamera, huminga nang malalim si Angelic.
Kung ito na ang katapusan ng kanyang kalayaan—
tatanggapin niya ito nang may dignidad.
Hindi niya alam na ang mismong sandaling iniisip niyang wala nang pag-asa—
ay ang sandaling pinili ng isang lalaking magdulot ng bagyo.
Sa labas ng perimeter, unti-unting pumwesto ang mga tauhan ni jeon.
Walang sigaw.
Walang babala.
Isang maikling utos lang ang ibinigay niya:
“Simulan nyo na.”
At sa loob ng kampo, bago pa man marinig ang unang putok—
may kakaibang lamig ang bumalot sa hangin.
Takot.
Iyon ang unang naramdaman ni Angelic.
Hindi dahil sa kasal.
Hindi dahil kay Jude.
Kundi dahil sa tunog.
Isang malayong putok.
Hindi malakas—parang naputol lang ang hangin sa labas. Ngunit sapat iyon para mag-iba ang ritmo ng kanyang puso.
Tumigil ang babaeng nag-aayos ng laylayan ng bestida niya.
“May narinig ka ba?” mahina nitong tanong.
Bago pa makasagot si Angelic—
Sunod-sunod na putok ang umalingawngaw.
Mas malapit.
Mas malinaw.
Napaatras ang babae at napasigaw sa labas ang isa sa mga bantay.
“May sumalakay!”
Nanlamig ang mga kamay ni Angelic.
Ito na ba iyon?
Ang mga tuhod niya ay bahagyang nanghina. Ang t***k ng puso niya ay tila gustong tumalon palabas ng dibdib niya.
Takot.
Hindi niya ito maikakaila.
Takot na baka mamatay siya.
Takot na baka mali ang hinala niya.
Takot na baka walang dumating para sa kanya—at ito’y simpleng m*****r lamang.
Nagkagulo ang mga yabag sa labas ng silid. May sumigaw nag utos. May bumagsak na tila katawan.
Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa pader.
Napahawak siya sa salamin.
Huminga. Isa. Dalawa.
Napagod na akong matakot.
Ngunit iba ang takot kapag naririnig mo ang kamatayan sa kabilang pader.
Lumapit siya sa pinto, kahit alam niyang naka-lock iyon. Ang bawat putok ay parang lumalapit.
“Protektahan ang bihag!” sigaw ng isang bantay sa labas.
Bihag.
Iyon pa rin siya sa paningin nila.
Ngunit sa gitna ng kaguluhan, may kakaibang pakiramdam sa dibdib niya—hindi pag-asa, hindi pa.
Kundi kutob.
Ang uri ng kutob na nagsasabing—
may darating.
Isang malakas na kalabog ang umalingawngaw sa mismong labas ng pinto niya.
May tumama sa bakal.
May bumagsak.
Tahimik.
Isang mabagal na hakbang ang narinig niya mula sa kabilang panig.
Hindi nagmamadali.
Hindi nagtatakbo.
Isang hakbang na tila ba alam ang direksyon.
Huminto ang yabag sa harap ng pinto.
Saglit na katahimikan.
At pagkatapos—
Isang malakas na putok.
Nabutas ang kandado.
Napaatras si Angelic, ang takot ay muling sumiklab sa kanyang dibdib.
At sa gitna ng usok at ingay—
may aninong tumayo sa kabilang panig ng bumukas na pinto.