Dumiretso si Jeon sa isa sa mga eksklusibong hotel sa Milan.
Hindi ito basta hotel.
Isa itong high-security private property—kilala sa pagtanggap ng mga negosyanteng ayaw makita ng publiko.
Pagdating ng convoy, agad bumukas ang glass doors. Nakaabang na ang manager, halatang naabisuhan na ng pagdating niya.
“Mr. Devereaux,” magalang nitong bati.
Hindi siya ngumiti.
Isang maikling tango lang ang sagot niya bago tuluyang pumasok sa lobby.
Marble floors. Crystal chandeliers. Mahinang classical music.
Sa ibabaw, mukhang elegante.
Sa ilalim—may dalawang tauhan na agad nag-check ng CCTV feeds. May isa na umakyat muna sa suite para siguraduhin na walang naka-install na listening device.
“Clear ang penthouse, boss,” bulong ng isa sa earpiece.
Sumakay siya sa private elevator.
Habang umaakyat, tahimik ang loob.
Nakatitig si Jeon sa repleksyon niya sa salamin.
Milan.
Teritoryong hindi kanya.
Kalahati ay nasa panig ng angkan ni Jude.
Ang kabilang kalahati—maaaring naghihintay kung saan papabor ang hangin.
Pagbukas ng elevator, bumungad ang malawak na penthouse suite.
Floor-to-ceiling windows na tanaw ang lungsod.
Inilapag niya ang coat sa upuan at dumiretso sa malaking mesa kung saan nakalatag ang mapa ng distrito ng Milan.
“Anong update sa meeting?” tanong niya.
“Nasa ibaba po ang representative. Hinihintay ang kumpirmasyon kung dito o sa warehouse,” sagot ng tauhan.
“Hindi sa warehouse,” malamig niyang sabi. “Sa conference room ng hotel. Mas kontrolado.”
“Opo.”
Habang inaayos ng mga tauhan ang paligid, saglit siyang tumingin sa labas ng bintana.
“Kilalanin n’yong maigi ang mga dadalo.”
Malamig ang boses ni Jeon habang nakatayo sa harap ng malawak na bintana, tanaw ang ilaw ng lungsod sa ibaba.
“Background check. Financial ties. Lahat ng koneksyon nila sa angkan ni Jude.”wika ni jeon.
“Opo, boss.”
“Paghandaan n’yo rin ang mga sniper,” dugtong niya nang hindi lumilingon. “Magpwesto sa katapat na gusali. Kung may kikilos nang mali sa loob—”
Hindi niya tinapos ang pangungusap.
Hindi na kailangan.
“Understood,” sagot ng head of security. “Dalawang marksman sa rooftop ng east tower. Isang backup sa parking structure.”
“Clear ang exit routes?” tanong niya.
“Opo. May tatlong evacuation path. May armored vehicle sa basement.”
Tahimik si Jeon sandali.
Hindi siya umaasa ng maayos na meeting.
Sa Milan, ang ngiti ay madalas may kasamang kutsilyo sa likod.
“Walang unang babaril,” dagdag niya. “Pero kapag may gumalaw—”
“Hindi na sila makakauwi,” tapos ng tauhan.
Tumango si Jeon.
May biglang kumatok.
Tatlong beses. Mabagal. Kumpiyansa.
Nagkatinginan ang mga tauhan ni Jeon.
Wala iyon sa listahan ng dadalo.
Isang tauhan ang agad lumapit sa pinto, kamay nasa loob ng suit—handa.
“Boss,” bulong nito, “may bisita. Hindi naka-schedule.”
“Tignan mo,” malamig na utos ni Jeon.
Binuksan nang bahagya ang pinto.
At doon nila nakita ang lalaking hindi nila inaasahan.
“Aleric,” bulong ng isa.
Matangkad. Maayos ang suit. Walang takot ang mga mata.
Kaibigan.
At isa sa pinaka pinagkakatiwalaan ni Jeon.
Nasa Rome dapat.
“Ako lang,” kalmadong sabi ni Aleric habang itinataas ang dalawang kamay, tanda ng pagrespeto sa protocol. “Walang armas.”
Saglit siyang sinuri ng security bago tuluyang papasukin.
Nang makapasok, nagtagpo ang mga mata nila ni Jeon.
Tahimik ang ilang segundo.
“Hindi ka naka-schedule,” malamig na sabi ni Jeon.
“Alam ko,” sagot ni Aleric. “Kaya ako nandito.”
“Tapos na misyon ko doon, bro.”
Bahagyang ngumiti si Aleric habang tinatanggal ang gloves niya.
“Ano, bubulukin mo ba ’ko sa Rome?” biro niya, pero may laman ang tono. “Ikinasal ka… di mo man lang ako naalala.”
Tahimik ang ilang tauhan sa paligid. Hindi sila sanay makarinig ng ganoong klaseng pananalita kay Jeon.
Ngunit hindi sila basta magkaibigan.
Magkapatid sila sa digmaan.
Bahagyang tumingala si Jeon, walang emosyon ang mukha.
“Hindi ito reunion,” malamig niyang sagot.
“Alam ko,” tugon ni Aleric, pero hindi nawawala ang bahagyang ngiti. “Pero kasal mo ’yon. Akala ko ba wala kang pakialam sa ganung bagay?”
Tahimik.
“Legal necessity,” sagot ni Jeon.
“Legal necessity?” natawa si Aleric nang mahina. “Bro, hindi ka tumatayo sa altar para lang sa legal necessity.”
Nagtagpo ang kanilang mga mata.
Walang iba sa silid ang makakaintindi ng ganitong palitan.
“Kung pupunta ka, gagawin mo,” dagdag ni Aleric. “Kahit wala kang pakialam.”
“May kailangan akong ipakita,” malamig na sagot ni Jeon.
“Kaninong palabas?” hamon ni Aleric. “Kay Jude… o sa sarili mo?”
Sa isang iglap—
binunot ni Jeon ang baril mula sa loob ng coat niya.
Mabilis. Walang pag-aalinlangan.
Itinutok niya iyon kay Aleric.
Nag-freeze ang mga tauhan sa paligid. Ang ilan ay bahagyang umusog, pero walang nangahas gumalaw.
“Titigil mo ba ’yang bibig mo,” malamig na sabi ni Jeon, ang daliri’y nakapwesto sa gatilyo, “o itong baril ko ang magpapatahimik sa’yo?”
Tahimik ang silid.
Hindi umurong si Aleric.
Hindi rin siya umabot sa sarili niyang armas.
Sa halip—
ngumiti siya nang bahagya.
“Kung ako ang kaaway mo,” kalmadong sagot niya, “matagal na akong bumaril.”
Mas tumalim ang mga mata ni Jeon.
“Hindi ako nagbibiro,” dagdag niya.
“Alam ko,” sagot ni Aleric. “At alam ko rin na hindi mo ako babarilin.”
“Ah… kaya malakas ang loob mong mangbwisit dito.”
Mababa ang boses ni Jeon. Hindi sigaw—pero mas mapanganib.
Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Aleric.
“Kung mang-iinis lang ang pakay ko, hindi ako aakyat dito nang walang backup sa labas,” sagot niya, kalmado pa rin.
Nagtagpo ang kanilang mga mata.
Dalawang lalaking parehong sanay sa kapangyarihan. Parehong hindi basta-basta umaatras.
“Hindi kita kinokontra,” dugtong ni Aleric. “Pinapaalala ko lang sa’yo na hindi lang si Jude ang gumagalaw.”
“Wala akong pakialam kung ilan sila,” malamig na sagot ni Jeon. “Kapag lumapit sila sa teritoryo ko—”
“Susunugin ko ulit ang isa sa teritoryo nila.”
Malamig ang boses ni Jeon. Walang emosyon.
“Baka hindi pa sila nadadala.”
Tahimik ang silid.
Hindi ito banta na padalos-dalos.
Hindi ito galit na walang plano.
Ito ay desisyon.
“Boss,” maingat na sabi ng isa niyang tauhan, “kapag ginawa natin ’yan dito sa Italy, siguradong lalawak ang gulo. Hindi lang angkan ni Jude ang gagalaw.”
“Mas mabuti,” sagot ni Jeon.
Lumapit siya sa mesa kung saan nakalatag ang mapa ng Milan. Tinuro niya ang isang distrito sa southern port—isang warehouse na alam nilang ginagamit ng mga kaalyado ni Jude.
“Hindi sunog na walang mensahe,” dagdag niya. “Isang malinaw na paalala.”
“Anong klaseng paalala, boss?” tanong ni Aleric.
Tumigil si Jeon sandali.
“Na wala akong pakialam kung ilan sila.''
“Hindi lahat dito sa Italy ay kakampi nila.”dugtong ni jeon
Malamig ang boses ni Jeon habang nakatanaw sa lungsod.
“Kalahati dito ay walang pakialam… basta may pera.”
Tahimik ang silid.
Alam ng lahat na totoo iyon.
Sa Milan, loyalty is rented.
Hindi binibili ng dugo—kundi ng halaga.
“Kaya hindi ko kailangan sunugin agad,” dugtong niya, mas mababa ang tono ngayon. “Kailangan ko lang ipakita kung saan mas malaki ang kita.”
Bahagyang ngumiti si Aleric.
“Mas gusto ko ’yan,” sabi nito. “Mas tahimik na digmaan.”
Humakbang si Jeon papunta sa mesa at tinuro ang ilang neutral districts sa mapa.
“Lapitan natin ang mga walang pakialam,” utos niya. “Taasan ang offer. Bigyan sila ng dahilan para maging walang pakialam kay Jude.”
“Opo, boss.”
“Hindi ko kailangan ng lahat,” dagdag niya. “Kailangan ko lang ang sapat para ma-isolate sila.”
utang na loob.
“Kapag nagising sila at nakita nilang mas malakas ang daloy ng pera sa panig natin,” sabi ni Jeon, “sila mismo ang lalayo sa angkan ni Jude.”
Tahimik si Aleric.