CHAPTER 20

1512 Words
Maaga pa lamang ay umalis na si Jeon. Hindi sumikat nang tuluyan ang araw nang tahimik na lumabas ang convoy mula sa villa. Walang paalam. Walang iniwang mensahe. Walang paliwanag kung saan siya pupunta—o kung kailan siya babalik. Sa loob ng villa, karamihan sa tauhan ay alam lamang na may “mahalagang lakad” ang kanilang boss. Ngunit walang detalyeng ibinigay. Sa silid sa itaas, mahimbing pa ang tulog ni Angelic nang umalis siya. Hindi niya narinig ang pag-alis ng sasakyan. Hindi niya alam na bakante na ang kabilang bahagi ng kama sa villa. Nang magising siya, tahimik ang paligid. Hindi na niya kailangan pang magtanong. Ramdam niya. May kakaibang lamig sa umagang iyon. Pagbangon niya at pagbukas ng pinto, sinalubong siya ni Nana Isabel. “Maagang umalis si Jeon, iha,” mahinahong sabi nito. “Kailan po babalik?” tanong niya, kontrolado ang boses. Saglit na nag-atubili ang matanda. “Hindi niya sinabi.” Tahimik ang loob ng itim na SUV habang binabaybay nila ang madilim pang highway palabas ng Barcelona. Nakatitig si Jeon sa labas ng bintana. Hindi mabasa ang ekspresyon. Maya-maya, bahagyang lumingon ang driver. “Boss,” maingat nitong tanong, “saan po tayo dederetso? May naka-schedule po tayong transaksyon sa armas.” Sandaling katahimikan. Hindi agad sumagot si Jeon. Sa dashboard, kumikislap ang encrypted phone—may mga mensaheng naghihintay. “Sa warehouse,” malamig niyang sagot sa wakas. “Dock 17.” “Opo, boss.” “Siguraduhin mong malinis ang paligid,” dugtong niya. “Ayokong may buntot.” “Na-check na po ang route. May dalawang backup exit.” Tumango si Jeon. Isang transaksyon ng armas. Hindi ito bagong bagay sa mundo niya. Mga crate na may serial numbers na binura. Mga pangalan na hindi dapat banggitin. Mga kamay na sanay tumanggap at magbayad nang walang resibo. Sa isip niya, malinaw ang layunin— palakasin ang arsenal. Maghanda sa anumang galaw ng mga kalaban. Panatilihin ang kontrol. Habang papalapit ang sasakyan sa industrial port, unti-unting sumisikat ang araw. Habang sinusuri ng mga tauhan ang mga crate ng armas, muling lumapit ang driver kay Jeon. “Boss,” maingat nitong tanong, “pagkatapos po ba nito… lilipad po ba tayo patungong Italy?” Tahimik ang paligid. Ang tunog ng metal crates at mahinang alon sa pantalan ang pumupuno sa hangin. Hindi agad sumagot si Jeon. Nakatingin siya sa mga kahon—isa-isang binubuksan, isa-isang chine-check ang laman. “May meeting po kasi sa Milan,” dugtong ng tauhan. “’Yung supplier natin sa southern route naghihintay.” Huminga nang mabagal si Jeon. Italy. Isa pang teritoryo. Isa pang galaw sa chessboard. Isa pang posibilidad ng alyansa—o pagtataksil. “At kung lilipad tayo,” dagdag ng tauhan, “ilang araw po kaya tayo mawawala sa Spain?” “Isang buwan tayo doon,” malamig na saad ni Jeon habang isinasara ang isang crate. Bahagyang natahimik ang mga tauhan. “Isang… buwan, boss?” ulit ng driver, tila nagdadalawang-isip. “Oo.” “Eh… paano po ang inyong asawa?” Hindi ito tanong na karaniwang itinatanong sa kanya. Tahimik ang hangin sa loob ng warehouse. Unti-unting tumingala si Jeon. Walang emosyon ang mukha niya— “Protektado siya sa villa,” sagot niya. “Mas ligtas siya roon kaysa saan man.” “Opo, boss. Pero… kakakasal n’yo lang po.” Hindi sumagot agad si Jeon. Isang buwan. Milan. Transaksyon. Strategic move iyon. Pero sa kabilang banda— isang bagong kasal na iiwan sa loob ng villa, sa isang bansang hindi kanya. “Hindi siya mahina,” malamig niyang sabi sa wakas. “At hindi na siya bata.” Tumango ang tauhan, pero hindi pa rin nawawala ang bahagyang pag-aalala sa tono. “Siguraduhin n’yo lang na doble ang bantay sa villa,” dugtong ni Jeon. “Walang papasok nang hindi ko nalalaman. At ipaalam sa akin ang bawat galaw.” “Opo, boss.”Para kay Jeon, wala namang nagbago. Kasal man siya sa papel. Kasal man siya sa harap ng altar. Ang mundo niya ay nananatiling pareho. Negosyo muna. Kapangyarihan muna. Kontrol muna. Habang umaandar ang sasakyan palayo sa pantalan, nakatutok ang isip niya sa shipment routes, sa meeting sa Milan,. Isang buwan. Isang buwan na wala siya sa Spain. Sa villa, may asawa siyang iniwan. Ngunit sa pananaw niya— mas ligtas iyon kaysa isama siya sa gitna ng mga transaksyon at lihim na pagpupulong. Hindi niya tinitingnan ang pag-alis bilang pagtalikod. “Medyo marami po tayong kalaban sa Italy, boss,” seryosong saad ng isa niyang tauhan habang nakabukas ang tablet na may mapa ng Milan. “Kalahati sa kanila nasa panig ng angkan nila Jude.” Tahimik ang loob ng sasakyan. Hindi nagulat si Jeon. Parang inaasahan na niya iyon. “Expected,” malamig niyang sagot. “Pero boss,” dugtong ng tauhan, “kung gano’n kalawak ang impluwensya nila roon, baka hindi lang ito simpleng meeting. Maaaring sinusukat nila ang galaw natin.” Tumahimik siya sandali. Sa mapa, may mga pulang marka—territories na kontrolado ng pamilya ni Jude. Ilan sa mga supplier sa southern route ay may koneksyon sa kanila. “Hindi tayo pupunta roon para makipagkaibigan,” mababa niyang sabi. “Kung kalahati ay nasa panig nila, siguraduhin mong ang kalahati ay may utang sa atin.” “Opo, boss.” “Gusto ko ng updated list ng lahat ng loyal kay Jude sa Milan. Lahat ng pangalan. Lahat ng negosyo.” “Na-compile na po, pero patuloy pa rin ang verification.” “Bilisan ninyo.” Tahimik muli. “Boss,” marahang tanong ng driver, “Palagay mo natatakot ako sa kanila?” Mababa ang boses ni Jeon. Hindi siya sumigaw. Hindi rin siya ngumiti. Pero sapat ang lamig sa tono para manahimik ang mga tauhan. Agad yumuko ang nagsalita kanina. “Hindi po, boss. Hindi po iyon ang ibig kong sabihin.” Humakbang si Jeon palapit, ang tunog ng sapatos niya sa sementadong runway ay malinaw sa umagang iyon. “Takot?” ulit niya, bahagyang nakataas ang kilay. “Ang takot ay para sa mga walang paghahanda.” Tahimik ang hangin. “Kung kalahati ng Italy ay nasa panig ni Jude,” dugtong niya, “mas mabuti.” “Bakit po, boss?” “Dahil mas madaling bilangin ang kalaban kapag lantad sila.” Walang emosyon ang mukha niya. Sanay siya sa mas malalaking teritoryo. Sanay siya sa mas maraming baril. Sanay siya sa mas madugong sagupaan. “Ang tunay na problema,” dagdag niya habang umaakyat sa hagdan ng jet, “ay ang kalabang hindi mo nakikita.” Sumunod ang mga tauhan. “Opo, boss.” Bago tuluyang pumasok sa loob ng eroplano, sandali siyang tumigil. Sa isip niya, hindi Italy ang kinatatakutan niya. Hindi ang angkan ni Jude. “Wala pang tao ang nagbibigay sa’kin ng kakayahang matakot.” Tahimik ngunit matalim ang boses ni Jeon habang nakaupo na sa loob ng jet. Hindi iyon pagyayabang—isa iyong paniniwala. Ang mga tauhan niya ay hindi na nagsalita. Alam nila. Sa murang edad, nasaksihan niya ang brutal na pagkamatay ng kanyang mga magulang. Sa mga sumunod na taon, siya mismo ang naghabol at nagtanggal sa mga kasabwat. Walang umalalay. Walang nagligtas. Kung may natutunan siya, iyon ay ito: Ang takot ay luho. At ang mga nasa mundo niya ay walang ganung pribilehiyo. “Ang mga taong nagsasabing matapang sila,” dugtong niya habang nakatanaw sa ulap sa labas ng bintana, “karaniwang may tinatago.” Sandaling katahimikan. “Pero ako,” mababa niyang sabi, “wala akong tinatago.” Walang takot. Walang pag-aatubili. Walang pag-urong. Sa cockpit, nag-anunsyo ang piloto: “Landing in Milan in forty minutes.” Unti-unting bumaba ang jet mula sa ulap. Pagkababa ng sinasakyan ni Jeon sa Italy, agad siyang sinalubong ng mga pinagkakatiwalaan niyang tauhan. Malamig ang hangin ng Milan. Mas mabigat kaysa sa Barcelona. Pagbukas ng pinto ng jet, bumungad ang apat na lalaking naka-itim—walang emosyon ang mukha, pero halatang alerto. “Boss,” sabay-sabay nilang bati, bahagyang yumuko. Tumango si Jeon habang bumababa sa hagdan. “Clear ang paligid?” tanong niya. “Sa ngayon, oo,” sagot ng isa. “Pero may galaw sa southern district. Dalawang warehouse na dating neutral, nasa panig na ng angkan ni Jude.” Hindi siya nagulat. “Expected,” malamig niyang sagot. Sa likod ng runway, naghihintay ang convoy—tatlong armored vehicles, tinted ang salamin. Habang naglalakad siya papunta roon, lumapit ang kanyang kanang kamay sa Italy. “Boss, may impormasyon pa. Ang isa sa mga supplier na ka-meeting natin mamaya… may koneksyon sa pamilya ni Jude.” Saglit siyang huminto. “Direkta?” tanong niya. “Hindi pa malinaw. Pero may financial trail.” Bahagyang tumalim ang mga mata ni Jeon. “So sinusukat nila ako,” mahina niyang sabi. “Posible po.” Sumakay siya sa gitnang sasakyan. “Hindi tayo susugod agad,” utos niya. “Hayaan n’yong sila ang magpakita ng baraha.” “Opo.” Habang umaandar ang convoy sa madilim na kalsada ng Milan, tahimik si Jeon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD