Hapon na nang magising si Jeon. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata— at agad niyang nakita si Angelic sa tabi niya. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Mukhang nakisabay sa kanya sa pahinga. Tahimik. Payapa. Sandaling napatitig si Jeon sa kanya. Pagkatapos ay maingat siyang gumalaw, dahan-dahang inalis ang braso upang hindi siya magising. Inayos niya ang kumot ng dalaga bago tuluyang bumangon. Tahimik siyang pumasok sa banyo, naligo, at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay dumiretso siya sa walk-in closet. Nagpalit siya ng pang-alis—dark shirt, fitted pants, at coat. Mukhang handa na sa kung anumang lakad niya mamayang gabi. Ngunit hindi pa doon natapos. Sa loob ng closet— binuksan niya ang isang nakatagong pinto. Isang silid na tanging siya lamang ang may access.

