5

1711 Words
"S-sir..." Kagat labing tawag ko sa pansin ni Sir Quir. Inangat niya ang mukha at itinigil ang pagbabasa ng mga papeles. Ngayon, buong-buo ko nang nakukuha ang atensyon niya... Na hindi ko alam kung dapat ko bang ikapanatag. "You have 3'oclock meeting po with Faelden's Group and Company. At Bonifacio's Grilling Restaurant." Napahilot ito sa gitna ng mga mata. Halatang na-stress bigla. Ginawa ko lang naman ang pagpapaalala sa kanya na may meeting siya ngayon, isang oras bago mag-alas tres. "I'm bringing you up... Magfile ka na lang ng overtime tomorrow morning." "H-ho?" Gulat na turo ko sa sarili. "Yes Dannah... Tulad ni Karen, ganito ang trabaho ng isang secretary. Don't worry... You have higher salary now." "H-hindi po 'yon!" Napaisip naman ako... "Any problem, Dannah?" Napailing na lang ako bilang sagot. Minsan, hindi ko rin makilala 'tong si Sir. Siguro ay dala ng trabaho kaya ganito ito umakto ngayon. Sinuot ko kaagad ang jacket na dala ko kanina nang nakitang nagliligpit na ng gamit si Sir Quir. Lahat naka-pile nang maayos sa itaas ng table niya. Halatang maayos sa mga gamit si Sir Quir... Patunay kung paano nitong ginawa ang pagkakasunod ng mga papeles. "Anything in the sched planner?" Tanong niya habang nakatingala at naghihilot pa rin ng mga mata. "Ah, today po wala na. Bukas full schedule na po." Sabay silip ko sa planner. "Please cancel some..." "May lakad po kayo?" Hindi ko napigilang itanong. Sumilip siya sa akin at ibinaba ang kamay... Napakagat labi na lang ako sa naitanong ko. "Wala naman, Dannah. Kaso, kailangan ko din ng pahinga. Sometimes, I don't know if I made the right decision." Buga niya ng hangin sa sinabi niyang iyon. Nagpipigil naman ako na magtanong pa. Ngunit, siguro nahalata niyang nagpipigil lang ako kaya dinugtungan niya na kaagad. "My brother... Ipinaubaya ko sa kanya 'tong kompanya tatlong buwan na ang nakalilipas... And when I got back, things gone mad." "So I need to fix everything... That's when I forgot to rest." Napatingala ako sa sinabi niya, kita ko nga ang pagod sa mukha niya. Ganito siguro ang dahilan kung bakit nag-abot kami sa Club na pinuntahan namin ni Ma'am Hailey. Get laid. Maybe because he wanted to relax... Hindi ko pwedeng pag-isipan siya kaagad nang masama. Isang araw pa nga lang kaming magkasama sa isang space, nakita ko na kaagad kung gaano ito kaseryoso sa trabaho... Kaya alam ko... Kahit na minsan ay dinadaan niya sa biro lahat ng problema sa kompanya... Na hindi siya kailanman magseseryoso sa ibang bagay maliban na nga lang talaga pag trabaho na ang pinag-uusapan. "Dan..." Tawag ni Sir Quir nang bumaba kami mula sa sasakyan niya. "You don't have to say anything... I just want you to listen and highlight every important little thing... Then, irereview ko." Tumango ako sa sinabi niya at sumunod na papasok. "Mr Antonio!" Ngisi ng matandang sumalubong sa amin papasok pa lang sa isang private room. Ngumisi rin ito nang nakita ako at nag-abot din ng kamay tulad ng ginawa niya kay Sir Quir. "When are we going to tie our agreement?" Tanong nito, halatang kumpyansado. Nanahamik na lamang ako habang pasimpleng nakikinig. Lahat ng detalye, na alam kong importante, ay itinatak ko sa isipan. "Sinabi ko na Mr. Tan... I need proof, expenses and gains... Assets and Liabilities... Same goes." "Wise. Very wise." Nagkatawanan ang dalawa. Tinuro sa akin ni Sir Quir ang ribs para sa isasalang sa lutuan mamaya, pagkatapos ay galamay ng octopus... Shrimp, at ilang lamang dagat na mas madaling lutuin. "Saan?" Tanong niya nang dumikit sa akin, naiilang naman ako habang sinasamyo ang mabangong hininga niya. "You should choose this." Turo niya sa pusit. Tumango naman ako at pinindot ang gusto niya. "You like veggies, right? I will ask for short order... Salad vegetable? Okay na ba yon?" Tanong niya, at parang automatic na inipit niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko. Napatalon tuloy ako sa gulat, ngunit halata naman sa kanya na wala lang iyon. "S-salamat Sir." Ngiti ko. Agad na nakabalik si Mr. Tan mula sa restroom. Kaya nawala sa akin ang atensyon ni Sir Quir. Nakahinga naman ako nang maluwag hanggang sa dumating ang mga inorder namin. "Miss, add 1 bowl of salad vegetable." Sabi niya sa papaalis na waitress. Napatitig na lang ako sa kanya na nawala na naman sa akin ang atensyon. Ganito pala 'to, kahit nasa labas. Halatang trabaho pa rin ang iniisip. "I was thinking of merging with the Lias Steel, but I changed my mind when I saw your proposal." Ngisi ng matanda. Nahalata ko na mukhang tuso ang negosyanteng matanda na 'to. Pinapaikot niya lang lahat ng mga salita niya, halatang binibilog si Sir Quir. "You should have chosen Lias Steel... They could be a big supplier. Alam mo naman Mr. Tan, pabago-bago ako ng desisyon." Ngumiwi ang matanda at sumalang ng galamay ng octopus. Natakam ako't sumalang din ng para sa akin. Ngunit pinigilan ako ni Sir Quir, umiling ito at kumuha ng bago... Ewan, kung bakit. "So, what's the point of having this meeting?" Kunot noong tanong ni Mr. Tan, halatang nawalan na siya ng gana. "Mr. Tan, business ang pinag-uusapan natin dito. We know the consequences, and when I say consequences... I have to do the other way. Risky ngunit sigurado." Tinapos lang ni Mr Tan ang pagkain bago tuluyang umalis. Napatitig naman ako kay Sir Quir, binabasa ang ekspresyon niya na hindi man lang nagbago. "Sir... Okay lang po ba sa inyo 'yong gano'n?" Ngumisi siya at kumuha ng laman sa malaking alimango bago isinubo sa akin. Napaubo naman ako sa bigla... "Dannah, business is business. I have to make sure... And besides, hindi naman tayo nalugi ngayon." Napatango na lang ako... Ganito nga siguro ang pamamalakad ng negosyo. Masyadong ginagamitan ng talino. "Uwi na tayo..." Sabi niya, pagkatapos tumayo. Bitbit ang dala niyang bag kanina ay tuluyan na kaming lumabas. "Dannah, punta ka sa birthday ko..." Abot niya sa isang gray at gold na maliit na matigas na papel. "It's my 33rd Birthday... I'll be doing a bar party. Your friends are all invited too." Natuwa ako sa sinabi niya kaya binuksan ko na agad ang invitation card. At nakita ko na may lima o higit pa na tickets doon, marahil ticket sa isang bar. "Thank you po Sir." Agad ko nang sinilid sa dalang bag ang bigay niya. Narinig ko ang tawa niya na ikinangiti ko na lang. "You sure you're 22, Dan?" Biglang tanong niya habang papaliko sa parke na malapit na tinutuluyan kong condominium. "Bakit po Sir..." Tumawa ito at nilingon ako... "Honestly, hindi ako makapaniwalang 22 ka na... You look like exactly my younger sister. And by the way, she's just 18." Ngumuso ako at napatitig sa labas. Nakaparke na pala ang sasakyan sa tapat ng entrance. Lumingon na lang ako kay Sir Quir bago kinalas ang seatbelt. "Baby face lang po..." Napahagalpak ito ng tawa... "No Dannah... Para ka talagang bata..." Sabi niya sabay gulo ng kaonti sa buhok ko. Inalis ko naman ang kamay niya sa ulo ko... "Hindi naman po..." Ngumisi siyang lalo at lumapit sa akin. Dahil sa kaonting ilaw at sa naghalong dilim, kuminang na naman tuloy ang sout niyang hikaw. "Hmmm. Dan, can I kiss you?" Napaatras ako sa sinabi niya... Akala ko ba... Akala ko pa naman... "Kidding..." Sabay gulo niya naman sa buhok ko. "Go and sleep Dannah, we have work tomorrow." Tumango ako bago tuluyang lumabas sa sasakyan niya, ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko sa nangyari. But I'm serious Dannah... Text galing sa isang unregistered number. If only you did not say about quitting... I have already kiss you... Galing ulit sa isang unregistered number, parehong number. Kinabahan tuloy ako... Lalo na at alam ko na kung kanino galing iyon. "Dan! Good morning!" Bati ni Ma'am Hailey nang nagkaabutan kami sa department na pinanggalingan ko, marahil sumasagap na naman ito ng chismis kaya naligaw na naman doon. "Good morning Ma'am! Male-late na po ako..." Tarantang sigaw ko habang tumatakbo papasok sa hallway. Muntik pa akong natapilok kung hindi lang agad nabalanse ang sarili. Bakit naman kasi nakalimutan ko na bawal nga pala akong mag-dress... Dahil nga umiiwas ako sa maaaring isipin at gawin ni Sir Quir. Alam ko ang mga tipo niya, mild... But really wild. Mild, dahil hindi naman siya tulad no'ng nauna kong boss. Na lantaran akong hinahawakan. Wild, kasi sasabihin niya kung ano ang nais niya. "You're almost late." "Sorry po!" Naiiyak na paumanhin ko. Nakayuko pa rin si Sir Quir... Nagbabasa na naman. "I understand..." Tumango na lang ako at naupo na sa table. Noon naman tumitig sa akin si Sir Quir, na bagong ahit... Na mas lalong nagpalakas sa mala-badboy niyang aura. "Ah... I forgot to tell you... Hindi yata pwedeng ilipat yang mesa mo sa labas. I am planning for extension, para sa Financial Department." "P-po?!" Nabibigla kong reaksyon. Ngumisi naman siya at tumayo. "Diyan ka lang... Wala naman akong gagawin..." Sabi niya sabay lapit sa cabinet na pinaglalagyan ng mga papeles. "Anyway, you look good wearing a dress." Sabi niya lang pagkatapos kunin ang kailangan. Napaawang na lang ang labi ko sabay baba ng tingin para tingnan kong alin sa parte ng dress ko ang nagpaganda sa akin ngayon. Wala naman... Maliban sa medyo mababang neckline... Sumisilip ang balat ng ibabaw ng dibdib ko dahil do'n... Hindi naman malaswa. Sakto lang. "S-sir..." Tawag ko. Tumitig ito sa akin na mukhang nagtataka... "Meeting with Falcon's at 9 o'clock." "Shoot!" Napatayo ito bigla. Nataranta naman ako at napatayo na rin. Alas otso pa lang naman ng umaga, ngunit bakit parang natataranta ito? "That one! Cancel it right away." "Ho?!" Gulat na gulat ako sa desisyon niya. Akala ko pa naman natataranta siya kasi mukhang ayaw niyang ma-late sa ka-meeting. "Tawag mo na kaaga----" Halos bumalya sa lakas ng pagbukas ng pintuan ang office ni Sir Quir. Medyo umawang ang mga labi ni Sir nang napagsino namin kung sino ang may gawa no'n. "Honey!" Tawa nito sabay takbo kay Sir Quir. Napapikit na lang ako nang mariin... Dahil sa kalaswaan ng pag-alog ng dibdib nito habang tumatakbo papalapit kay Sir Quir. "Dan... Dannah..." Hindi ko alam kung matatawa ako o ano... Mukhang nahihirapan si Sir... Sa isang babaeng 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD