"Why not?!" Sigaw nito.
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa pagsigaw niya. Ngayon ko lang naiintindihan kung bakit ayaw ni Sir Quir sa ingay ng babaeng 'to... Mas bata pa kung umakto, kesa sa akin.
"Grit, I'm not in the mood. May meeting pa ako sa Daddy mo. So please... Go home."
Saway nito sa babae. Na kanina pa nakalingkis sa leeg ni Sir Quir. Halatang hindi na komportable ang huli... Isa ba 'to sa mga babaeng tinutukoy niya noon na wild at may experience? Sa nakikita ko, nagiging clingy na ito pagdating kay Sir Quir.
"Then, after ng meeting mo with Dad. I so much missed you Honey..." Halik nito sa pisngi ng Boss ko.
Napakagat labi na lang ako bago yumuko at binasa lahat ng sched ni Sir Quir. Tiningnan ko rin ang mga profile ng ka-meeting niya. Lahat inalam ko, lahat ng may anak na babae ikenansela ko. Ito pa nga lang isa, halos hirap na hirap na si Sir. Paano pa kaya kung marami pa? Na marami pa siyang nilandi sa Bar? Sa tipo ni Sir Quir, mukhang playboy ang datingan. Siguradong madami na itong naging kalandian.
"I have to go..." Paalam nito kalaunan.
Inangat ko naman ang ulo at nakitang inaayos niya ang nakalas na butones. Nangunot naman ang noo ko at tinitigan si Sir Quir, na ngayo'y namumula ang dibdib. Bukas na ang dalawang butones. Halatang may kababalaghang ginawa.
Nanlaki na naman ang mga mata ko at inalala kung may ingay ba silang ginawa. At napagtanto na... Hindi ko nga pala narinig kasi naging abala ako sa pagcancel ng mga meeting ni Sir Quir---- hanggang sa isa na lang ang natira.
"Yes Dear?" Gulat na gulat ako noong tumigil sa gilid ng mesa ko itong babaeng 'to. Nakataas kilay.
Umismid siya ng nagkatitigan kami, sabay iwas at titig niya kay Sir Quir.
"God Quir... Pati ba naman secretary?"
Irap nito sabay walkout. Nagtataka naman ako habang sinusundan ang pagbukas at pagsara niya ng pintuan.
Kalaunan narinig ko ang malakas na tawa ni Sir Quir, siya naman ngayon ang binalingan ko.
"She thought I bedded you..." Sabay kindat niya at kuha ng papeles sa mesa.
"Let's go..." Tawag niya sa akin.
"Let me see what are in the lists." Sabay kuha niya sa schedule planner na ginawa ko.
Kumunot ang noo niya at bumaling sa akin.
"Isa? Dan? Where's my schedule with the Falcon's?"
Nakagat ko na lang ang labi... Kasi ang kulang na lang talaga ay tawagan ko ang nawala sa listahan, para icancel... Kaya mabuti na lang hindi ko pa nagagawa.
"Kasi sabi mo po icancel... Pagkatapos naalala ko po yong mukha niyo kanina dahil sa babaeng dumating... So... Ano, ikenansela ko po lahat..." Mas lalong naging mariin ang pagkagat ko sa labi, nahihiya ako sa idudugtong ko pa... "... Lahat po ng may anak na babae."
Mula sa pagkakunot ng kanyang noo ay napalitan iyon ng tawa.
"Ito lang... Saka ito... Cancel those two... I changed my mind about the Falcon's... And Dannah... Kung hindi ko lang alam, iisipin kong nagseselos ka kaya nagawa mo iyan." Tukso niya.
Parang uminit naman ang pisngi ko sa sinabi niya ngunit di na ako nagdugtong pa.
Nakahanda na lahat nang dumating kami ni Sir Quir. Nakaupo rin ang babaeng pumasok sa opisina niya kanina, malapit sa isang matandang Chinese.
"My external secretary did this." Sabi ni Sir Quir, medyo pabulong. Tiningala ko naman siya, nagtataka.
"You're my internal secretary. Lahat ng sched ko ikaw ang may hawak. Ang external, siya ang nagpeprepare ng lahat." Ngiti niya.
Tumango ako at naupo sa tinuro niya. Nilabas ko naman ang laptop at binuhay na kaagad. Inisa-isa ko lahat ng mga pag-uusapan bago nagprint sa isang printer na nando'n. Tumayo ako at binigay isa-isa ang mga nabuo kong summary.
"Thank you..." Sabi ng isang mas batang-batang Chinese. Ewan... Habang nakatitig ako sa mukha niya, naalala ko yong mukha ng naging una kong Boss. Alam ko ang mga titig na iyan.
Pinanlamigan tuloy ako... At mabuti na lang lumapit si Sir Quir at binulungan ako na bumalik na sa upuan. Nahuli ko ang pagtitig no'ng babaeng pumasok kanina sa opisina ni Sir. Nakakunot ang kanyang noo. Marahil nagtataka... At hindi naman siya mukhang galit.
"Shall we start, then?" Tayo ni Sir sa harap.
Tumango ang mga kasali, at binalingan ang mga binigay ko na hands out... Lahat naging attentive. Ako nama'y nagtatype ng mga suggestions na wala sa summary.
Tatlong oras... Ganoon katagal. Nakakabore pala... Hindi ko nga alam kung paano ko lalapitan si Sir Quir na hindi nakakaagaw ng atensyon. Nando'n na naman kasi yong 'Grit' na naalala kong tinawag nang ganoon ni Sir Quir sa kanyang opisina kanina.
Ayaw siyang lubayan... Kahit halatang ayaw ng makipag-usap pa ng Boss ko. Ayaw niya talagang tigilan. Kahit halata na ring gumagawa ng paraan si Sir Quir para makaalis na doon.
"Let's go..." Mahinang bulong nito bago ako hinila palabas ng conference room. Nalingunan ko pa ang batang chinese na nakatitig sa amin.
Napapikit na lang ako nang mariin habang kinakabahan.
"You're cold..." Tawag pansin sa akin ni Sir Quir, na noo'y naghihintay na lang sa pagbukas ng elevator. Doon ko na rin napansin na hawak niya ang aking kamay... Na ewan ko... Nanlalamig pa yata lalo.
"Nanlalamig ka... Kinakabahan ka ba?" Lingon niya. Nasa makinis niyang leeg ang mga mata ko nang lumingon siya, kaya nagkatagpo kaagad ang mga mata namin.
Yong mga mata ni Sir Quir na masyadong malalim at mas maitim sa ordinaryong foreigner looking.
"Kinakabahan ka ba?" Ulit niya nang ilang minuto na akong tahimik.
Napalunok ako at nilingon ang ingay nang paglabas ng mga tao mula sa conference room. Nahuli ko na naman ulit ang pagtitig ng mas batang chinese na yon.
Napapitlag na lamang ako sa biglang paghigit ni Sir sa akin upang tuluyan nang pumasok sa elevator na nagbukas na pala...
"You don't like that guy? That chinese guy? You had that scared face.." Maya'y sabi niya at mas lalo pang humigpit ang kapit sa kamay ko.
Napalunok ako't mas lalo pang nanahimik. Ayaw kong magsalita... Di dahil sa ayaw ko siyang mag-alala. Sadyang mahirap lang magtiwala kung alam ko namang isa rin sa mga malalaking investors iyong Chinese sa kompanyang 'to...
"Dan... Do you know that guy?" Tanong niya ulit.
Umiling ako at mariing napakagat labi, nakatulala lang ako sa kamay ko na hawak niya.
"So... Takot ka nga sa kanya." Siguradong konklusyon nito sa ipinapakita ko.
Napaawang na lang ang labi ko habang nakatanaw sa leeg niyang may maliit na nunal sa bandang ibaba ng kanyang tenga. Nakakadagdag kinis pala iyon... Hindi naman marumi. Sadyang mas lumakas pa lalo ang dating ng kagwapuhan ni Sir Quir.
"Dannah... If anything bothers you. Just tell me right away. Nasa pangangalaga kita, at karapatan ko na malaman kung anong problema mo..."
Tumango lamang ako at napapikit ng mariin. Kinakabahan pa rin ako, at ayaw talagang humupa ng kabang meron sa dibdib ko.
"Dan... You look so scared." Hapit niya sa akin para siguro magdikit ang mga katawan namin.
Nanlaki na lang ang mga mata ko. Lalo na no'ng tumingala ako sa kanya.
"You're freezing cold." Lunok niya habang nakatanaw sa akin.
Malamig pa rin ang buga ng hininga ko dahil sa kaba. Ganoon nga talaga siguro, kusang bumubuga ng lamig ang katawan ko dahil sa nararamdaman.
"Dan... No quitting?" Tanong niya habang bumababa ang mukha.
"Ha?!" Gulat na tanong ko.
"I'm not letting you quit." Huling sinabi niya bago lumapat ang labi niya sa labi ko.
Nanlaki ang mga mata ko hanggang sa humigpit ang kapit ko sa kamay niya.
"D-dan... Kiss me back." Bulong nito bago itinuloy ang mababaw na galaw ng mga labi niya sa labi ko.
Ewan... Di man lang ako pumikit, at hindi rin siya sinunod. Kahit na ramdam ko ang paglalim at pagbuka ng mga labi niya sa tuwing kumikilos ito sa ibabaw ng labi ko.
Hindi ako nakakilos, hindi ako nakaimik. Kahit na iba na ang galaw ng mga labi ni Sir Quir. Halata. Sa bawat hagod ng labi at dila niya... Halata... Halatang eksperto siya sa paghalik ng babae...
"Sweet." Sabi niya habang pareho kaming hinihingal.
Ngumiti siya, ngunit halata ang ngisi sa mga labi niya. Natulala naman ako sa namumula niyang labi, sa labi niyang parang kumikinang.
"You're too sweet, Dan. You tasted good." Sabi niya sabay punas sa labi gamit ang hinlalalaki niya.
"So sweet..." Bulong niya ulit bago umalalay ang isa niyang kamay sa likod ng ulo ko.
Nanlalaki na naman ang mga mata ko nang mas lalong naging agresibo ang mga halik niya. Mas malalim. May tunog. Mas malikot. At mas namamasa.
"D-dan... Please, kiss me back." Bulong niya sa tapat ng labi ko habang paunti-unti ang halik niya doon. Mababaw. Saka muling lalalim... Saka niya sisipsipin.
Nanginig ako sa panghihina... At mula sa panlalaki ng mga mata. Napalitan iyon nang dahan-dahang pagpikit ng mga mata ko.
Ewan... Nakakahilo pala ang isang tunay na halik. Masyadong nakakadarang para baliwalain ko lang ng ganito.
"G-good..." Humihingal na sabi niya habang pakagat-kagat sa labi ko na onti-onti na ring bumubuka.
Hanggang sa... Hanggang sa nagising ako sa pagpasok ng dila niya sa loob ng bibig ko. Kumikiwal.
Nanlambot naman ako at napahawak sa braso niya. Gusto kong umatras, kaso hawak niya ang likod ng ulo ko. Mahigpit. At parang gusto niya akong higitin pa lalo.
"D-dan..." Tawag niya ulit sabay laro niya sa loob ng bibig ko. Napasinghap ako... Naninigas. Hanggang sa tumunog ang elevator.
Napahiwalay kaming pareho, ramdam ko nga ang pagkalat ng laway naming pareho. Halatang hindi simpleng halikan lang iyon... Intense. At mukhang mauulit pa kasi hindi man lang ako umaway... Hindi man lang ako pumiglas. Mukhang nagustuhan ko pa nga.
Ngumisi siya habang nakatitig sa akin ng. Hinihilot-hilot niya ang likod ng ulo ko... Napaungol ako sa sarap noon.
"Ano Dan?" Ngisi niya at inulit ang pagmasahe sa likod ng ulo ko.
Napaungol na naman ako. Narerelax. Ngunit mukhang iba ngayon ang ngisi ni Sir Quir. May halong malisya.
Naitikom ko na lamang ang bibig sa pag-aakalang matatapos lang do'n ang kalaswaan sa iniisip ni Sir Quir.
"I wanna hear your moan... In different circumstances, Dannah Batumbakal."