Chapter 1

2596 Words
Wearing my usual dress and pumps. I'm here at the Brooklyn field waiting for my best friend Akiko to show up. " You sure you'll stay here? " Tanong ng kapatid kong si Huxley. " I'm fine Hux. After two minutes andito na din siya. " " Lunch will be on the back of the gym. " Niyakap niya ako bago nag paalam at pumunta sa Engineering building. " Hi Louissa ang ganda ganda mo. " Bati ng isang grupo ng mga babae. Ngumiti lang ako at kumaway. Hindi ako sanay maki pag mingle sa kanila, hindi katulad ng pinsang si Winter na sanay na sanay sa pag entertain ng mga tao. " I'm sorry Louis, I'm super late! " Niyakap ako ng best friend at hinalikan sa pisnge. " You look gorgeous Akiko. " " And you look goddess as ever!" Sabay kindat niya. Dumiretsyo na kami sa Business administration building para pumasok sa unang subject. Wala namang bago maliban sa mga babaeng hinihingi ang number ng kapatid at pinsan ko. " Come with us!" Aya ko sa kaibigan ng matapos ang unang subject pero ayaw niya talaga. " No way!!!! Doon na lang ako mag lulunch sa coffee shop." " Why not? Hindi ka naman susungitan ng mga kapatid ko. Hindi ka din naman mamalditahan ni Winter dahil alam niyang mahal kita. Wala namang pakielam si Gianna sa mundo. Si Austin mukang siraulo pero mabait yon and Geon don't know your feelings so come on!" " Noooo wayyyy! " Para siyang batang iiyak dahil ayaw niya talaga. " Come on Kiko it's been a while since you get along with my cousins. " " Can't you get it Louis? Baka matumba ako pag nakita ko si Geon! Damn your genes!" Tawang tawa akong tumingin dito at kinurot ang pisnge. " You really like Geon huh! You're blushing Kiko hahahah" " Stop teasing me Louis! Sige na pumunta kana sa meeting place niyo mag pipinsan at baka mayari kapa. Rules is rules." " Sure kaba hindi ka sasama sakin? Alam mong okay lang sa kanila na andoon ka kesa .." " I'm fine Louis hindi kapaba nasanay? Ako nga eh sanay na sanay na sa rules and regulation ng pamilya mo hahaha. I'm okay .. See you later." Hinalikan ako nito sa pisnge at nag paalam na. Nag tungo ako sa likod ng Gym at naabutan ang mga pinsan na nag aayos ng pagkain. Lumapit naman sakin si Winter at Gianna para bumeso. " Where's Austin? "- Chase " Maybe flirting with his girls." -Gianna " So judgmental my youngest cousin." Sinugod ni Austin si Gianna at ginulo gulo ang buhok. Tawang tawa naman sa kanila si Geon. Sabay sabay kaming sumalampak  sa damuhan at sinimulan ng kumain. Gaya nga ng sabi ni Kiko ay hawak kami ng pamilya namin. Kontrolado kung anong dapat gawin, pinipili kung sinong dapat ang pakisamahan. "Asan pala si Akiko? Bakit hindi mo sinama?" - Tanong ni Geon " Nahihiya." " Ngayon pa siya nahiya eh palagi naman siyang nasa mansyon?" -Winter " Baka inaaway mo kaya ayaw pumunta dito! Ikaw Winter tigil tigilan mo nga yung ganyang ugali!" Pang buburyo sa kanya ni Austin " Huh? I didn't do anything you judgmental! " Sigaw sa kanya ni Winter " May boyfriend na ba si Akiko, Louis?" -Austin " I'm sorry cous pero hindi ka niya type. " Dinilaan naman siya ni Winter at inasar asar. " How's Engineering life? " Tanong ni Austin kay Huxley " Easy as usual .. " Mayabang niyang sagot " May bagong muka daw ahh. Same course like you." -Austin " My seatmate. " -Huxley Nakikinig lang ako sa kanilang usapan kahit hindi naman kilala kung sino ang tinutukoy. " Siya ata yung pinag uusapan sa HRM building. " Singit ni Gianna " Bakit siya pinag uusapan? ano bang meron sa kanya bukod sa isa siyang transferee? " -Winter " His smart. " -Huxley " Mas gwapo pa kay Austin. " -Gianna " Hahahah yon nga ang usap usapan at may balak daw mag try out sa team." - Austin " Baka malamangan ka niya Austin " - Winter " Nakalamang na nga eh " Tawa tawa ni Chase. " What his name again?" -Winter " Why do you ask? interested huh? " -Chase " Just doing a background check cous! Malay mo yan na pala ang ka meant to be ko." -Winter " Mag aral ka na lang ng mabuti!" Singhal sa kanya ni Austin " Hindi mo yon matitipuhan dahil nuknukan ka ng arte"- Huxley " Thank you for your wonderful compliment Cous. Why just say his name .. or his family name instead ?" Pangungulit ni Winter "Devon Vasquez " -Huxley " Vasquez? Not familliar means .. I'm not interested " -Winter " Scholar siya ng Brooklyn University" -Gianna " Bakit may alam ka Gianna? Siguro iniistalk mo no?" Pangaasar ni Winter " Stalking is not my thing Winter .. Huwag mo ako igaya sayo. Talagang putok lang ang pangalan niya sa University dahil di umano matalino daw ito. Scouted from province. " -Irap ni Gianna " Like what I've said I'm not interested! " Taas kamay ni Winter After ng lunch ay bumalik na kami sa kanya kanya naming klase. Pumwesto naman kami sa tabi ng bintana para makaupo. Dumating na din ang professor namin sa Marketing. " Ano nginingiti ngiti mo diyan?" Bulong ko kay Akiko " Mag sisimula na daw ang opening ng mga organization gusto ko sana sumali sa Brooklyn band. Nag hahanap daw ng singer na babae. " -Akiko " Edi sumali ka chance mo na yon!" mahinang bulong ko dito dahil baka marinig kami ng professor. " Hihingi sana ako sayo ng favor. " Napatingin naman ako dito ng mag pa cute siya. "Fine! kahit ano basta huwag lang madumihan ang pangalan ko." Natawa naman ito sa reaksyon ko. " Pwede bang ikaw ang tumugtog ng piano para sakin?" " Sure kaba diyan? " " Oo naman!! bakit ayaw mo ba?" " Naninigurado lang baka kasi pag ako ang tumugtog imbis na ikaw ang makapasok ako pa ang matanggap hahaha" Natawa naman ito sa sagot ko. " How dare you! " " I can ask Geon to play an instrument for you!" " OMY NOO WAYYY!!! " Sabay kami napatakip ng bibig ng pinagtinginan kami ng buong klase. " Miss Henderson and Miss Scott get out of the class! " Wala naman kaming choice kung hindi kunin ang mga bag at lumabas ng room. " Louis naman eh! Bakit mo na naman kasi sinama sa usapan si Geon? Ayan tuloy napalabas tayo." " Wow! bakit ka kasi sumigaw?" " Alam mo namang dead na dead ako sa pinsan mo! Okay okay sige na parehas na lang tayong may kasalanan. " Natawa naman ako ng idamay niya pa ako sa kasalanan niya. Kahit kelan talaga napaka lambot niya. " Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya ng lumiko siya papunta sa parking lot. " Edi uuwi na! Last subject na natin yon alangan naman tapusin pa natin yung Marketing class bago umuwi. Bakit saan mo ba gusto pumunta?" " Heler kailangan ko sumabay sa kanila " Tukoy ko sa kapatid at mga pinsan ko. Lumapit naman ito sakin at yumakap. " Yeah! See you tomorrow okay? At tandaan mo napalabas tayo ng klase dahil parehas tayong may kasalanan. " ngiti ngiti niya " Fine! Mag iingat okay?" Humalik ito sa pisnge para mag paalam na. Inikot ko naman ang paningin at nag isip kung saan pwede mag antay. " Hi Louis " " Uy Jace!" Akma akong yayakap pero umatras siya. " Hoy hoy! No touch " Napa irap naman ako sa sinabi niya. Jace and Huxley were bestfriend. Bata pa lang ay mag kaibigan na silang dalawa. Malapit samin si Jace bukod sa Board of director ang Daddy niya sa Henderson Corp ay tinuturing niya rin kaming pamilya. " Asan si Huxley? " Tanong ko dito " Nauna na at may importante atang pupuntahan." " Bwisit yon! Babae ba?" " Wala namang interest yon sa babae. " " Eh saan siya pumunta?" Nakibit balikat naman ito pero halata namang may alam siya. " Sige lumayas kana sa paningin ko. Antayin ko na lang si Chase." " Grounded pa din ba kayo? " " Huwag mo ng ipalala."  Tawang tawa naman siyang habang umiiling. Last month ay may ginawa kaming kalokohan. Actually si Winter ang nakaisip non dinamay lang kami ni Gianna. Nag aya siyang pumunta sa tagaytay, hindi pa kami nakakaalis ng manila ay nabangga na niya ang sasakyan na kakabili lang ni tito bale. Wala namang na disgrasya pero mali pa din na umalis kami ng hindi nag papaalam. So hindi pa kami allowed gamitin ang mga sasakyan namin. It's either sasabay kami sa mga boys or mag papasundo kami sa driver which is ayaw na ayaw namin specially si Winter. " Ako na ang mag hahatid sayo. " -Jace " Ayoko doon kana!" Hinampas ko siya ng bag para umalis na. " Hahaha bakit ba ayaw mo sakin? Yung Daddy mo nga gustong gusto ako para sayo. "  " Kadiri ka Jace! mabuti pa lumayas ka na lang sa paningin ko at naalibadbaran ako sayo. " Tawang tawa naman itong nag paalam sakin. Isa yon sa dahilan kung bakit naging close kami. Palagi siyang tinutukso ni Daddy sakin at ganon din ang pamilya niya pero alam namin sa isat isa na nakakadiri ang ideyang iyon. Kinuha ko ang cellphone at nag tipa muna ng mensahe kay Chase na sasabay ako sa pag uwi. Dumiretsyo na lang ako sa library at kumuha ng Marketing na libro. Nag hanap ako ng upuan pero okupado na ito ng mga Engineering student. Nag lakad na lang ako at sumilip kung meron pa sa dulo, meron isang table doon na isa lang ang nakaupo at may bakante pang upuan. Lumapit ako dito at nag paalam. " Excuse me can I share a table with you? " Tumango naman ito at hindi na nag abala pang dapuan ako ng tingin. Abala ito sa makakapal na libro sa harapan. Material and science Engineering? Construction Engineering? Architecture and Town planning? Binasa basa ko ang mga libro niya sa lamesa hanggang sa napaangat ako ng tingin sa kanya na ngayon ay naka pako na ang paningin sakin. " Sorry I didn't mean to disturb you.. Pamilyar lang yung libro. " Nag iwas ako ng tingin ng hindi na makayanan ang paninitig niya saakin. Binuksan ko na lang ang libro at hinanap ang lesson kanina. Nag jot down ako at nag advance reading na din. " Hindi ka pa ba uuwi? Mag sasara na ang library " Napatingin naman ako rito ng may malalalim na mata. Kinakabahan akong tiningnan ang orasan at halos mapamura ako ng makitang mag aalas sais na ng gabi. Bakit ang bilis ng oras? Hindi ko man lang namalayan. Nag mamadali kong iniligpit lahat ng gamit, Nag kahulog hulog pa ang mga libro sa pag mamadali ko. " Thanks " Inabot niya sakin ang libro at kinuha ko naman iyon. " Salamat ulit. Kailangan ko ng umuwi. " Hindi kona inantay ang sagot niya at tumakbo na papuntang parking lot. WALA NG MGA SASAKYAN!!!!! Kinuha ko ang cellphone na aabot na ng sikwenta ang missed call. Tumunog itong muli at agad agad kong sinagot. " ASAN KANA LOUISSA MAG DIDINNER NA!!!" Parang iiyak na si Gianna sa tono niya " Nag text ako kay Chase na sasabay ako! Sunduin niyo ako mayayari ako niyan kay Daddy." " Papunta na si Austin. " Binaba ko ang linya at hindi na napigilan ang frustration. Iniisip ko pa lang ang tanong ni Daddy ay kinakabahan na ako. Bakit late kana naka uwi? Anong ginawa mo sa Library? Hanggang sa malaman niya na pinalabas kami ni Akiko dahil sa kalandian namin. Dyusko HINDI PWEDE!!! " Kapag nayari talaga ako ngayong gabi mayayari ka din sakin Akiko! " "Are you okay?" Napalingon naman ako sa lalaking nasa likod ko. Naka kunot ang makakapal niyang kilay habang nalilitong naka tingin saakin. Halos magsisi ng dito pa naisipang mag drama. " Yeah .. May curfew kasi ako. Hindi ko na namalayan yung oras. " Tumango tango naman ito at hindi inalis ang paningin sakin. Tila may gusto siyang alisin na dumi sa muka ko. " I can take you home .. kaso taxi lang. Aabot pa naman tong allowance ko. " Napatingin naman ako dito na seryoso ding naka tingin sakin. " Thank you for insisting pero mas mayayari ako kapag nag taxi ako. " Pinipigilan naman niyang matawa sa sagot ko. " May nakakatawa ba?" " Hmm you look scared" " I am!! " Mag sasalita pa sana siya ng bumusina ang isang sports car sa harapan namin. " Get inside Louis ayoko ding mayari!" Mabilis akong tumakbo sa asakyan ni Austin at hindi na naka pag paalam pa. Hingal na hingal kaming nakarating ng mansyon. " Why you're late Louis and Austin?" Rinig na rinig ko ang pag lunok ng pinsan ko. Parehas kaming nangangapa ng sagot. Sabi ko na nga ba eh. " Nag pasundo po ako Daddy. " Tumango tango naman ito habang nag aantay na lang kaming mapagalitan ni Austin. " Daddy I'm sorry na dead bat ang phone ko at hindi ko nabasa ang chat ni ate Louis kaya hindi ko siya naantay. " Sinenyasan ko naman si Chase na manahimik at ayaw kong nadadamay siya sa kasalanan ko. " It's my fault Dad. Sakin dapat siya sasabay .. nakalimutan ko sa sobrang busy sa pag aayos ng internship. Hindi na mauulit. " Pag tatangol ni Huxley " Sit down and take your dinner. " Nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib ng makaupo na kami. Sumabay kami sa dinner at nakinig sa usapan ng pamilya. " Let's have a special events for that. " - Tita Whitney " It will be next week Whitney. "-Tito Allaric Natapos ang hapunan at dumiretsyo na kami sa kanya kanya naming kwarto. Tinawagan ko naman si Akiko at kinwento na muntik na ako mapagalitan ni Daddy. Naputol lang ang pag uusap namin ni Akiko ng may sunod sunod na kumatok sa pinto ng aking kwarto.  " Come in"  Lumabas naman si Austin na bagong ligo at ready ng matulog. " Sorry kanina Austin. Hindi ko talaga namalayan yung oras muntikan pa tayo mapagalitan .. I'm sorry. " " Are you dating him? " Kumunot naman ang noo ko sa tanong ng pinsan. Tila iniisip kung sino bang lalaki ang dinidate ko pero wala naman akong maisip. " Sino? " Ngumuso ito at hinuhuli ako pero hindi ko naman alam kung sino at ano ba ang tinutukoy niya. " Just say it Austin! Hindi ko alam ang tinutukoy mo" " Yung lalaki sa likuran mo kanina .. doon sa parking lot. " Kumunot ang noo niya at binabasa ang mata ko. " Ow that guy? I don't know him .. but his kind .. he offered me to take taxi using his allowance but I didn't take it ...  we have a rules. " Tumango tango naman ito tila napanatag na sa sagot ko. " Do you know him?" " Of course yes! Nakapasa siya ng tryout kanina. Sige na matulog kana at maaga pa tayo bukas. " Inayos niya ang kumot ko bago nag lakad palabas. " Austin.." Lumingon ito sakin ng naka ngiti. " What his name?" Tinitigan ako nito tila ba pinag iisipan kung sasabihin niya o hindi pero nagulat ako ng isarado niya ang pinto at sumigaw. " DEVON "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD