LOUIS POV
I'm about to leave my office when my secretary cora waved her hands.
" Ma'am remind ko lang po na tumawag si Sir William para sa isang family dinner. Seven pm po ang call time."
" Paki cancel .. ayokong pumunta. "
" Pero Ma'am bilin po kasi ni Sir William na kailangan niyong pumunta."
Naputol siya sa kakadaldal ng bigla kong hampasin ang lamesa. Sa lahat ng secretary na nakilala ko si Cora ang pinaka nakaka inis.
" Ako ang amo mo kaya ako ang susundin mo! "
" Can you please calm down Louis? Tinatakot mo ang sekretarya mo."
I looked at the glass door and saw my favorite cousin Geon. Naka ekis ang kanyang malalaking braso habang naka ngisi.
" What are you doing here? Nag sabi na ako kay Kuya na hindi ako pupunta! "
" Ang laki ng ginastos ko sa family dinner na yan tapos hindi ka man lang pupunta?" -Geon
" Edi babayaran ko para manahimik kana. "
Nagulat ako ng damputin niya ang mamahalin kong bag at sinuot sa kanyang braso. Nangaasar pa ang mga mata niya.
" Ihahatid kita pauwi. I promised."
" I have my car. No thanks! "
Ilang araw na akong hindi nag papakita sa pamilya dahil sa pumutok na issue sa bansa. Feeling ko ay sasabog ang buong pagkatao ko kapag tinatanong tungkol sa kasal.
Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Geon, bukod hawak niya ang bag ko ay dinampot niya din ang susi ng kotse ko.
Pinauna muna niya akong sumakay sa sasakyan ko at baka daw kung saan saan na naman ako kumaliwa. Naninigarado pa ang lalaking to.
Wala pang limang minuto ng narating namin ang hacienda ng mga Henderson. Pinarada ko ang kotse sa tabi ng kotse ni Geon. Nakataas na agad ang kilay ko ng pumasok sa loob at nag tungo sa dining area kung nasan ang buong pamilya.
Gaya nga ng sabi ni Daddy ay para lang ito sa pamilya namin. Kitang kita ko ang dalawang bakanteng upuan para samin ni Geon. Lumapit naman ako kay Daddy at Mommy para humalik sa pisnge, ganon din sa mga Tita at Tito ko.
" What's with your eyebrow Louis? Ano na namang ginawa sayo ni Geon. " - Tita Gana
" Wala po Tita pagod lang po ako sa trabaho. " I lied, Kung alam lang nila na ayokong umattend ng family gathering dahil nahihiya sa panunukso nila.
" Can you please serve the food now? I'm hella hungry " -Winter
" Watch your mouth honey " -Tita Whitney
Nanahimik lang ako habang kumakain at mas lalo akong na badtrip ng makita ang mga ngisi ni Austin. Isa pa itong lalaki na ito hindi nauubusan ng pang aasar.
" So kelan ang kasal?"
" Ilang beses ko bang sasabihin na ayokong pag usapan yan dahil naiinis pa ako sa lalaking yon! "
Tumaas na ang tono ng boses ko dahil ilang beses ko na iyon sinabi sa kanila at bakit inuulit ulit na naman. Binigyan nila ako ng isang nakaka asar na tingin.
" Kasal ni Huxley ang tinutukoy ko anak, bakit gusto mo na din ba?" -Daddy
Napuno naman ng tawanan ang buong hapag dahil sa pag kakapahiya ko. Malay ko bang ikakasal na agad ang kapatid ko.
" Ayoko! Mas mabuting huwag niyo na lang akong pag usapan. "
Sinipa ko sa ilalim ng lamesa si Austin na kanina pa ngumingisi. Nakaka bwisit talaga.
Natapos ang hapunan namin at nag babalak na naman akong mag eat and run pero hindi na naka takas dahil sa pang haharang ni Huxley sa pintuan.
" Sa rooftop tayo."
" Huxley marami pa akong kailangan tapusin and .. "
Nag iisip pa ako ng alibi ng inakbayan na niya ako at kinaladkad papunta sa rooftop kung nasaan naka tambay ang mga maiingay kong pinsan.
Naka palibot sila sa bilog na lamesa habang may tatlong basket na punong puno ng ibat ibang klaseng alak.
"Akala mo makakatakas ka ahh " -Austin
" Whatever! "
Kinuha ko ang isang red wine at nilagyan ang baso. Pinanuod lang nila akong mag iinom inom kaya hindi kona napigilan ang sariling pagalitan sila.
" Anong tinitingin tingin niyo? "
" He's waiting for you " -Geon
" Isang oo mo na lang magiging isang ganap na may bahay kana hahaha" -Austin
" If I were you? Yes I do agad. Bakit ko pa papatagalin kung mahal ko naman." - Winter
Nagulat naman sila ng pumalakpak ako at ngumisi.
" Parang dati pinipigilan niyo pa ako sa bawal na pag ibig na yan .. ngayon ng susolsol pa kayo? Hindi niyo ba nakita na sobrang laking damage ang ginawa niya sa Henderson corporation? Ilang beses ba ako mag sasakripisyo para sa lalaking yon at para sa pamilyang to?"
" Bumabawi naman siya ahh? Kulang na nga lang ay mag public apology para mapansin mo eh hahahaha" -Austin
" Kausapin mo na kasi .. " -Gianna
I cut them off.
" Huwag niyo ng problemahin ang buhay ko. I already broke the chain of this family .. wala na kayong gagawin kung hindi mag enjoy na lang sa mga buhay ninyo."
" Kaya nga tinutulungan ka na namin sa palpak mong love life .. just to thank you for breaking the dynasty of the Henderson. " -Winter
Inubos ko muna ang wine bago damputin ang bag at cellphone.
" I leave this empire because I want too ..the dynasty is still there .. I just put a little twist."
I wink at them before leaving the place.
The moment I step back from being a Henderson is the moment I let them know that I'm not just their ace nor a powerful warrior but a Queen with a stronger heart and mind.
I'm Louissa Ellianna Henderson and this is my story.