KABABAKASAN ng tuwa ang mukha ni Vivian nang makita si Red. “Sweetheart! Buti na lang nagpakita ka sa akin,” malambing na sabi ni Vivian. Matalim ang tingin nito kay Jewel. “Sabihin mo sa babaeng ito na hindi ka niya puwedeng kunin sa akin. Ako ang mahal mo, ‘di ba?” Aalis na sana si Jewel nang bigla siyang matigilan. Nararamdaman niya ang masakit na paghilab ng kanyang tiyan. “Jewel!” Narinig niya ang boses ni Rochelle. Nakita niya ang kaibigan at may kasama itong apat na lalaki. “Saan ka pupunta, huh?” Hinila ni Vivian ang buhok ni Jewel. “Akin lang si Red! Tandaan mo ‘yan!” “Vivian, stop it!” dumagundong ang sigaw ni Red, mabilis na nilapitan ito at tinanggal ang mga kamay na nakasabunot sa buhok ni Jewel. “M-manganganak na yata–” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang

