AGAD na pumunta si Sonia sa kuwarto ng anak matapos makipag-usap sa cell phone. “Vivian!” “Ma…” “Hanggang ngayon hindi mo pa rin matalikuran ang bisyong ‘yan!” Galit na sabi ni Sonia at itinapon sa trash bin ang mga ipinagbabawal na gamot na nakakalat sa ibabaw ng higaan ng anak. “Gusto mo ba talagang tuluyang masira ang buhay mo, huh?!” “Kailangan ko ang mga ‘yan, Ma. Give it to me, please…?” umiiyak na pakiusap ni Vivia sa ina. “Makatutulong sa ‘kin ang mga ‘yan na makalimutan ang lahat ng problema ko.” “Tumigil ka!” “Si Red, hindi niya ako sinipot sa simbahan kanina…” humahagulgol na sumbong ng dalaga sa ina. “Mahal na mahal ko siya, Ma!” “Ano’ng gusto mong gawin ko, huh? Hanapin si Red, lumuhod sa harapan niya at pakiusapan siyang ituloy ang kasal n’yo, iyon ba ang gusto mo?” lu

