NAMUTLA si Vivian nang makapasok sa private clinic ni Dra. Angela Muñez–asawa ni Akio na kaibigan ni Red. Dra. Angela Muñez. Specialization: Obstetrician-Gynecologist. Masama ang loob na tumingin si Vivian kay Red. Hindi nito alam kung ano ang nasa isip ng lalaki. “What does this mean, sweetheart?” Vivian tried to calm herself even though she was nervous at that moment. “I thought we were going to meet the owner of the flower shop who will supply flowers for our wedding?” “Gusto ko lang makasigurado na maayos ang pagbubuntis mo,” paliwanag ni Red. Bago pa sinabi sa kanya ni Vivian na buntis ito, nasabi na sa kanya ni Rochelle ang pinaplano ng mag-inang Buenavista. Hindi niya ipinahalata sa nobya na alam niya ang totoo. Sa kabila ng matinding pagtutol ni Vivian na samahan niya ito sa p

