NIYAKAP ni Vivian si Red. “Please, patawarin mo ako. Magsimula tayong muli. Hindi pa huli ang lahat. Mag-aampon tayo. I swear, mamahalin mo ang batang aampunin natin.” “Kaninong anak? Kay Jewel na kapatid mo?” Patda si Vivian. “P-paano mo nakilala si Jewel?” “And that's what I wonder about. You didn't tell me, you had a sister.” “She's not part of our family. I don't even consider her a sister.” “Hindi mo siya itinuturing na kapatid pero interesado ka sa ipinagbubuntis niya. How dare you na angkinin ang anak na hindi naman sa ‘yo!” “N-nagkakamali ka,” sansala ni Vivian sabay lunok. “S-siya mismo ang gustong ibigay sa akin ang bata–” “Enough!” putol ni Red sa sasabihin pa nito. Inihinto niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan. “Matagal mo nang alam na hindi ka na maaaring maging isang

