PUMIKSI si Jewel. “Ano ba? Nasasaktan ako!” “Sa tingin mo ba ikaw lang ang nasasaktan? Nasasaktan din ako. You’re carrying my child. Naangkin kita nang buong-buo. Ako ang unang lalaking humawak sa katawan mo. But dammit! Bakit ipamimigay mo ang anak ko?!” Humulagpos ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Hindi na siya halos makapagsalita dahil sa samu’t saring pakiramdam. Tila sasabog ang dibdib niya sa labis na sama ng loob. Marahas na pinahid niya ang luha sa mga mata. “Wala kang alam sa nangyayari sa buhay ko. Hindi ba dapat ay matuwa ka? Dahil ginagawa ko ito para sa kaligayahan ni Ate Vivian.” “Matuwa? Paano ko gagawin ‘yon, huh?” Marahas na nagpakawala ng buntong hininga si Red. “Kung may dapat mang magpakilala sa ‘kin ng anak ko, hindi si Vivian. Ikaw, ‘yon. Dahil ikaw ang ina n

