SINUYOD ng tingin ni Red ang kaibigan mula ulo hanggang paa. Nakapatong ang isang kamay niya sa gilid ng kanyang baywang habang ang isa nama'y hinihimas ang kanyang baba. “Ano ba kasing kalokohan ang pumasok sa kukote mo, pare?” reklamo ni Clyde. Mataman nitong pinagmasdan ang mukha sa side mirror ng kotse ni Red. “Bakit kaya napakamalas ko sa mga kaibigan? Ganito na lang ba ang papel ko sa inyo, laging nagpapanggap? Aba! Sa dami ng posisyon na ginagampanan ko sa barkada, hindi ko na kailangan maging private investigator.” Tinapik ni Red ang balikat ng kaibigan. Kagabi, sinadya niyang puntahan si Clyde para humingi ng tulong. Mula nang malaman niya buhat kay Rochelle ang mapait na dinaranas ni Jewel sa mag-inang Sonia at Vivian, hindi na siya nagkaroon ng kapayapaan. Nangangamba siya na

