“MA, saan mo po ako dadalhin?” maang na tanong ni Jewel. Napahawak siya sa tiyan nang hilahin siya ng kanyang ina palabas ng silid niya. Hindi siya sinagot ng ina hanggang sa makarating sila sa basement. “Tandaan mo, Jewel, hindi ka lalabas diyan hangga't hindi ko sinasabi. Dito ka na lang at bahala na ang catering services sa lahat. Huwag kang magtatangkang lumabas. Ayokong mapag-usapan ng aking mga amiga at kasosyo sa negosyo! Ayokong malaman nila ang tungkol sa pagbubuntis mo. Huwag mo akong bigyan ng kahihiyan lalo na’t engagement party ngayon ng anak ko. Maliwanag ba ang lahat, Jewel?” mahabang sabi ni Sonia na nanlalaki ang mga mata. Napakagat si Jewel sa ibabang labi para pigilan ang bibig sa pag-ungol sa sakit. Halos bumaon ang mga kuko ng ina sa balat ng kanyang braso. “Sumag

