WALANG sinayang na sandali si Vivian. Hinila ng babae ang kamay ni Red para ipakilala kay Sonia. Naglahad ng palad si Red. “Ikinagagalak kitang makilala, ma'am!” “Gayon din ako, hijo. Isang malaking karangalan sa ‘kin na makitang sa mabuting lalaki mapupunta ang aking anak. Every parents wants the best for their children at isa na rin doon ang makakasama nila sa buhay ‘pag lumagay na sila sa tahimik. At ipinagmamalaki ko na ikaw ang magiging manugang ko. My daughter got the best man in this world na bihirang makuha ng iba. Gusto kita para sa anak kong si Vivian.” “Thank you, ma‘am!” “Ikasisiya ko, kung sisimulan mo na akong tawaging, Mama.” “Oh, thank you, Ma. At masuwerte rin naman ako dahil ang nag-iisang anak n‘yo ang babaeng pag-aalayan ko ng aking apelyido. Vivian, I should say,

