Chapter 10
Paggising ni Claudia ay nakita niyang nandoon na siya sa SC Inn. Nakita niyang tulog sa sofa si Clyde, baluktot na baluktot ang pwesto nito. Hanggang sa napansin ni Claudia ang isang name plate na natukuran niya.
“H-Huss?!” nanlaki ang mata ni Claudia at tinitigan niyang maigi ang name plate. “Wala akong matandaan! Kasama ko si Huss kagabi?” tanong niya sa kanyang sarili.
Hinanap agad ni Claudia ang bag niya para kunin ang cellphone niya. Pagkakuha niya dito ay wala ni isang message para sa kanya. Nanlamya si Claudia at binato ang cellphone niya sa higaan.
“Huss! Ano ba! Magparamdam ka naman!” malakas na sabi ni Claudia.
Nagising si Clyde at lumapit sa ate niya. Hinipo nito ang noo at ang leeg ni Claudia para tingnan kung nilalagnat ba ito. Pero wala siyang naramdaman na mataas na init sa parte na hinipo niya dito.
“Anong nangyari sayo? Masama ba pakiramdam mo? May hungover ka ba?” pag-aalalang tanong ni Clyde.
“Bakit kung makaasta ka ngayon parang mas matanda ka pa sakin? Umayos ka nga!” ani Claudia.
“Sanay na kase ako na sa paggising mo may lagnat ka!”
“Teka! May kasama ba kong babae dito kagabi? May naghatid ba sakin na lalaki?”
“B-Babae? A-Ahh..Meron? Babae ba ‘yon?”
“Ano ba Clyde! Umayos ka nga!”
“Bahala ka na diyan! Maliligo na ko! Lumabas ka na sa kwarto ko!”
“Clyde! Ano ba?”
Tinulak ni Clyde si Claudia palabas ng kwarto niya at sinara ang pinto. Sumandal siya sa pinto at napahawak sa labi niya.
“Ang babaeng tinutukoy mo ang first kiss ko!” ani Clyde, tumakbo ito sa banyo dala ang twalya at naligo.
Pagpunta ni Claudia sa reception ay nandoon na ang manager niyang si Ino. Kompleto na rin ang iba pa niyang empleyado, lahat ay nandoon na pati na rin si King. Napatingin si Claudia sa orasan at napansin niyang late na siya gumising.
“Arrgghhh! Bakit ganitong oras na ko nagising!” ani Claudia.
“Bakit ma’am? Di ba lasing ka? Bakit ka ba kase naglasing?” ani Ino.
“Nabwisit kase ako kay Mateo! Stress ako sa bahay na ‘yon!”
“Bakit kase pumunta ka pa don? Nanahimik ka na nga dito eh! Sana nakapagpalit ka ng damit ngayon kung nandito pa ang gamit mo!”
“Marami pa kase akong dapat gawin sa kanya, gusto kong magkaron kami ng memories bago maghiwalay!”
“Ma’am! Ikaw ang nagbibigay ng stress sa buhay mo! Bahala ka na diyan!”
“Uuwi na ko, ikaw na muna ang bahala dito Ino!”
“Sige Ma’am! ingat kayo!”
Paglabas ni Claudia sa pinto ay nakita niyang papunta si Mara sa motel niya. Formal ang suot nito at natulala si Claudia ng makita niya ang magandang si Mara.
“Hi Ma’am Claudia, ready na po ako sa interview.” nakangiting sabi ni Mara.
“Mukha kang bata sa ayos mo ngayon! Hindi ka na mukhang ako na pokpok!” ani Claudia.
“Grabe ka naman ma’am! Ito na ko! Ready na ko sa alok niyo!”
“Hindi ako sanay sa Ma’am! Ha Ha! Tara pasok ka sa loob sasamahan kita kay Ino.”
Pagpasok nila sa loob ay natulala ang lahat sa kanya. Lumapit agad si Ino at tiningnan siya nito mula ulo, hanggang paa. Pag-aalala naman ang nararamdaman ni King nang makita niya si Mara.
“Wow! Ang ganda mo! Ma’am? Sino siya?” ani Ino.
“Siya si Mara, gusto kong ipasok siya dito sa SC Inn!” ani Claudia.
“Anong trabaho niyan Ma’am? Hindi tayo hiring ngayon!” bulong ni Ino.
“Hanapan mo ng pwesto, gusto kong magtrabaho siya dito!”
“Mara..pwede ko bang makita ang resume mo?”
Binigay ni Mara ang resume niya kay Ino. Base sa nakita ni Ino na experience ni Mara ay puro fast-food chain ang pinasukan nito at hindi lang fast-food chain, pati ang pagiging crew niya sa bar ay nilagay niya dito.
“Ma’am? Sigurado ka na iha-hire natin siya dito? Tingnan mo ang experience! Nakakaloka!” ani Ino.
“Ino! May problema ba sa pagiging crew ng bar at fast-food? Pinagdaanan natin lahat ‘yan! Hindi ka ba nag-aral? I-hire mo siya! Isama mo siya kay Clyde!” ani Claudia.
“Kay Clyde? No!”
“Huh!?”
“I mean, okay! Okay! Sasama ko siya kay Clyde sa kusina.”
Nilapitan ni Claudia si Mara at niyakap niya ito ng mahigpit. Pagtapos ay hinawakan niya ang mukha nito at hinawi ang buhok.
“Sana hindi ka na bumalik sa pagiging pokpok,” nakangiting sabi ni Claudia.
“Salamat, Hindi kase ako matanggap sa ganitong uri ng trabaho. Maraming salamat sa pagtanggap sakin dito,” naiiyak na sabi ni Mara.
“Hindi mo sinabi sakin na 20years old ka lang! kasing edad mo ang kapatid ko! Sana ‘wag mo maisipan na umalis dito. Goodluck sa’yo! Maiwan na kita!”
“Salamat talaga Claudia! Ay! Ma’am Claudia..”
Niyakap ulit ito ni Claudia bago umalis. Pag-alis ni Claudia ay pinakita na ni Ino ang lugar kung saan magtatrabaho si Mara. Itinuro din ng iba pang staff ang mga gagawin nito. Hanggang sa dumating na si Clyde sa kusina.
Nakita ni Clyde ang babaeng humalik sa kanya at ang bagong itsura nito. Napayuko si Clyde ng makita niya ito pero pasimple pa rin niyang tinitignan ito.
“Anong ginagawa niya dito? Ba’t ganyan na ang itsura niya ngayon? Nagtatrabaho na siya dito? Hindi! Hindi maari! Pinasok siya ni ate sa kusina?” bulong sa isip ni Clyde.
Habang nagbibihis si Claudia sa kwarto nila ni Mateo ay pinagmamasdan niya ang name plate na nakalapag sa harap niya Hanggang sa mag-ayos na siya sa mukha niya ay nakatingin pa rin siya doon.
“Huss? Nakita ba kita kagabi? Bakit hindi kita maalala!” ani Claudia.
Dinampot niya ulit ang name plate ni Huss at nilagay sa bag niya. Paglagay niya sa bag niya ay bumaba na siya sa kwarto niya at nakita niyang nandoon ang nanay ni Mateo na si Jarrah.
“Ma’am? Goodafternoon po…ano pong kailangan niyo? Kumain na po ba kayo?” ani Claudia, natataranta ito at hindi alam kung paano aasikasuhin ang nanay ni Mateo.
“Claudia, hindi mo pa rin ba ako kayang tawagin na Mama?” seryosong tanong ni Jarrah.
“Ma’am sorry po!”
“Kailan ka pa tumira sa bahay na ‘to ni Mateo?”
“B-Bakit po? May problema po ba?”
“BAKIT HINDI MO ITINULOY ANG ANNULMENT!!”
“Mama?”
“Kung ang intensyon mo ay gumanti! Claudia, hindi ka mananalo! Wala tayong palag na mga babae sa kanila! Ilang beses ko nang tinangka pero hindi ako nanalo! Umalis ka na Claudia at pirmahan mo na ang annulment bago pa mahuli ang lahat!”
Tumayo si Claudia at hinabol ang nanay ni Mateo. Paghatak ni Claudia sa kamay nito ay nahubad ang nakasuot na balabal nito at nakita ni Claudia ang mga pasa nito sa braso.
Natulala si Claudia at bumitaw. Hindi na nagsalita si Jarrah at umalis na ito. Naiwan si Claudia na takot at maraming tanong dahil sa nakita niyang iyon sa katawan ng nanay ni Mateo.
“Sino ang gumawa non sa kanya? Si Mateo? Si Chairman?” tanong ni Claudia.
Bumalik si Claudia sa kwarto nila ni Mateo para mag-impake ng gamit at nang maimpake niya na lahat ng gamit niya ay hinanap niya naman ang annulment papers nila.
Nakita iyon ni Claudia, hawak na niya ang ballpen at pipirmahan niya nalang ito. Pero pinag-isipan niyang mabuti. Marami kasing gumugulo sa isip niya at may pumipigil sa kanya na pirmahan ang papel na iyon.
“Hindi! Hindi totoo ang sinasabi mo Ma’am Jarrah! Papatunayan ko sayo na may laban tayong mga babae sa kanila!” ani Claudia.
Kinuha niya ang papel at dinala sa kusina para sunugin. Nang masunog na niya ang papel ay nilagay niya naman sa wall ang mga litrato nila noong kinasal silang dalawa.
“Mapipikon ka nalang talaga Mateo sa hinanda kong sorpresa sayo!” bulong sa isip ni Claudia.
Inalis ni Claudia lahat ng hindi magandang tingnan sa bahay na iyon at pinalitan niya lahat. Binago niya rin pati ang ayos ng furniture at nagmukha itong mailawalas tingnan.
“Nag-uumpisa pa lang ako Ma’am Jarrah! Hindi ako pwede matakot dahil gusto ko pang dalhin ang anak mo sa kulungan!” bulong sa isip ni Claudia.
Maggagabi na kaya naghanda siya ng dinner para sa kanila ni Mateo. Sa pagkakataon na ‘yon ay maayos na ang luto niya para kay Mateo. Naghanda din siya ng red wine para habang hinihintay si Mateo ay umiinom siya nito.
Nasa bulsa ni Claudia ang name plate ni Huss. Habang ginagawa niya kase ‘yon ay hindi rin maalis si Huss sa isip niya. Iniisip niya pa rin kase kung paano niya nakuha ang name plate na iyon at kung saan niya nakita ito.
“Samahan mo ko Huss, samahan mo ko,” ani Claudia.
Sumasayaw si Claudia at ini-imagine niya na sinasayaw siya ni Huss. Hanggang sa natumba ito at napaupo sa upuan sa kusina at hinawakan ang kanyang p********e. Ipinasok niya ang kamay sa panty niya para maipasok niya ang daliri niya. Pero narinig niya bigla ang yapak ng paa ni Mateo at napatayo ito bigla.
Nakangiti si Mateo na sumalubong sa kanya at nginitian niya ito. Inakit na naman ito ni Claudia at gumigiling habang papalapit dito.
“Nagustuhan mo ba ang hinanda ko sayo?” malambing na bulong ni Claudia.
“Ha Ha Ha! Anong handa? ‘yung maalat mong luto?” natatawang sabi ni Mateo.
Umikot si Claudia sa likod ni Mateo at pinaupo ito sa upuan. Hinandaan niya ito ng pagkain at sinalinan ng wine ang baso na para dito.
“Magugustuhan mo na ang luto ko ngayon..Mateo..,” malambing na bulong ni Claudia.
“Itigil mo ‘yan! Claudia, binago mo ang lahat sa bahay ko! Nasaan na ang mga gamit ko!” galit na sabi ni Mateo.
“Tinapon ko na lahat kase hindi naman maganda tingnan! Mas maaliwalas tingnan kapag ganyan ang ayos! Nagustuhan mo ba ang wedding picture natin? Ang ganda ko diyan!”
“Itigil mo ‘yung mga ganyan mo sakin! Hindi ka pa ba tapos? Ayaw mo pa rin ba tumigil? Nagawa muna sakin ah! Kulang pa ba ‘yon?”
“Oo! Kulang na kulang pa ‘yon! Mateo, hindi ako titigil hangga’t hindi ka natatauhan!”
“Pagod ako sa trabaho! Ayokong pag-uwi ko papagurin mo pa ko!”
“Hindi kita pinapagod! Pinaghandaan nga kita para gusto ko maging relax ka eh! Ayaw mo ba ng hinanda ko sayo? Tikman mo na! Kain na tayo! Magugustuhan mo ‘yan!”
Dahan dahan na kumuha si Mateo at tinikman ito. Sa pagkakataon na ‘yon ay hindi na umayaw at sumuka si Mateo. Kumuha pa ito ulit at sumabay na kay Claudia sa pagkain.
“Sabi ko sayo eh! Magugustuhan mo ang luto ko ngayon!” natutuwang sabi ni Claudia.
“Bakit panget ‘yung luto mo nung nakaraan? Sinasadya mo ba ‘yon?” ani Mateo.
“Practice pa lang ‘yon! Hindi kase talaga ako marunong magtimpla! Pero masarap naman ngayon di ba?”
“Baka may nilagay kang lason dito kaya masarap? O nilagyan mo ng pampatulog?”
“Ang dami mong tanong! Ha Ha! Sana inantok ka na ngayon?”.
“Bakit mo ginagawa ‘to?”
“Kase gusto kong matuwa ka sakin!”
Inangat ni Claudia ang baso niya at tinapat kay Mateo. Kinuha naman ni Mateo ang baso niya at inangat din ito, tsaka pinag-untog ang basong hawak nila.
“Cheers!” ani Claudia.
Nag-umpisa na naman si Mateo na titigan si Claudia ng masama at kumikilos ito na para bang inaakit si Claudia. Pero hindi nagpatalo dito si Claudia tinatigan din ito ni Claudia at nilalabas pa nito ang dila niya.
Napangiti si Mateo at lumapit kay Claudia. Pagkahawak niya dito ay sumama si Claudia hanggang sa kwarto nilang dalawa. Alam na ni Claudia na mangyayari ‘yon. Nasa plano na niya na bitinin ulit ito.
Naghuhubad na si Mateo pero si Claudia ay hindi pa rin. Hanggang sa humarap na sa kanya si Mateo at huhuburan na siya nito. Tinulak ni Claudia si Mateo sa higaan at sinakyan ito.
Hawak ni Claudia ng mahigpit ang name plate ni Huss dahil sa kaba. Nakatapat sa dibdib ni Mateo ang kamay ni Claudia kung saan nandoon ang name plate na hawak niya.
Dahan dahan na nilapit ni Claudia ang mukha niya kay Mateo, pero hindi aakalain na gagawin ni Mateo ang bagay na iyon sa kanya. Gumulong si Mateo kasama si Claudia kaya sa mga oras na iyon ay nakaibabaw na siya kay Claudia.
Tinulak ni Claudia si Mateo para makaalis ito sa ibabaw niya. Kabadong kabado si Claudia hanggang napasandal na siya sa dingding. Bigla naman tumayo si Mateo at nilapat ang kamay niya sa dingding kung saan nakasandal si Claudia. Tinitigan nito si Claudia at sinubukan siyang itulak nito.
Dumikit ang kamay niya sa dibdib ni Mateo, ang kamay kung saan nandoon ang hawak niyang name plate at dahan dahan na tumingala kay Mateo. Naalala na ni Claudia ang gabi kung saan parehas na ganun ang nangyari.
Ganun din niya nakita ang lalaking may ari ng name plate na si Huss. Naalala rin ni Claudia ang itsura ng lalaking iyon.
“King? Si King at si Huss? Hindi! Hindi maari!” bulong sa isip ni Claudia.
Fb: Migscreations Story
Dreame: Migscreations.
Para sa update! I-follow niyo na po ako dito sa Dreame! Dahil sa lunes ay mag-a-update na rin po ako sa story ko na Sino Ang Dapat Kong Mahalin? Sabay-sabay po tayong ma-inspired sa kwento ni Cara! At kung sino ba ang pipiliin niya kina Loui at Joey!
Suportahan niyo rin po ang nag-iisa kong Pay-To-Read story! Na BLOOD ACES! Napakasulit basahin marami kang matutunan, lalo na pagdating sa inyong pamilya. Sabay-sabay tayong matakot, mamangha, matuwa, mag-magmahal at magalit sa BLOOD ACES! Basahin niyo po!