Chapter 9

2354 Words
Chapter 9 Naglilinis si Claudia sa bahay nila ni Mateo. Habang naglilinis siya ay hinahanap din niya ang susi nang kwarto kung saan siya dinala ni Mateo noon. Gusto niya kase makita kung ano ang itsura nito ngayon. Habang naglilinis ay may napansin siya ang susi na nakasabit sa halaman. May kutob na siya na ang susi na ‘yon ay ang susi ng kwarto kung saan nakuha ni Mateo ang virginity niya. Pumunta si Claudia sa kwarto para buksan ang pinto. Saktong-sakto naman ang susi nito at nang mabuksan niya na ang pinto ay nakita niyang ganun pa rin ang kwarto na iyon at walang pinagbago. Nakita ni Claudia ang edited na litrato niya doon na hubad. Nandoon pa rin ang panty ni Claudia na hinubad sa kanya ni Mateo noong araw na ni-rape siya nito. Hindi mapigilan ni Claudia ang maluha dahil sa ala-alang binabalik sa kanya. “You’re so obsessed Mateo! Hanggang ngayon? Tinatabi mo pa rin ang bagay ‘nato! Hindi mo pa nakakalimutan ang nakaraan! Binabalikan mo pa rin ‘yun dahil ‘yon ang ginawa mong paraan para makuha mo ako!” galit na sabi ni Claudia. Sarado ang pinto ng kwarto na ‘yon, pero narinig ni Claudia ang sigaw ng kapatid niyang naghahanap sa kanya. Dali-daling binitawan ni Claudia ang panty niya at lumabas sa kwarto na ‘yon. Paglabas niya ay hinahanap niya ang kapatid niya at nagulat siya nang makasalubong niya ito. “Ate! Anong nangyare sayo? Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?” pag-aalalang tanong ni Clyde. “Bakit ka nandito?! Umalis ka dito! Bumalik ka sa SC! Ikaw muna ang mamahala don!” ani Claudia. “No! I’m staying here with you! Hindi kita iiwan sa rapist na lalaking ‘yon!” “Please, Clyde! Makinig ka naman sakin! Ayokong masali ka sa laban ko! Kaya ko nang harapin kung anong problema ko!” “Ate…sigurado ka ba sa binabalak mong ‘yan?” “Oo, pupunta pa rin ako sa SC Inn araw-araw! Pangako, walang mangyayaring masama sakin!” Dali-daling hinatid ni Claudia si Clyde sa sakayan ng taxi. Sinakay niya muna ito sa kotse niya para mahatid sa sakayan. Pagkarating nila ng sakayan ng taxi ay hinintay lang ni Claudia na makasakay si Clyde bago siya muling sumakay sa kotse niya. Pagbalik ni Claudia sa bahay niya ay wala namang nangyari doon, katulad pa rin iyon nung iniwan niya. Nasa bulsa pa ni Claudia ang susi ng kwarto kaya marahan niyang binalik ang pagkakasabit nito sa halaman na pinanggalingan nito. Nang maibalik niya ang susi ay biglang sumulpot sa harap niya si Mateo. Galing si Mateo sa kusina at hindi ito naramdaman ni Claudia. Kitang-kita sa mukha ni Claudia ang gulat at ang mata ni Mateo ay nakatingin sa susi. “Bakit gulat na gulat ka ata? Para kang nakakita ng multo? Nagulat ba kita?” nakangiting tanong ni Mateo. Lumapit si Mateo kay Claudia at pasimpleng kinuha ang susi na nakasabit sa halaman. Naglakad ito palikod kay Claudia at umupo sa sofa. Sinundan siya ni Claudia ng tingin. Nilalaro niya ang susi habang nakatingin kay Claudia. “Alam mo Claudia, ayoko sa lahat ng pinapakeelaman yung gamit ko! Bakit ka pumasok sa kwarto?” galit na sabi ni Mateo. Napaisip si Claudia kung bakit alam ni Mateo na pumasok siya sa loob ng kwartong iyon. Pagbukas ni Claudia ng pinto ay lumabas na agad sa notification ng cellphone niya ang nakitang tao ng CCTV niya mula sa kwartong iyon. Kaya naman nagmadali siyang umuwi. Hindi na dinala ni Mateo ang kotse niya dahil sa pagmamadali niya. “Uulitin ko sayo ang tanong ko! Bakit ka pumasok sa kwarto?” tanong ni Mateo, nanlilisik ang mata nito. Tumayo si Mateo at naglakad palapit kay Claudia. Nag-umpisa nang umatras si Claudia at malayo pa lang si Mateo ay sinubukan niya nang tumakbo pero binato ni Mateo ang dadaanan niya. Napatakip si Claudia sa tainga niya dahil sa malakas na tunog ng pagkakabasag ng basong binato sa harap niya. Pagtingin niya sa likod niya ay nandoon na si Mateo at sinabunutan siya nito palabas ng bahay niya. “Lumayas ka sa bahay ko! Hindi ko alam kung anong naiisip mo Claudia! Baka mamaya maisipan mong patayin nalang ako!” ani Mateo. “Ikaw ang pumatay sakin! Ikaw ang unang pumatay sakin Mateo! Hindi ako aalis ako sa bahay na ‘to!” ani Claudia. “(Laugh), CLAUDIA!! ANO BA!! ANO BA TALAGANG KAILANGAN MO SAKIN!!” “Gusto kong ikaw naman ang matakot! Gusto kong bangungutin ka rin sa gagawin ko sayo! Gusto kong mag-iwan din ng madilim na ala-ala diyan sa isip mo!” “Claudia, ngayon ko lang na-realise sa sarili ko. Kung bakit ako nasindak sayo! Nakakaawa ka! Wala ka pa rin laban sakin Claudia! Magagawa ko pa rin ang gusto ko sayo!” “Anong gagawin mo sakin? Gagahasain mo ko? Go! (Laugh). Hindi na ko natatakot na mangyari ‘yon! Wala nang mawawala sakin! Go! Tara!” Hinawakan ni Claudia ang kamay ni Mateo at hinatak papasok ng bahay at pagdating nila sa sala ay tinulak ni Mateo si Claudia para mabitawan nito ang kamay niya. Nang makawala si Mateo ay sinampal siya ni Claudia ng malakas. “Hindi ka na mananalo sakin, Mateo!” ani Claudia. Umalis si Claudia sa bahay ni Mateo at pumunta sa isang beer house. Pagpunta niya doon ay pinagtinginan siya ng mga crew dito dahil hapon pa lang ay iinom na siya. Umorder siya ng beer at nagsimula nang uminom. Dumidilim na at may pumapasok na rin na costumer. Hindi pa lasing si Claudia dahil konti lang tinatagay nito. Siya lang kase mag-isa at nag-inom lang siya para makapag-isip. Ubos na ang last na bote na iniinom ni Claudia. Nahihilo na rin siya pero hindi pa siya lasing. Nakita niya ang isang pamilyar na babae na papalapit sa kanya. Hanggang sa namukhaan niya ito, iyon ang babaeng dinala ni Mateo sa SC Inn. Nilapitan ni Claudia ang babae para makilala niya ito at nagulat din mismo ang babaeng iyon dahil kilala niya si Claudia. Tatakbo sana ito pero hawak na agad ni Claudia ang buhok nito. “Bitawan mo ko! Tulungan niyo ko! Ayaw niyang bitawan ang buhok ko!” sigaw ng babae. “Magpakilala kung sino ka! Wala akong masamang intensyon sayo! Magpakilala ka lang sakin!” ani Claudia. “Ako si Mara! Baka pwede mo nang bitawan ang buhok ko!” “Bakit ka dito nagtatrabaho? Pokpok ka talaga?” “Ano bang pake mo! Hindi naman kita kilala para pagsabihan mo ko ng ganyan!” “Ako si Claudia! Nasaan si Huss?” “Huss? Ahh..SI HUSS?!” “Oo! Anong itsura ni Huss! Ipakilala mo ko sa kanya! Ipakita mo siya sakin ngayon!” “Hindi ko alam kung nasaan siya! Hindi ko siya kasama ngayon!” “Bakit ba siya nagtatago! Bakit ayaw niya kong kausapin!” “Claudia? May problema ka ba? Gusto mo samahan kita? Uminom nalang tayo dito?” “Gusto mo ba? Kung gusto mo edi go! Tara uminom na tayo!” Hatak hatak ni Claudia si Mara sa mesa kung saan doon siya umiinom. Umorder pa si Claudia ng alak at nag-eenjoy sa malalakas na tugtugan at kantahan ng banda. “CHEERS!!” masayang sabi ni Mara. Nang lasing na sila at naghatakan na silang dalawa papunta sa gitna ng sayawan at nakipagsayawan sila sa mga lalaking nandoon. Pagtapos ay bumalik silang dalawa sa mesa nang nagtatawanan. “Ano ka ba! Ang panget mo sumayaw! Para kang butiki! Ha Ha!” natatawang sabi ni Mara. “Ano ka pa! Mukha kang tikling pag-sumasayaw! Ha Ha!” natatawang sabi rin ni Claudia. Biglang tumigil ang tawanan nila ng inabutan ni Claudia ng pera si Mara. Makapal na pera at nakasobre pa nang ibigay ito ni Claudia kay Mara. “Bakit mo ko binibigyan ng pera?” seryosong tanong ni Mara. “Lasing ka na ba? Gusto mo ba ihatid na kita sa motel mo?” dagdag nito. “Masaya akong makilala ka..Mara, huwag mo sana masamain yung pagbigay ko sayo na ‘yan! Magtrabaho ka sakin! Magtrabaho ka sa SC Inn!” ani Claudia. Bumagsak na si Claudia at nakayuko na siya sa mesa. Inayos siya ni Mara at binalik sa bag ang sobre ng pera na binibigay niya dito. Tumayo na si Mara at iniwan niya na si Claudia na ganun lang sa mesa. Paglingon ni Mara kay Claudia ay nakita niya ang dalawang lalaking lumapit dito, pero tuloy pa rin ang paglalakad niya at hinayaan niya nalang ito. Dinala ng dalawa lalaki sa CR ng lalaki si Claudia. Habang papunta sila doon ay makikita mo na ang mga naghahalikan sa daanan nito. Maririnig mo na rin ang maingay na babaeng umuungol sa labas nito. Pumasok muna ang isang lalaki para tingnan kung may laman ba ang isang cubicle. Tatlo ang cubicle sa CR na ‘yon, ang isa ay may laman na at ang isa ay may lalaking nagpapalit lang ng damit nang pangtrabaho. Nagtatatrabaho kase ang lalaking ‘yon bilang crew sa bar na iyon. Pagpasok ng dalawang lalaki at dala si Claudia ay saktong lumabas naman ang lalaki sa cubicle at namukhaan niya si Claudia. Nagulat ang lalaki iyon dahil hindi niya aakalain na sa lugar na iyon ay makikita niya si Claudia. Bumalik si Mara sa bar dahil hindi mawala sa isip niya si Claudia. Nag-aalala ito at kinakabahan na baka ano nang gawin ng dalawang lalaking iyon kay Claudia. pagbalik niya doon ay wala na si Claudia sa mesa nito at wala na rin ang dalawang lalaki. Hanggang sa marinig ni Mara ang magulo at maingay na nanggagaling sa CR. Pagpasok niya doon ay sinalubong siya ng mga taong tumatakbo palabas dahil may nag-aaway na sa CR. Tumakbo ang dalawang lalaki palabas. Gising na si Claudia at nakayakap ito sa isang lalaki. Hawak nito nang mahigpit ang name plate ng lalaki at nang makita niya ang pangalan nito ay tumingin siya agad sa mukha ng lalaki. “Huss?” ani Claudia. Tinalikod ng lalaki si Claudia at pinauna niya ito sa paglalakad. Hanggang sa makasalubong na nila si Mara. Nagulat si Mara dahil sa kasama iyon ni Claudia. Hinatid na nila si Claudia sa sakayan ng taxi at sinamahan ito ni Mara. “Paano yung kotse niya?” tanong ni Mara. “Nasa akin yung susi, magpapalit ako ng uniform at ibabalik ko sa SC Inn ang kotse niya,” ani Huss. “Mag-ingat ka Huss!” ani Mara. Tulog si Claudia at nakasakay na ito sa taxi. Hawak nito nang mahigpit ang name plate na hawak niya at hindi alam ni Huss na wala na sa kanya ang name plate niya. Nauna na sina Claudia sa SC Inn at si Huss ay nagpapalit ng uniform ng SC Inn. Napansin ni Huss nung nagpalit siya ng damit na wala ang name plate niya sa trabaho niya sa bar na iyon. Hinanap pa niya ang name plate pero hindi na niya ito nakita. Pagkapalit niya ng damit ay sumakay na siya sa kotse ni Claudia at dinala na niya ito sa SC Inn. Sinalubong ng receptionists ang dalawa, tinawagan pa nila ang kapatid ni Claudia na si Clyde para matulungan sila na madala ito sa kwarto. “Saan siya galing? Sino ka? Bakit kasama mo ang ate ko? At ganyan ang suot mo?” galit na sabi ni Clyde. “Kaibigan niya ko! Kasama ko siya uminom sa bar! Sige na dalhin na natin siya sa kwarto niya!” ani Mara. Nang makarating na sila sa kwarto ni Clyde ay hiniga na nila ang ate niya sa kama. Humiga rin si Mara pero hinatak ito ni Clyde patayo. “Hindi ka pwede matulog dito! Lumabas ka! Kung gusto mo magrent ka ng kwarto dito!” ani Clyde. “Kaibigan ako ng ate mo! Kaya magtatabi kami matulog!” ani Mara. “Hindi pwede! Hindi nagkakaibigan ng ganyan si ate!” “Grabe ka naman sakin! Bakla ka ba? Bakit ganyan mo ko awayin? Hindi ka manlang magpaka-gentle man!” “Anong sabi mo? Gusto mo halikan kita?!” Nilapit ni Clyde ang mukha niya kay Mara at dinampi niya ng marahan ang labi niya sa babaeng ‘yon. Hindi rin akalain ni Clyde na magdidikit ang labi nilang dalawa. Natulala si Mara at tumakbo palabas ng kwarto ni Clyde. Hinabol naman ito ni Clyde hanggang sa masalubong nila si King. Si King ang bago nilang empleyado. “Sir Clyde! Ito po ang susi ng kotse ni Ma’am Claudia, nakita ko po siya sa isang bar kaya ako na ang nagdala ng naiwan niyang kotse,” ani King. “Sige, salamat King. Anong gusto mo?” ani Clyde. “Wala na po sir! Uuwi na po ako!” ani King. Nakahinto lang si Mara at pinakinggan ang pinag-uusapan ng dalawa. Hindi na siya hinabol ni Clyde nang tumakbo ulit. Hinintay ni Mara si King sa labas ng SC Inn at sinalubong niya ito. Habang naglalakd sila palayo sa SC Inn ay nagtatalo silang dalawa. “Bakit mo ginamit ang pangalan ng kapatid mo! Akala ko ba kilala ka na niya at nakita niya na ang mukha mo?” ani Mara. “Natatakot ako dahil magkaiba kame! Hindi ako kasing yaman niya! Cybersex lang ang trabaho ko!” ani Huss. “Huss! Or King? Pwede ba? Gawin mo ang sinasabi mo sakin na nagbabago ka na! kaya nga nagtatrabaho ka diyan eh! Nagtatrabaho ka rin sa bar. dahil sabi mo ayaw mo nang mag-cyber!” “Tama na Mara! Hayaan mo nalang ako!” “Huwag mong gamitin ang pangalan ni King! Magtatrabaho na ko bukas sa SC Inn! Siya, si Claudia, siya mismo ang mag-iinterview sakin! Kapag hindi ka nagtino at umamin sa kanya! Ako na ang magsasabi!” Fb: Migscreations Story Dreame: Migscreations Wattpad: Migs_Creations Basahin niyo po ang iba ko pang story! Magaganda po lahat ng iyon. Follow niyo na rin po ako at suportahan niyo po ang Pay-To-Read story ko! Maraming salamat po mga readers!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD