Chapter 8
“Bakit hindi mo pinirmahan yung annulment niyo! Di ka na naman nag-iisip! Ano na naman bang pumapasok diyan sa utak mo!” galit na sabi ni Clyde.
Nakayuko lang si Claudia sa kama niya, habang nakikinig sa mga sermon sa kanya ni Clyde. Tumayo si Claudia sa kama niya at lumapit kay Clyde para yakapin ito.
“Clyde, meron akong gustong gawin. Oo, gusto ko na siyang mawala sa buhay ko. Pero Clyde, gusto kong ipaalala sa kanya araw-araw yung ginawa niya sakin!” ani Claudia.
“Maraming lalaki diyan! Nandiyan naman yung bagong empleyado na galing kanina sa kwarto mo!” ani Clyde.
“Nakita mo?” tanong ni Claudia.
Tumalikod si Clyde at nag-umpisa nang umiyak. Umupo ito sa mesa at yumuko para hindi makita nang ate niya ang pag-iyak niya. Humihikbi ito, kasabay ng malalim na pagsinghot.
“Ang sakit! Ang sakit sa puso na makita kang ganyan ate! Nasasaktan ako kapag nakikita kong sinasaktan mo yung sarili mo!” umiiyak na sabi ni Clyde.
Lumapit si Claudia at hinimas ang likod ni Clyde. Pero tinapik ito ni Clyde at tumayo. Tumangin ito sa mata ng ate niya at hinawakan ang dalawang kamay nito.
“You’re not my sister anymore..i want my sister back! Please..remember all the times we spent together! Gusto kong maalala mo ‘yon at makita ang sarili mo!” ani Clyde.
Binitawan ni Clyde ang kamay ni Claudia at lumabas na sa kwarto. Paglabas niya sa kwarto ng ate niya ay pumunta na siya sa kwarto niya.
Nakita ni Clyde ang nakalapag na picture frame sa mesa na katabi ng kama niya. Kinuha niya ito at pinagmasdan ang masayang litrato nila nang ate niya.
“Huwag mong isipin na walang nagmamahal sayo, nandito pa ko ate. Mahal na mahal kita,” bulong sa isip ni Clyde.
Nag-iimpake na nang gamit si Claudia, kahit na pinagsabihan na siya ni Clyde ay itinuloy niya pa rin ang gulo sa isip niya.
“Mateo, hindi kita titigilan hanggang hindi tumitigil yung trauma ko sayo! Guguluhin din kita gaya ng panggugulo mo sa isip ko!” bulong sa isip ni Claudia.
Nagsuot ng itim na jacket si Claudia at nagsumbrero, para hindi siya makita na umalis sa Motel. Hatak hatak nito ang maleta niya papunta sa parking lot at isinakay niya ito sa kotse niya.
Pagsakay ay inayos niya ang salamin at tinapat sa kanya. Hinubad nito ang sumbrero niya pati ang jacket na suot niya at naglagay ng make-up. Pulang-pula ang labi niya, akala mo ay kumain siya ng dugo dahil sa kulay nito.
“Clyde, sorry..alam ko ang ginagawa ko. Mahal na mahal kita! Aalis lang si ate,” bulong sa isip ni Claudia.
Pinaandar na ni Claudia ang kotse niya papunta sa bahay nila ni Mateo. Bukas ang bintana ng kotse niya, mabilis ang pagpapaandar niya kaya pumapasok ang hangin sa kotse niya at hinahangin ang buhok niya.
Pagkarating ni Claudia sa bahay nila ni Mateo ay maliwanag ang labas nito. Napansin niyang nakaparada ang kotse ng chairman kaya nakaramdam siya ng konting kaba. Pero hindi siya nagpadala sa dito.
Pagpasok ni Claudia sa pinto ay nakita niya agad ang chairman kasama nito si Misty. Wala si Mateo sa sala nung mga oras na ‘yon. Tanging ang daddy lang nito at ang bagong girlfriend nitong si Misty.
Nahuli ni Claudia na nakababa ang pantalon ng daddy ni Mateo at sinusubo ni Misty ang p*********i nito. Bigla silang napabalikwas nang tayo at mabilis na nagbihis ang dalawa.
Dahan dahan na naglakad si Claudia papunta sa kanila. Rinig na rinig ang ingay ng sandals niya habang naglalakad palapit sa dalawa. Kinuha ni Claudia ang isang baso ng red wine sa mesa at ininom ito.
“Nagulat kayo? Hindi niyo ba ine-expect na uuwi ako sa bahay ko?” ani Claudia.
Tumayo bigla si Misty at tatakbuhan na naman niya si Claudia. Kaya pinatid siya ni Claudia at nadapa. Lumingon ito kay Claudia at tumingin ng masama. Tumayo naman si Claudia at tinapon sa pagmumukha ni Claudia ang hawak niyang baso ng red wine.
*Screams*
“Ano ba! Bastos ka! Bakit mo sinaboy sa mukha ko ‘yan!” galit na sabi ni Misty.
“Tatakbuhan mo na naman ako? Ganyan ka ba talaga? Sanay na sanay ka na sa ginagawa mo! Lagi mong tandaan, sanay ka lang! Galit ako!” ani Claudia.
Tumawa bigla ng malakas ang daddy ni Mateo na si Martin. Nagsalin ito sa baso niya ng red wine at kumampay.
“Cheers! Claudia! Cheers!” natatawang sabi ni Martin.
Kinuha ni Claudia ang bote ng red wine at nagsalin din siya sa baso na hawak niya. Kumandong ito sa hita ni Martin at umakbay.
“Cheers! Chairman!” nakangiting sabi ni Claudia.
“Umupo ka dito sa tabi ko Misty!” ani Martin, sumunod naman si Misty.
Sinandal ni Claudia ang chairman sa sofa at dahan dahan hinaplos ang leeg nito. Tinutok ni Claudia ang mukha niya sa mukha ng chairman at be-bwelo ng halik. Pero biglang tumayo si Misty na nakatangin lang sa kanila. Pagtayo ni Misty ay umalis na rin si Claudia sa harap ni chairman at tinulak si Misty pabalik sa upuan.
“Let’s start the show!” ani Claudia.
“Anong show?” ani Mateo, na kakalabas palang galing sa kwarto nito.
“Hey, honey! Dala ko na ang mga gamit ko! Nasa kotse magsasama na tayo!” ani Claudia.
“Are you drunk?!”
“(Laugh) Ikaw? Sabog ka na naman ba?”
“Claudia!”
“Why? Hanggang ngayon gumagamit ka pa rin ng m*******a?”
“Stop!”
Tumayo ang chairman at hinawakan ang kamay ni Misty.
“Mauna na kami, salamat sa wine. Claudia,” ani Martin.
“Salamat din po sa pagbisita, Chairman,” ani Claudia.
Hinintay lang ni Mateo na makalabas ang chairman at sinampal niya bigla si Claudia ng malakas. Napaupo si Claudia sa sofa at nahilo sa ginawang pagsampal ni Mateo sa kanya.
Kinuha ni Mateo ang annulment papers nila at nilapag sa harap ni Claudia. Nakatingin lang si Claudia kay Mateo at hinihintay ang gagawin nito.
“Pirmahan mo na! Ayoko nang mamilit Claudia! Masyado mo kong pinapahiya sa mga tao mo!” galit na sabi ni Mateo.
“Ayoko! Kunin mo na ang maleta sa kotse ko at dalhin mo na sa kwarto natin!” matapang na sagot ni Claudia.
“Ito ba talaga ang gusto mo?”
“Nahihirapan ka na ba? Bakit? Mahal niyo na nang daddy mo yung babaeng ‘yon? Share share lang?”
“Manahimik ka!”
“Ikaw ang manahimik! ‘Wag ka na magsalita! Dalhin mo na yung maleta ko sa kwarto natin!”
“Hindi kita asawa!”
“Hindi pa ko pumipirma! Ako lang ang asawa mo! Sumunod ka!”
Natulala nalang si Mateo sa sinabing iyon ni Claudia. Nakatingin nalang siya dito habang naglalakad papunta sa kwarto niya.
“Anong nasa isip mo Claudia! Bakit mo ‘to ginagawa!” bulong sa isip ni Mateo.
Kinuha na ni Mateo ang maleta ni Claudia sa kotse at dinala sa kwarto niya. Pagpasok niya sa kwarto niya ay tanging lamp lang ang nakabukas at nakita niya ang mapang-akit na suot ni Claudia.
Pinagmasdan ito ni Mateo simula binti, papunta sa malaking dibdib. Naglakad si Claudia papunta sa kanya. Habang naglalakad ay inaakit siya nito. Gumigiling giling si Claudia papunta sa kanya at hinahaplos pa nito ang braso niya.
“Mateo..honey, maganda ba ko?” ani Claudia, malambing na pagkakasabi nito.
“Ahmm..Claudia, maganda ka!” ani Mateo.
“Ughh! Honey..mahal mo pa rin ba ako?”
“Oo naman, mahal pa rin kita! Walang ibang nakalamang sayo!”
“Ha Ha Ha(Laugh Maniacally)”
“Nagti-trip ka ba? Baliw ka na Claudia! Baliw ka na!”
“Mateo, habang tumatagal gumagwapo ka. Pumapayat ka at lumalaki ang katawan mo!”
Tinulak ni Claudia si Mateo sa kama at napahiga ito. Hinubad ni Claudia ang pambaba nito. Hinahayaan lang ni Mateo si Claudia sa ginagawa nito na gusto niya rin mangyari.
Hanggang sa dinuraan ni Claudia ang ari ni Mateo para mabasa ito. Ibinaba taas na ito ni Claudia at kita niyang nagugustuhan din ni Mateo ang ginagawa niya. Kinuha niya ang malaking s*x toy na tinago niya sa likod ng damit niya at biglaang pinasok ito sa butas ng pwet ni Mateo.
“ARRRGGGHHH! MASAKIT!!” malakas na sigaw ni Mateo.
Nakita ni Claudia na nagdugo ang pwet ni Mateo dahil sa pagkabigla nito si Mateo na rin ang naghugot nito ng dahan dahan.
“Pvtangina ka! Pumunta ka dito para ganyanin ako! Gumaganti ka?” galit na sabi ni Mateo.
“Gusto ko lang maramdaman mo,” nakangiting sabi ni Claudia.
Pumunta na ito sa kama at tinabihan si Mateo. Niyakap niya at nilambing.
“Sorry na..matulog na tayo,” ani Claudia.
Tulala si Mateo habang nakahiga at pinakiramdaman niya si Claudia na katabi niya, hanggang sa makatulog siya. Kinaumagahan, paggising niya ay wala na si Claudia sa tabi niya.
Nahirapan itong maglakad palabas ng kwarto niya dahil masakit ang pwet niya. Ika-ika siyang naglakad papunta sa kusina at nakita niya na nandoon si Claudia at naghahanda ng pagkain.
“Gising ka na pala honey..kumain ka na naghanda ako ng pagkain,” nakangiting pagbati ni Claudia.
“Kailan ka ba aalis? Kailan ka babalik dun sa motel mo!” ani Mateo.
“Bakit mo ba ako pinapaalis? Kumain ka muna, kain muna tayo para makaligo ka na at makapunta sa hospital,” ani Claudia.
Sinandukan na ni Claudia ng pagkain si Mateo at nang kainin na ito ni Mateo ay bigla niyang dinura ang luto ni Claudia.
“Ang alat ng pagkakaluto mo sa pagkain ko! ‘yung sayo? Patikim!” ani Mateo.
Tinikman rin ni Mateo ang pagkain na nakahain kay Claudia at pumunta na ito sa lababo para dumura. Pasimple naman na pinalit ni Claudia ang nakahain na pagkain niya na nakapatong sa upuan atsaka kumain.
“Kinain mo pa rin kahit maalat?!” ani Mateo.
“Okay lang kahit ayaw mo ng luto ko! Gumising ako ng maaga para lutuin ‘yan! Umupo ka at kainin mo ‘yan!” ani Claudia.
Sumunod naman si Mateo kay Claudia. Kahit sobrang alat ay kinain pa rin ni Mateo ang luto na ‘yon ni Claudia. Pagtapos kumain ay halos isang container na nang tubig ang naubos ni Mateo.
Pumunta na si Mateo sa banyo at si Claudia naman ay nililigpit ang pinagkainan nilang dalawa. Nakangiti siya habang nililigpit ang pinagkainan nilang iyon.
“Umpisa pa lang ‘to Mateo! Habang hindi mo pinagsisisihan ang ginagawa mo! Hindi kita titigilan!” bulong sa isip ni Claudia.
Nagluto na nang almusal si Clyde at nagbukod na ito para dalhin sa kwarto ng ate niya. Mas gusto kase niya na siya ang magdadala ng pagkain sa ate niya para nakakausap niya ito.
Pagpunta niya sa harap ng kwarto ng ate niya ay kinatok na niya na ito. Pero hindi ito nagbubukas ng pinto. Nilapag muna ni Clyde ang pagkaing dala niya at tumawag kay Ino.
“Sir Ino? May susi ka ba ng kwarto ni Ate?” tanong ni Clyde.
“Oo meron, kaso baka magalit siya kapag binuksan natin ang kwarto niya ng hindi nagpapaalam,” sagot ni Ino.
“Ako naman ang nagsabi eh! Pumunta ka na dito para mabuksan na ang pinto!” ani Clyde.
Dali-dali naman pumunta si Ino sa kwarto ni Claudia, dala ang susi. Pagkarating doon ay nakakunot-noo si Clyde na sumalubong sa kanya. Hinablot agad ni Clyde ang susi at siya na mismo ang nagbukas ng pinto.
Pagbukas ay nakita nila ang malinis na kwarto ni Claudia. Wala na ang kahit isang gamit nito sa VIP room na ‘yon. Nagtinginan ang dalawa at parehas na nagtanong.
“Nasaan si Ate?” tanong ni Clyde.
“Saan pumunta si Ma’am?” tanong rin ni Ino.
Nag-umpisa na si Clyde na tawagan ang ate niya. Aligaga ito dahil hindi sinasagot ang tawag niya. Ganon din si Ino, nagmessage na ito pero hindi pa rin siya pinapansin.
“Check mo sa CCTV kung anong oras siya umalis! Baka kagabi pa siya nakaalis ng motel!” ani Clyde.
“Sige po Sir Clyde!” ani Ino.
Pumunta si Ino sa kwarto kung saan chine-check ang CCTV. Habang si Clyde naman ay hindi tumitigil sa pagtawag sa ate niya.
“Nasaan ka na ba! Bakit hindi ka manlang nagpaalam na aalis ka!” galit na sabi Clyde.
Tumawag na si Ino kay Clyde para sabihin dito ang oras ng pag-alis ni Claudia sa motel.
“Sir Clyde? 11pm na po kagabi umalis si Ma’am Claud! Pumunta po kayo dito!” ani Ino.
“Sige susunod ako!” ani Clyde.
Pagpunta doon ay nakita niya ang kahina-hinalang suot ni Claudia. Nakajacket nga ito pero alam niya na iba ang nakapaloob na suot ni Claudia dahil sa mataas na sandals na suot nito.
“Alam ko na kung saan siya pupunta! Hindi ko aakalain na makikipagkita siya kay Mateo ng ganong oras!” ani Clyde.
“Paano ka naman nakakasiguro sir? Baka may boyfriend si Ma’am tapos nakipagkita siya doon!” ani Ino.
“Hindi! Dala niya ang maleta niya at alam kong doon siya pupunta! Maiwan ka muna dito Sir Ino, susunod ako sa kanya!” ani Clyde.
Fb: Migscreations Story
Dreame: Migscreations
Wattpad: Migs_Creations
Sana po ay basahin niyo rin po ang iba ko pang story. Follow niyo na rin po ako para sa updates at upcoming story ko po! Maraming salamat!