Chapter 20
Dalawang buwan na ang lumipas, lumalaki na rin ang tiyan ni Misty. Kasalukuyang kasama niyang kumakain si Mateo at Martin sa bahay nito. Nagtatawanan ang dalawang mag-ama pero si Misty ay tahimik lang at nakikinig sa kanila.
Sinalinan niya ng tubig ang baso ng dalawa at dahil sa paglagay niya ng tubig ay natapunan niya ang kinakain ni Martin.
“Ano ba, Misty! Bakit hindi ka kase mag-dahan-dahan!” sigaw ni Martin.
Nakayuko lang si Misty habang pinupunasan ang natapon na tubig at nanginginig ang kamay ng kunin ang kinakainan ni Martin para palitan ito.
“Huwag mo ng palitan dahil wala na kong gana!” ani Martin, sinuot nito ang coat niya at saka umalis.
Nang tatayo na si Mateo sa upuan niya para sumunod sa daddy niya ay iniwat ito ni Misty. Niyakap niya ito habang nakatalikod at naawat niya naman ito.
“Anong problema mo? May gusto ka bang bilhin? Hindi ka ba papasok ngayon?” tanong ni Mateo.
“Meron akong gustong sabihin sa’yo, Mateo. Pwede ba kita makausap bago tayo umalis?” ani Misty.
“Late na kase eh! Mamaya nalang natin pag-usapan pag-uwi at pag nandyan si Dad!”
“Mateo, gusto ko sanang ngayon na kase natatakot ako sa Daddy mo!”
“Late na tayo, Misty! Mamaya na kung ayaw mo ipaalam kay Dad edi tayo nalang ang mag-usap basta mamaya na pag-uwi,”
Umalis si Mateo pero Misty ay hindi na pumasok sa trabaho. Nung araw na iyon ay nakakaramdam na siya ng kaba, kaya pumunta siya sa kwarto niya at kinuha ang mga gamit niya. Hinanda na niya ito sa labas ng gate at binalot niya ng trash bag.
“Sana tulungan talaga ako ni Doc Jarra, huwag niya sana kami pabayaan ng magiging anak ko,” ani Misty.
Si Claudia ay nasa SC Inn ng mga oras na iyon. Tinitingnan niya ang mga report ni Ino habang nakikipag kwentuhan na rin dito.
“Baka kayo na talaga ang magkakatuluyan ni Huss! Nako! Ang daming opportunity na pwedeng maging kayo! Nag-iinarte ka pa,” ani Ino.
“Alam mo hindi ko maiintindihan ‘to kapag maingay ‘yan bunganga mo!” ani Claudia.
“Bakit? Meron siyang responsibilidad sa’yo Madam! Kailan mo ba aaminin, ngayon alam mo na kung saan sila nakatira? Di ba dati hindi mo sila mahagilap? Buti nga nandyan ang mommy mo eh,”
“Huwag kang maingay, Ino! May makarinig sa’yo!”
“Ewan ko sa’yo! Nakakaloka ka diporket marami kang pera eh! Bahala ka nga diyan!”
“Sige! Gawin mo nalang trabaho mo!”
Gabi na at hindi na rin magpakali si Misty sa bahay ni Mateo. Kinakabahan siya dahil hindi siya handa at hindi rin niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya.
Pag-uwi ni Mateo kasama ang daddy niya ay naubutan nilang naglilinis si Misty. At nang gabing iyon ay si Mateo lang ang sinalubong ni Misty hindi niya pinansin si Martin.
“Bakit hindi ka pumasok? Hindi kita nakita sa hospital kanina,” ani Mateo.
“Masama kase ang pakiramdam ko eh, nakapagluto na ko at nakakain na rin. Kumain na kayo aakyat na ko sa kwarto mo,” ani Misty
“Hindi ka na ba sasabay samin?”
“Hindi na muna, Mateo. Masama talaga ang pakiramdam ko ngayon.”
Di pa nakakaakyat si Misty nang magsalita si Martin tungkol sa pag-tulog nito sa kwarto ni Mateo.
Martin: Kagabi lang kay Mateo ka tumabi ah, di ba dapat sa kwarto kita ngayon?
Misty: Wala kase ako sa mood ngayon.
Martin: Umiiwas ka sa’kin, Misty!
Mateo: Dad, bigyan niyo muna siya ng space kase masama ang pakiramdam niya.
Martin: Hindi siya pwedeng tumabi sa’yo!
Misty: Wala akong tatabihan sa inyo! Uuwi nalang muna ako sa bahay ko.
Umakyat si Misty sa kwarto ni Mateo para kunin ang bag niya. Bago siya muling bumaba ay nag-message muna siya sa cellphone number na binigay sa kanya ni Jarra.
“Sunduin mo ako sa harap ng bahay ni Mateo, ngayon na. Ma’am Jarra, pakiramdam ko ay mag-aaway sila ng dahil sa’kin. Baka madamay ako at ang magiging anak ko,” message ni Misty.
Nang mga oras na iyon ay saktong tapos na rin si Claudia sa gawain niya at papunta na siya ng parking lot ng SC Inn nang biglang natanggap niya ang message. Nagtataka si Claudia dahil hindi niya alam kung sino ang taong iyon. Pero nang mabasa niya ang pangalan ni Jarra ay kinabahan na siya. Dahil ang kasunod pa noon ay ang pangalan ni Mateo at nandoon ang taong iyon sa bahay mismo nito.
Nagmadaling sumakay si Claudia sa kotse niya at mabilis na pinaandar ito papunta sa bahay ni Mateo. Habang papunta si Claudia, si Misty naman ay kabadong bumababa sa hagdan.
Nakita niyang masayang kumakain ang dalawa, pero biglang tumahimik ito nang makita nilang seryosong aalis nga si Misty.
Martin: Talaga bang aalis ka?! Gabi na!
Mateo: Okay lang Dad, hayaan muna natin siya na umalis. Baka gusto niya muna mag-isa at bisitahin ang magulang niya.
Martin: Hindi! Hindi siya pwedeng umuwi!
Misty: Bakit?! Hindi ba ako pwedeng dumalaw sa mga magulang ko?
Martin: Hindi nga pwede!
Misty: Gusto kong umuwi! Hindi ikaw ang masusunod!
Dahil hindi sumunod si Misty sa gusto ni Martin ay binato niya ito ng baso, pero hindi niya pinatama kay Misty iyon. Nang dahil sa gulat ni Misty ay nabitawan niya ang bag niya at tumalsik sa harap ni Martin ang cellphone niya.
Nag-ring ang cellphone ni Misty at dinampot naman ni Martin. Nangingilid na ang luha ni Misty nang mga oras na iyon. At sinagot ni Martin ang tawag. Nang marinig nito ang boses ng babae ay binalik na ito ni Martin.
Habang kinakausap ni Misty ang tumawag sa kanya sa harap ng dalawa ay pumunta si Mateo sa kusina para walisin ang bubog.
“Sige na, umuwi ka na! bumalik ka nalang bukas dito!” ani Martin.
Nanginginig na lumabas si Misty sa bahay na iyon at natataranta. Ang kausap niya kase kanina sa cellphone ay si Claudia. Sinabi ni Claudia sa tawag na nasa labas na siya at pinapalabas na siya nito.
Nang itapon ni Mateo ang bubog sa basurahan ay nakita niya ang isang gamit na pregnancy test dito, nanlaki ang mata niya nang makita niya itong positive.
Bubuksan na ni Misty ang gate ng mga oras na iyon. Nang marinig niyang galit na sumisigaw si Mateo papalapit sa kanya. Bumaba na si Claudia sa kotse niya para tulungan si Misty sa gamit na isasakay nito.
Nang maisampa na nila ang gamit ay sumakay na rin sila, pero nahablot pa ni Mateo ang damit ni Misty. Tinulungan ito ni Claudia na mahatak ang damit niya sa kamay ni Mateo at nakita ni Mateo na si Claudia ang tumulong kay Misty.
Naalis nila ang kamay ni Mateo at naisara kaagad ang kotse. Hindi pa sila nakakalayo ng batuhin ni Mateo ng bato ang bintana ng kotse ni Claudia, pero nagpatuloy pa rin ito sa pagmamaneho.
Pagkarating nila sa bahay ni Claudia ay tinulungan sila ng Nanny ni Claudia na ibaba ang gamit ni Misty na dala nila. Nakatingin pa si Misty kay Claudia dahil hindi niya inakalang ito ang tutulong sa kanya.
“Misty, pumasok ka na sa bahay ko,” ani Claudia.
Mahigpit na humawak si Misty sa kamay ni Claudia, kasabay nito ang malalim na paghinga niya. Nang papunta pa lang sila sa lugar na iyon ay naninibago na si Misty sa dinaraanan nila.
“Bakit sa ganitong lugar ka tumira?” pagtatakang tanong ni Misty.
“Ako at ang pamilya ko lang ang nakakaalam ng lugar na ‘to, mas pinili kong lumayo at magtago sa simple at hindi magulong mundo,” ani Claudia.
“Salamat sa pagtulong sa’kin, humihingi ako ng tawad sa lahat ng sinabi ko sa’yo! Patawarin mo ko, Claudia!” umiiyak na sabi nito.
“Misty, buntis ka, makakasama sa’yo ‘yan! Matagal na kitang pinatawad! Hindi ako nagalit sa’yo, naawa pa nga ko eh kase hindi mo nakikita ‘yon sa sarili mo! Ngayon alam mo na kung anong klaseng lalaki ang kinababaliwan mo!”
“Claudia, sana nakinig ako sa’yo. Sana tinanong ko muna sa’yo kung anong klaseng lalaki si Mateo, sana hindi ako naging ganito!”
Niyakap ni Claudia si Misty para maibsan ang bigat sa dibdib nito. Habang yakap ni Claudia si Misty ay nakita niya ang batang lalaki na bitbit ng Nanny.
“Ma’am, ubos na po ang diaper ni Hans, kailangan ko na siya bilhan. Kayo na po muna ang magbantay sa kanya,” nakangiting sabi ng Nanny.
“Sige, kami na ang magbabantay,” ani Claudia.
Nang buhatin ni Claudia ang baby niya ay pinakita niya ito kay Misty. Pinakita niya ang 11months old baby niya na si Hans Carl Smith.
“Ang cute niya, Claudia!” nakangiting sabi ni Misty. Napalitan ang luha nito ng matatamis na ngiti nang makita niya ang anak ni Claudia.
“Tara, Misty. Ilipat na natin siya sa kwarto niya,” ani Claudia.
Nang malipat na nila ang bata sa kwarto ay natulog na rin ito. Habang tulog ay nagkwentuhan ulit ang dalawa.
“Tinago mo ang pagbubuntis mo ng ganon katagal?” tanong ni Misty.
“Oo, dito ko na rin siya pinanganak sa bahay. Hindi nga kilala nila Mom at Dad ang daddy nito eh. Maging si Clyde hindi kilala,” ani Claudia.
“Sino ba ang tatay ni Hans?”
“Makikilala rin niya ang magiging Daddy niya,”
“Kapag nanganak na kayo ako? Kaya ko kaya?”
“Misty, kayanin mo kahit wala ang daddy niya. Kapag kailangan mo ng tulong pwede mo akong lapitan,”
Kinabukasan, pagpasok ni Claudia sa SC Inn. Naabutan niyang maraming tao sa motel niya at hinahalughog nila ito. Nandoon si Mateo at ang daddy nitong si Martin.
Nang araw rin na iyon ay nagcheck-in si Huss sa motel niya dahil may malapit na trabaho siya dito. Nakita niya rin ang panggugulo ng dalawa pagpasok niya ng motel. Nasa likod lang siya ni Claudia.
“Hahayaan mo lang na ganyan ang gawin nila sa motel mo? Kung ako ‘yan pinalayas ko na ‘yan!” bulong ni Huss.
Agad na kumilos si Claudia ng binulong sa kanya ni Huss iyon. Inawat niya ang ginagawang pagwawala ni Mateo at sinampal niya ito ng malakas.
“P*T*NG*N* K*!!! PALAGI MO NALANG GINUGULO YUNG NEGOSYO KO!!!” galit na sigaw ni Claudia.
“PALAGI MO NALANG DIN PINAPAKEELAM YUNG BUHAY NAMIN HAYOP KA!!!” galit na sigaw rin ni Mateo.
“Bakit niyo hinahanap si Misty?! Kase takot kang malaman ng lahat ang panggagahasang ginawa niyo sa kanya!”
Dahil sa sinabing iyon ni Claudia ay nabigla si Mateo sa ginawa niyang pagsampal dito dahil maraming nakarinig sa sinabi niya.
“HUWAG MO SIYANG SASAKTAN!! TOTOONG RAPIST KAYONG MAG-AMA!!” malakas na sigaw ni Huss.
“Ha Ha Ha (Laugh Maniacally). Bakit ka nakikisali?!” ani Mateo.
Tinulak ni Claudia si Mateo paatras dahil nakaamba na ito kay Huss.
“WALANG MAKIKISALI!! UMALIS KA NA SA MOTEL KO NGAYON NA MATEO BAGO PA AKO TUMAWAG NG PULIS!!” malakas na sigaw ni Claudia.
Lumapit si Mateo kay Claudia at sinabi ito ng harap-harapan. Harap-harapan niyang sinigawan si Claudia sa harap din ng maraming tao.
“SIYA ANG K*M*N*T*T SA’YO NUNG KASAL NATIN!! SIYA ANG SUMIRA SA KASAL NATIN!! ‘YAN ANAK NG MAGNANAKAW!!” sigaw ni Mateo.
Pagtapos sabihin iyon ni Mateo sa lahat ng taong nandoon ay umalis na rin ito kasama ang daddy niya. Nandoon si Huss at ang lahat ng tao ay nakatingin sa kanila. Kumalat sa lahat ng employee ni Claudia ang balitang iyon. Pati na rin ang mga guest at naging bulong-bulongan sila.
Umalis si Huss at iniwan niya rin si Claudia na mag-isa doon at pinag-uusapan ng mga tao. Hindi alam ni Claudia kung ano ang gagawin niya sa mga oras na iyon. Hindi niya rin alam kung anong sasabihin niya sa mga employee niya. Hanggang sa mag-umpisa nang pumatak ang luha niya.
Hindi pa nakakaalis si Huss at nakatingin pa rin siya kay Claudia sa loob. Nakikita niya kase na pinag-uusapan si Claudia ng mga tao dito. Bumalik ulit si Huss at hinubad niya ang jacket niya. Tinakip niya ito kay Claudia at naglakad palabas ng motel.
Nang makalabas na sila ay sinakay na agad ito ni Huss sa kotse niya. Para matigil na muna ang usapan ay umalis sila sa motel na iyon. Habang nasa kotse sila ay nakatingin si Claudia kay Huss.
“Ikaw pala ang lalaking ‘yon. Ikaw pala ang lalaking nagbigay sa’kin ng kahihiyan at nagbigay sa’kin ng anak. Ikaw rin ang lalaking nagbigay sakin ng saya at lungkot. Ikaw lang din ang lalaking nagparamdam sa’kin ng mainit mong mga bisig. Mahal kita, Huss Earl Cordon,” bulong sa isip ni Claudia.
Author’s Message:
Hi Reader’s! Nawala na naman ako sa update! Hindi ko po maipapangakong palagi ako makakapag-update dahil busy na po ako ngayon. Sana po magkaron po ako ng maraming time sa susunod. Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa!
Follow,
Migscreations.