Chapter 19

2340 Words
Chapter 19 “Nakita niyo na ang isa’t isa. Nakilala mo na siya Claudia, ngayon ka na pumirma ng annulment niyo ni Mateo para sa unang hakbang na gagawin mo,” seryosong sabi ni Jarra. Pagtapos ni Jarra na magsalita sa dalawa ay iniwan na niya ito para makapag-usap. Pero si Huss ay nakaupo pa rin sa harap ng dalawa habang nagbabasa ng diaryo. “Claudia, may nagkwento sakin na mas matindi pa ang ginawa sayo ni Mateo,” ani Jenniva. “Matindi nga at muntikan niya akong ma-rape,” ani Claudia. “Bakit ka nga pala nagpakasal sa kanya?” “Para sa magulang ko, pinangakuan kase nila si Dad ng isang magandang posisyon kaya pinilit din nila akong pakasalan si Mateo, bukod don. Gusto kong gantihan siya sa karahasang ginawa niya sakin,” “Claudia, gusto ko rin gumanti. Pero hindi na pumasok sa isip ko ‘yun eh, nung sinubukan ko siyang mahalin. Nahirapan ako dahil ginagalaw niya ko sa iba’t ibang pamamaraan, iba’t ibang posisyon,” “Tama na… hindi mo man aminin sakin pero mas matindi ang dinanas mo sa kanya,” “Sana makipagtulungan ka sakin na makulong siya dahil marami na siyang ni-rape, Marami na silang pinatay! Hindi sila nabibigyan ng justice!” “Makikipagtulongan ako, Jenniva.” Habang nagbabasa si Huss ng diaryo ang nahuhuli ito ni Claudia na tumitingin kay Jenniva habang nag-uusap sila. Kaya naman tumayo na si Claudia sa kinauupuan niya at pumunta sa kwarto niya. Sumunod naman si Huss kay Claudia, pagpasok ni Huss sa kwarto ni Claudia ay nadatnan niyang nakatingin ito sa bintana habang umiinom ng tubig. Niyakap ito ni Huss at hinalikan sa leeg. Dahan dahan nitong ginapang ang kamay niya papunta sa p********e ni Claudia, pero umiwas si Claudia at tinulak siya nito. “Layuan mo ko! Nagpapakalma ako!” galit na sabi ni Claudia. “Bakit ba? Ano bang nagawa ko sa’yo? Bakit ka badtrip!” galit rin na sabi ni Huss. “Mahal mo ba ko?” “Claudia, come on! ‘wag mo seryosohin ‘to! We’re just having fun!” “Have fun? Tingin mo masaya ako sa sinasabi mong have fun?” “Claudia, sanay na sanay ka na sakin! Binibili mo nga ko eh! Kailangan pa ba kitang bilhin?” “Huss! Kaya kong tapatan ang perang ibabayad mo sakin! Ang gusto kong malaman kung anong nararamdaman mo sakin!” “Bakit ba nagkakaganyan ka?!” “Bakit iba yung tingin mo kay Jenniva, Huss! Maganda ba siya? Mas maganda siya sakin?” “Wala kang karapatan magselos. Hindi kita girlfriend Claudia!” “Alam ko! Hindi mo ko girlfriend!” “Oo hindi nga kita girlfriend kaya wala kang karapatan magselos!” “Meron akong karapatan dahil mahal kita!” Narinig ni Jenniva ang pag-uusap ng dalawa dahil sumunod rin siya dito. Rinig sa labas ng pinto ang malakas na pagsisigawan nila. Nakangiting naglakad si Jenniva papunta sa kwarto ni Jarra. “Jenniva, may kailangan ka ba?” tanong ni Jarra. “Mahal ni Claudia ang anak mo, asawa pa rin siya ni Mateo. Papayag ka ba na siya ang maging daughter-in-law mo?” seryosong sabi ni Jenniva. “Jenniva, mabait si Claudia. May dahilan kung bakit naging asawa niya si Mateo pero hindi niya ‘yon ginusto. Kung may namamagitan man sa kanila ni Huss at kung mas nagkakamabutihan sila ay isang good news yun para sakin, dahil parang anak ko na rin si Claudia,” Kinabukasan, busy si Jarra sa mga pasyente niya kasama niya ang boyfriend niyang si Garry Santos sa pagchecheck ng pasyente. Sapat na ang dalawa, hanggang tatlong doctor sa isang center na ‘yon dahil hindi naman ganun karami ang kanilang nagiging pasyente. Pero nang makapareha na nila ang Heaven’s Foundation ay dumagsa ang dami ng pasyente nila dahil sa free check-up at free medicine nito. Hindi na sapat ang dalawa kailangan pa nila ng doctor. Nang mabalitaan ng dating chairman ng Rodriguez Hospital ang pagiging dagsa ng tao sa isang maliit na center ay pinuntahan niya ito. Nadatnan ni Martin ang mga mahihirap na pamilya sa lungsod na malapit sa center na iyon. Ang karamihan doon ay ang ina na dala ang may sakit na anak. Pero imbis na kaawaan ang mga ito, pumasok siya sa center at nanggulo. Pagpasok niya sa center ay pinuntahan niya agad si Jarra at sinigawan. “KAHIT KAILAN SALOT KA SAKIN!!” malakas na sigaw ni Martin. Nanginig sa takot si Jarra, maging ang pasyente nito. Narinig rin ni Garry ang malakas na sigaw na iyon kaya mabilis niyang pinuntahan si Jarra. Nakita ni Garry na pagbubuhatan na nang kamay ni Martin si Jarra kaya agad niyang hinawakan ang kamay nito at tinulak ng malakas. “WAG MONG SASAKTAN ANG ASAWA KO!!” malakas na sigaw rin ni Garry. Humawak agad si Jarra ng mahigpit sa damit ni Garry at lumapit naman ang mga lalaking nurse nila para itayo si Martin at ilabas. Nang makalabas na ito ay gustong sumunod ni Jarra dito para makausap niya ito. “Susundan ko siya Garry, ikaw muna ang bahala sa pasyente,” ani Jarra. “Baka saktan ka niya?” pag-aalalang bigkas nito. “Kaya ko Garry, para makapasok na ang mga naghihintay sa labas, unahin mo muna ang pasyente.” Lumabas na si Jarra at hinarap si Martin. Hindi kalmado si Martin kaya kasama ni Jarra ang ilan sa mga nurse niyang lalaki. “BAKIT KAILANGAN MONG MAGWALA SA HARAP NG PASYENTE KO!!” malakas na sigaw ni Jarra. “Tinatanong mo ko kung bakit?! Alam mong inaasahan ng hospital namin ang foundation ni Santi at Claire! ANONG GINAWA MO!!” galit na sabi nito. Bigla naman dumating ang kotse ni Huss sakay sina Claire at Santi. Dahil sa araw rin na ‘yon ang ribbon cutting ng magiging office ng Heaven’s Foundation sa center na iyon. Kaya kasama rin nila sina Claudia, Clyde at Jenniva. “Bakit hindi mo itanong sa kanila Martin!” galit na sabi ni Jarra. Lumingon si Martin sa pamilya ni Santi at Claire nang papalapit na ito ay yumuko pa ang buong pamilya sa kanya. Claire: Maayos na nakipagsundo ang bagong chairman sa amin para malipat ito sa Cordon’s Center. Jarra: Wala kang karapatan na tumuntong sa center namin Martin! Kung meron mang dapat makipag-usap samin ay si Mateo ‘yon hindi ikaw! Santi: Doc Salazar, sana ay umalis ka ng tanggap ito at walang galit. Martin: Ha Ha Ha! Bobo kayo! Ang tatanga niyo! Hindi kayo nag-iisip! Sa isang center? Bakit akala niyo ba makakatanggap pa kayo ng donations? Claire: Problema na namin ‘yon. Tumingin muna si Martin ng masama sa mga taong nakapaligid sa kanya at naglakad papunta sa sasakyan niya. Pagkaalis ni Martin ay sama-sama nilang pinagdiwang ang ribbon cutting sa center. Habang nasa kalagitnaan ng pagsasaya ay nakatanggap ng tawag si Jenniva mula kay Mateo kaya lumabas muna siya at sinagot ang tawag. “Mateo, buti naman nabasa mo ang email ko sa’yo at tinawagan mo na ko,” ani Jenniva. “Buhay na buhay ka pa nga! Hindi ko inaasahan ‘to dahil alam ko matagal na kitang pinatay,” ani Mateo. “Parang gusto kong makita ka ngayon, Mateo. Parang gusto ko kasing makipag-p*****n ngayon sa’yo!” “Ha Ha! Wag ka masyadong magmadali. Dadating tayo diyan! Nakita ka ni Dad kanina at kasama mo pa si Claudia,” “Yung pinagmanahan mo ng kakapalan ng mukha nanggulo pa dito kanina! Buti nalang at hindi niya napagbuhatan ng kamay si Mama!” “Ako na ang humihingi ng pasensya. Sana magkita na ulit tayo, miss na miss na kita!” ani Mateo , atsaka pinatay ang tawag. Pagtapos makipag-usap ni Jenniva sa cellphone niya ay nagulat siya ng makita niyang nasa likuran niya si Claudia. “Claudia! Kanina ka pa ba nandyan?” ani Jenniva. “Kausap kase kita kanina bigla kang nawala kaya sinundan kita,” “Pasensya na ah, may kinausap lang kase ako,” “Si Mateo ‘yon di’ba? Kilala ko ang boses ni Mateo, nakikipagkita siya sayo at nakikipagpatayan ka sa kanya?” “Pasensya na sa lahat ng narinig mo, galit pa rin kase talaga ako sa kanya,” “Pinatay ka na niya? Pano ka nakaligtas?” “Hindi pa ko handa na pag-usapan ang bagay na ‘yan!” “Takot ka pa rin, Janniva! Traumatize ka pa rin sa nangyari!” “Bakit ikaw? Hindi ka ba na-trauma?” Hindi na nakaimik si Claudia at nakatitig nalang siya kay Jenniva. Nang wala na itong masabi ay binangga siya Jenniva habang palakad pabalik sa loob ng center. Bago bumalik si Claudia sa loob ay tinawagan na muna niya ang lawyer na naglalakad ng annulment nila ni Mateo at pinapunta niya ito sa Rodriguez Hospital para sa araw na iyon mismo ay mapirmahan na nila ang annulment at maging officially devorce. Nang matapos na ang ribbon cutting party ay dumiretso na agad si Claudia sa hospital at saktong nandoon na rin sa mesa ang Lawyer niya at si Mateo. “Kanina ka pa ba, Atty?” tanong ni Claudia, habang paupo sa tabi nito. “Actually, kakarating ko lang at ihahanda ko palang ang mga papel na pipirmahan niyo,” anito. Habang hinahanda ng Lawyer ang papel ay nag-away pa ang dalawa. Dahil sa isyung nangyari sa center kanina. “Balita ko pinasaya daw kayo ni Dad?” pabirong tanong ni Mateo. “Pinasaya?? Ahh… Oo nga noh?! Masaya nga kami kanina dahil muntik na niyang saktan si Doc Jarra!” galit na sabi naman ni Claudia. “Mainit kase ang ulo niya dahil sa success ni Mama, nakawin ba naman kase yung buong buhay na pinag-ipunan mo eh magiging success talaga!” “Mateo, kilala mo ang daddy mo kaya nagawa ni Doc Jarra ang bagay na ‘yon! Parehas kase kayong mabaho kumilos!” “Huwag mo kong pinagsasalitaan ng ganyan sa hospital ko!” “Bakit?! Anong gagawin mo sakin?!” Tumigil ang pag-aaway ng dalawa ng ibagsak ng lawyer ang papel sa harap nila. Parehas silang nakatingin sa lawyer at inabutan naman sila nito ng tig-isang ballpen. Lawyer: Kailangan na ninyong ituloy ‘to ngayon! Claudia: Sorry… Mateo: Pipirma na ko ngayon! Pagtapos ng pirmahan na naganap ay umalis na si Mateo sa harap nila. Hinatid naman ni Claudia ang lawyer niya sa sasakyan nito. “Salamat, pasensya na po kayo sa nangyari kanina,” ani Claudia. “Okay lang, Ma’am Claudia. At least, ngayon tapos na ang pirmahan. So, una na ko? Update nalang kita bukas, itatawag ko nalang sa’yo,” nakangiting sabi nito. Kinagabihan, nag-over-time si Jarra sa center dahil sa tambak na trabaho at gusto pa siyang makasama ng soon-to-be husband niya na si Garry. Sobrang nabahala kase ito sa nangyaring pagsugod ni Martin sa center. Pagtapos ng trabaho, nang palabas na sila sa center para sana ay umuwi. Nakita ni Jarra si Misty na nakatayo sa harap ng center niya at sa itsura nito ay may gusto itong sabihin sa kanya. Kaya naman pinauna na ni Jarra si Garry na umuwi para makausap si Misty. Nasa loob na sila ng center at nakayuko lang si Misty sa kanya. Kita sa mukha nito ang takot at mabigat na problemang dalahin. “Misty, hindi mo ba kayang i-open ngayon? Kase hindi kita matutulungan sa ganyan ginagawa mo!” kunot-noong sabi ni Jarra. “Doc Jarra, hindi ko alam kung talagang buntis ako. Gusto kong malaman kaya ako pumunta dito,” mangilid-ngilid ang luha nito. “Misty, hindi ka ba nag-try manlang ng pregnancy test sa bahay niyo?” “Nagtry ako pero di ako naniniwala! Ilang beses na akong nagtry at puro postive,” “Alam na ba ni Mateo ang tungkol diyan?” “Isa pa ‘yan sa malaking problema ko. Hindi ko alam kung si Mateo o si Martin ang tatay ng anak ko!” “Huh?! Misty! Paanong hindi mo alam?!” “Sa araw-araw na gusto nilang dalawa, parehas nilang akong nagagamit!” “Bakit ka pumayag!” “Dahil gusto ko!” “P*t*nginamo! Hindi ka nag-iisip, Misty! Mas bobo ka pa samin!” “Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin! Pero nagkamali ako eh! Nagkamali ako!” “Anong balak mong gawin?” “Gusto kong sabihin sa kanila ‘yung kalagayan ko ngayon pero natatakot ako!” “Hindi kita matutulungan, Misty,” “Doc Jarra! Please… tulungan niyo na ako! Wala na kong ibang malalapitan kundi ikaw lang!” Hinanap ni Jarra ang number ni Claudia sa cellphone niya at sinulat niya sa isang maliit na papel at ibinigay niya kay Misty. “Number ko ‘yan, kapag naka-amin ka na sa kanila at nakaramdam ka ng masamang mangyayari o gagawin nila sa’yo. Tawagan mo ko at pupuntahan kita kaagad!” ani Jarra. “Maraming salamat, naghahanap talaga ako ng taong malalapitan. Salamat dahil nandyan ka at hindi ako nagkamali ng nilapitan,” umiiyak na sabi ni Misty. Paglabas ni Misty sa center ay napaupo nalang si Jarra sa upuan niya at tumulo ang kanyang luha sa sobrang awa niya kay Misty. “Hindi kita kayang ipagtanggol, Misty. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko kay Claudia, pero siya lang ang tanging taong naiisip kong makakatulong sa’yo. Patawarin niyo sana ako,” bulong sa isip ni Jarra. Author’s Message: Maraming Salamat po sa patuloy na pagbabasa, tinatawag ko po kayong lahat para po suportahan po ang aking story na BLOOD ACES sa 3rd year anniversary. Isang vote po ay malaking tulong na po iyon. Boto niyo na rin po ang story na ‘to (In His Arms). Maraming Salamat po, Migcreations. Follow niyo na po ako sa Dreame para sa mga susunod na updates at mga upcoming book ko po. Migscreations.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD