Chapter 18

2309 Words
Chapter 18 Pagpasok ni Claudia ng pinto ay nakita niya ang isang sofa, sa likod nito ay may kurtina na harang sa kama. Naaninagan niya na may tao na nakahiga sa kama na iyon kaya hinawi niya ang kurtina at nakita niya ang isang lalaki. Seryosong nakatingin si Huss sa mukha ni Claudia. Ang talim ng tingin niya kay Claudia. Napalunok si Claudia ng matapos niyang pagmasdan ito at sinagawan ng malakas si Huss. “HUSS!?” malakas na sigaw ni Claudia. Mabilis na tumayo si Huss at humarap kay Claudia. Halos magdikit na ang labi nila dahil sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t isa. Ang hintuturo ni Huss ay pinatong niya sa labi ni Claudia para hindi ito mag-ingay, atsaka bumulong. “Shhhh… I miss you, Claudia,” bulong ni Huss. “Ano ba! Lumayo ka sakin!” reklamo ni Claudia, nahawakan niya ang matitigas na abs ni Huss nung tinulak niya ito. Pero nabigo siya, mas lalo pa siyang nilapitan nito. Hinawakan ni Huss ang balakang ni Claudia at dinikdik niya pa ito sa kanya. Nang ilalapit na ni Huss ang labi niya kay Claudia ay bigla siyang sinampal nito ng malakas. “Ahh! Ayaw mo ba?!” galit na tanong ni Huss. “Huss, ayoko na nang ganito. Wala ka bang asawa o girlfriend? Marami ka namang babae huh? Bakit kailangan na isali mo pa ko?” galit na sabi ni Claudia. “Ha Ha! Remember? Sinabi mo sakin sa CR ng hotel kanina na ‘you want me back!’ anong nangyari?” “Yes, gusto kitang bumalik! Pero di porket gusto kong bumalik ka kailangan gagawin natin ‘to?” “Bakit? Kung makikipag-s*x ka sakin ngayon, hindi lang ito ang unang beses na may mangyayari satin!” “Huss! Kalimutan mo na ang nangyari na ‘yon!” “Binili mo ang video ko at nakipag-cam to cam ka sakin habang nag-f*f*nger!” “Huss!” “Sa motel mo may nangyari din satin! ilang beses na tayong nag-s*x at ako ang nakauna sayo!” “Hindi ikaw ang nakauna sakin!” “Ohh…sorry! Hindi ba ako? Eh sino?” “Huss!” “May binayaran ka rin bang lalaki para makipag-s*x sayo?” Namumula na ang mukha ni Claudia sa galit at sa hiya, kaya umalis na siya at naglakad palabas ng bahay. Pagdating ni Claudia sa bahay ng mommy at daddy niya nakita niyang nagsasalo-salo sila sa pagkain kasama ang kapatid niyang si Clyde. “Ate, tara na samahan mo na kami dito!” nakangiting sabi ni Clyde. “Tara na anak! Umupo ka na dito sa tabi ko!” nakangiting sabi ng daddy niyang si Santi. Nakangiti naman lumapit sa kanila si Claudia at umupo sa tabi ng daddy niya. Si Clyde na mismo ang kumuha ng kakainan niya at naghain sa kanya. Claudia: Salamat, Clyde. Clyde: Are you a visitor? This is our home! Huwag ka ng mahiya! Claudia: Yes, I know! Di ako nahihiya, kakain na nga eh! Santi: Sige lang ubusin niyo na ‘yan marami pang pagkain sa loob! Habang nakangiting kumakain ang tatlong mag-aama. Tahimik at nakangiti lang si Claire na nakatingin sa kanila. Napapansin na ito ni Claudia kaya pagtapos nilang kumain ay sinundan niya ang mommy niya para makausap ito ng maayos. “Mommy? Okay ka lang ba? May problema ba?” seryosong tanong ni Claudia. “Bakit? Wala naman akong problema, bakit mo natanong?” balik na tanong nito. “Wala ka sa mood! Alam kong wala ka sa mood dahil hindi mo ko kinausap!” “Claudia, pagod lang ako ‘wag mo isipan ng masama,” “Sorry… pwede ba ko magtanong?” “Sige lang, tungkol saan ba ‘yan?” “Magkaibigan ba talaga kayo ni Doc Jarra?” “Claudia, kase…” “Hindi niya rin sinasagot yung tanong ko. Gusto kong itanong kase iba yung pakiramdam ko.” “Anong pakiramdam mo? Na niloloko ka niya?” “Oo,” “Ganun din ang pakiramdam ko kaya umiwas na ko sa kanya.” “Pero bakit niyo pa rin siya tinulungan?” “Claudia, kaibigan ko pa rin siya kaya hindi ko siya matiis! Ilang beses na siyang humingi ng tulong sakin nung na kay chairman pa siya, pero hindi ko siya tinulungan kaya nagi-guilty ako. Bumawi lang ako sa kanya at pinipilit kong umiwas dahil kay Doc Martin pa rin kami nagtatrabaho.” “Bakit hindi niyo siya tulungan? ‘yung foundation niyo sa hospital nalang nila dahil ninanakaw ni Doc Martin ang pondo ng foundation niyo!” “Claudia, pwede mo ba kong tulungan na mangyari ‘yon?” “Tutulungan kita, Mommy. Tutulungan ko kayo ni Dad para hindi nakawin ni Doc Martin ang pera sa foundation niyo,” Kinabukasan, nagpunta si Claudia sa Dr.Rodriguez Hospital at kinausap si Mateo para makipagtulungan dito. Nasanay na si Claudia na sa tuwing pupunta siya ng hospital ay pinagbubulungan na siya ng mga taong nakakakilala sa kanya at nakakaalam ng scandal na ginawa niya sa kasal nila ni Mateo. Kaya naman, normal nalang sa kanya na pagtinginan siya sa hospital kada pupunta doon. Nakita na siya ni Mateo at alam nito na siya ang pupuntahan ni Claudia sa hospital kaya sinalubong na niya ito. “Goodmorning Honey, bakit napadalaw ka? Na-miss mo na ba ko?” nakangiting sabi ni Mateo. “Yes, Honey! Na-miss nga kita eh! Na-miss mo ba talaga ako?” nakangiting sabi rin ni Claudia. “Ha Ha! Claudia, wala ka pa rin pinagbago. Hanggang ngayon kinokontrol mo pa rin yung nararamdaman mo,” “Nagpunta ako dito para sa Heaven’s Foundation. Balak ko kase na alisin na ang Heaven sa hospital na ‘to na mala-impyerno!” “Sa ngayon na ako na ang bagong chairman. Kung gagawin mo ‘yan hindi na makakatanggap ng kahit anong suporta ng hospital namin ang foundation ng mga magulang mo at pati rin sila ay hindi na makakatanggap ng kahit anong suporta galing sa hospital namin,” “Okay lang na ganun ang mangyari, wala naman na talagang natatanggap na suporta ang foundation namin at ang magulang ko sa hospital na ‘to! Kami pa nga ang nagbibigay ng suporta eh!” Naputol ang pag-uusap ng dalawa ng dumating si Huss para kausapin rin si Mateo. May dala itong authorization galing sa mommy ni Claudia na si Claire. Huss: Claudia, nandito ka rin pala! Claudia: Anong ginagawa mo dito? Huss: Nandito ako para kausapin si Mateo tungkol sa foundation niyo. Mateo: Ha Ha, yung nakauna pala sa’yo yung boyfriend mo ngayon? Claudia: Anong pinagsasasabi mo?! Mateo: Wala, by the way. Mr? Huss: Huss Cordon. Mateo: Wala kang authorize para kausapin ako, mas okay pa na si Claudia nalang kausapin ko. Huss: Meron ako, (Kinuha ang authorization na galing kay Claire) ni-ready ko na ‘yan kagabi pa. Claudia: Huss?! Kinausap ka ni Mommy?! Huss: Claudia, mamaya na ko magpapaliwanag tungkol dito. Sinama ni Mateo sila Huss at Claudia sa office niya at doon niya kinausap ang dalawa. Pagkatapos ay pinutol na nila ang ugnayan ng Heaven’s Foundation at nang Dr.Rodriguez Hospital. Paglabas nila sa office ay nakasalubong nila si Martin ang dating chairman. Nagtataka itong pinagmasdan ang tatlo nang palabas na ito ng hospital. Mateo: Honey, sa susunod na bibisitahin mo ko dapat may dala ka na paborito kong luto mo. Claudia: Hindi ko kase alam biglaan din kase, pero hayaan mo sa susunod na pupunta ako dito magdadala ako ng pasalubong, Honey. Huss: Babe, hatid na kita? Claudia: Babe?! Mateo: Ha Ha.. Huss? Hindi mo pa ata kilala yung babaeng tinatawag mo na Babe. Huss: Kilala niya ko pero sa hindi masamang gawain. Mateo: ‘Wag mo sanang seseryosohin pero ang baduy kase ng tawag mo sa Honey ko, Babe? Ha Ha Ha. Nang lalapitan ni Mateo si Claudia para hawakan ang kamay nito ay inunahan ni Huss ito at hinatak palapit sa kanya. Nanlaki ang mata ni Mateo sa ginawang iyon ni Huss kay Claudia. Pero si Claudia ay sa mata lang ni Huss nakatingin ng mga oras na ‘yon. Hinarap ni Huss ang mukha ni Claudia sa kanya atsaka hinalikan sa mismong harap ni Mateo. Ngumiti nalang si Mateo at naglakad papasok sa hospital limilingon-lingon pa ito at nang makita niyang masama ang tingin ni Huss sa kanya ay hindi na siya muling lumingon pa. Walang reaksyon si Claudia sa nangyari at hindi alam kung anong sasabihin kay Huss. Hinawakan ni Huss ang kamay niya at hinatak pasakay sa kotse. Pagbalik ni Mateo sa office niya ay nakita niyang nandoon ang dating chairman at nakaupo sa upuan niya. “Anong ginagawa niyo dito? Anong problema niyo?” seryosong tanong ni Mateo. “Nagpunta ako dito para makita si Nurse Misty, pero may nakita akong iba!” seryosong sagot nito. “Si Claudia ba? Wala na ang foundation nila sa hospital na ‘to!” “Bakit mo inalis! Yung foundation na nila ang nagbibigay ng free check up dito at nagbibigay ng libreng gamot sa pasyente! Kung tatanggalin mo ‘yon wala nang pupuntahan ang mga pasyenteng ‘yon dito!” “Kahit na may libreng ganun may sinisingil pa rin kayo! Hindi ko susunirin ang pagiging corrupt mo! Sa pagharang ng perang dino-donate sa foundation! “Ano na ang pupuntahan ng tao sa hospital na ‘to? Mag-isip ka! Huwag mong pinapasok ang mga ginawa ko!” “Wala nga tayong pasyente! Nakalagay sa labas ng pinto na free ang check-up pero naniningil pa rin yung tao mo sa hospital na ‘to at binubulsa mo ang pera ng foundation nila!” “Mateo! Bumaba ka na sa pwesto ngayon din!” “Hindi ako bababa sa pwesto ko! Alam ko kung anong ginagawa mo kay Misty, pag ‘yan pinaalam ko sa lahat mawawalan na sila ng tiwala sa’yo!” “SIGE! Sige Mateo gawin mo! Pag ginawa mo ang bagay na ‘yan mawawala ka rin sa pwesto dahil lahat ng nurse, doctor at marami pang babae sa labas ng hospital na ‘to ang ni-rape niyo ng mga kaibigan mo! Lahat ng ‘yon tinulungan kita para hindi ka makulong. Kaya pag-isipan mo rin lahat.” “Hindi ako natatakot kahit ano pang gawin mo basta hindi ako bababa sa pwesto ko at hindi magiging corrupt gaya mo! Wala na silang tao na pwedeng iharap sakin para patunayan ‘yon!” “Buhay pa ang ex-wife mong si Jenniva, buhay na buhay pa yung demonya mong asawa na si Claudia. Mateo, kailangan mo ng tulong ko kaya makikinig ka sa lahat ng utos ko!” Dahan-dahan na bumaba si Jenniva galing sa kotse ni Jarra at inalalayan ng bodyguard ni Jarra papasok sa bahay. Nakita niya na nakaupo doon si Jarra at naghihintay sa kanya. “Mama?” ani Jenniva. “Darling! Jenniva! Ang ganda mo pa rin ngayon! Wala kang pinagbago hanggang ngayon maganda ka pa rin!” ani Jarra. “I miss you so much, Ma. Na-miss ko yung salita mo at boses mo!” “Umupo ka muna, anong gusto mo? Coffee, Tea, Juice or Water?” “Ayoko niyan Ma, gusto ko ng red wine.” “Iba ka na talaga ngayon, Jenniva. Iba na ang taste mo! Syempre ang ibibigay ko na sa’yo ay ang paborito ko na red wine.” “Salamat, Ma.” “Kamusta ka na ngayon? Okay naman na kayo ng husband mo? Buti nalang ay hinugot ko siya doon sa hospital nila Mateo,” “Okay naman kami simula noon, hanggang ngayon hindi kami nag-aaway at maalaga naman siya.” “Anong gawain mo? May anak na kayo?” “Ma, wala pa kaming anak. Tinuloy ko yung fashion ko sa paggawa ng damit.” Napansin ni Jenniva sa mesa ang pangalan ni Claudia na nakasulat sa isang magandang papel, kaya naitanong niya ito kay Jarra. “Sino si Claudia?” tanong ni Jenniva. “Si Claudia, siya ang bagong asawa ni Mateo, hindi pa sila devorce. Nag-file na sila ng annulment para doon.” “Bakit may pangalan niya dito?” “Nilagay ko kase ‘yan sa pinto na magiging kwarto niya tinanggal ko ulit kase gusto kong palitan.” “May kwarto siya dito?” “Si Claudia ang nagligtas sakin ng muntikan na kong patayin ni Martin at Hindi man aminin ni Huss sakin ngayon, pakiramdam ko mahal na niya si Claudia. Gusto ko rin na sila ang magkatuluyan.” Biglang dating naman ng kotse ni Huss kung saan nandoon din si Claudia. Nagmamadali si Huss maglakad papasok at hawak ang kamay noon ni Claudia. Pagpasok nila sa pinto ay nagulat ang dalawang nag-uusap ng makita sila. “Claudia?! Huss?! Anong ginagawa niyo dito?” pagtatakang tanong ni Jarra. Nagtinginan lang ang dalawa at binitawan na ni Huss ang kamay ni Claudia. Nakita ni Huss na nakatingin sa kanya si Jenniva kaya tiningnan niya rin ito at biglang bumaling ng tingin kay Claudia. Jarra: Claudia, siya si Jenniva yung sinasabi ko sayong ex-wife ni Mateo na makakatulong satin. Claudia: Ahh..umm..Hi! Nice to meet you! Jenniva: Hi Claudia, sana magkaroon tayo sa susunod ng pagkakataon na makapag-usap. Jarra: Ngayon kilala niyo na ang isa’t isa. Magagawa niyo na ang dapat gawin kay Mateo at kay Martin. Next Episode: “Bakit iba yung tingin mo kay Jenniva, Huss! Maganda ba siya? Mas maganda siya sakin?” galit na sabi ni Claudia. “Wala kang karapatan magselos. Hindi kita girlfriend Claudia!” “Alam ko! Hindi mo ko girlfriend!” “Oo hindi nga kita girlfriend kaya wala kang karapatan magselos!” “Meron akong karapatan dahil mahal kita!” Follow Migcreations on Dreame. Please support and read my story’s here in Dreame.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD