Chapter 17
Makalipas ang isang taon, kilala na ang private center na ipinatayo ni Jarrah at kay Huss nakapangalan ito. Ang dalawang mag-ina ay parehas nang successful sa loob ng isang taon.
Marami na rin ang nagpupunta sa private center ni Jarrah, kabilang na dito ang mga mayayamang tao malapit sa center na iyon. Putok na rin ang pangalan ni Jarra at nakarating na rin ito sa mga magulang ni Claudia, maging sa magulang ni Mateo ang pangalan ng hospital.
Nang taon na iyon sa buwan ng marso ay imbitado ang pamilya ni Mateo, Claudia at ni Huss sa isang business event. Isang linggo pa ang paghahanda nila bago ang araw ng event.
“Ma’am Claudia! Ito i-check niyo ang damit na ‘to! Bongga ‘to at bagay na bagay sa’yo!” nakangiting sabi ni Ino.
“Pupunta ba talaga ako? Ibibida na naman kase ako dun nila Mom at Dad!” ani Claudia, nakasimangot ito.
“Alam mo ‘wag ka nang mag-inarte! Dadalo rin sa event si Ma’am Jarrah at si Huss!”
“Ano?! Pa’no mo naman nalaman ang balita na ‘yan? San mo nakita? Kanino mo nalaman?”
“Nako! Magbasa-basa ka kase ng invitation!”
Kinuha ni Claudia ang invitation na nakalapag sa mesa at binasa niya ito. Nakita niyang nakalagay nga doon ang pangalan ni Jarrah, nakalinya pa ito sa pangalan ng magulang niya na nasa special guest.
“Ano? Hindi ka pupunta? Ayaw mo bang makita ulit ang naka-durog ng mani mo?” taas-kilay na sabi nito.
Nakayuko lang si Claudia at nakita niyang dumating na si Clyde, galing kase ito bahay ng mommy at daddy niya. Dala nito ang damit na susuotin niya. Sa loob kase ng isang taon na iyon ay pinilit ni Clyde si Claudia na makipag-ayos sa magulang nila at naging matagumpay ito.
“Meron ka na bang susuotin ate? Ito ang mga damit na pinadala sayo ni mommy,” ani Clyde.
“Ilapag mo nalang diyan. Hindi ka na ba papasok bilang main chef? Maghahanap na kami.” ani Claudia.
“Papasok pa ko ate.”
Napatingin si Clyde sa kusina at nakita niya ang isang babae. Nilapitan niya ito dahil akala niya ay si Mara ang nagluluto dito. Pero nang lapitan niya ito ay bago na naman ang assistant chef na makakasama niya.
“Clyde, hindi ko na talaga kase makontak si Mara,” malungkot na sabi ni Claudia.
“Sige na ate! Palitan niyo na ko, hindi na ko papasok dito,” ani Clyde.
“Sigurado ka ba? Hindi ka na babalik?”
“Hindi na ate.. I think, I need to replace her.”
“Tama ‘yan Clyde. Mag move-on ka na kase. Mag-iisang taon na. uuwi ka na ba?”
“Yes, kung may kailangan ka pa tumawag ka nalang ah.”
Pag-alis ni Clyde ay dinala ni Claudia ang damit at sinukat ito sa kwarto niya. Pagsakay ni Clyde sa kotse niya ay bumungad sa kanya ang picture nila ni Mara sa kotse. Tinanggal niya iyon at tinabi.
Paglagay niya ng picture nila ni Mara ay nasanggi ng kamay niya ang isang box. Ang box na ang laman ay kwintas na sana ay ibibigay niya kay Mara.
“It’s time to move on. It’s to time to get over you.” ani Clyde.
Habang nasa kalagitnaan si Clyde ng pagmamaneho pauwi sa bahay nila ay aksidenteng nabangga ang kotse niya.
Binaba naman agad niya ang nakabangga sa kanya at bumaba rin ang babaeng nakabangga sa kanya.
“Sorry! Nagpapractice pa lang kase ako sa pagda-drive,” pagmamakaawang sabi ng babae.
“Sorry? Practice in the road? Seriously?” galit na sabi ni Clyde.
“Split nalang! ‘wag na natin pahabain pa wala akong lisensya!” galit rin na sabi nito.
“Humarap ka sakin! I want to see your face!”
Parehas silang nagulat nang makita nila ang isa’t isa.
“CLYDE?!” “MARA?!” gulat na sabi nila sa isa’t isa.
Dali-daling sumakay ulit si Mara sa kotse niya at mabilis na pinaandar ito. Hanggang sa may nabangga pa siya ulit na isang sasakyan.
Ang tatlong driver ng sasakyan ay dinala sa presinto at ang dalawa dito ay may reklamo.
Nagulat si Clyde ng bayaran ni Mara ang lahat ng na-damage niya. Walang bakas sa mukha nito ang pag-alala kung saan kukuha ng pera. Maayos pa siyang humingi ng pasensya sa dalawang driver.
Umalis na si Mara at hindi na nasundan ni Clyde. Napatulala nalang kase si Clyde sa kanya, dahil ang Mara na nakaharap niya ngayon ay ibang Mara na. Isang mayaman at respetadong Mara na ang nakaharap niya.
Dumating na ang araw ng isang malaking business event. Nag-ayos na si Claudia, sinuot na niya ang dress na binigay sa kanya ng mommy niya.
“Napakaganda mo Ma’am Claudia! Napapaka-sexy at super star ang dating!” ani Ino.
“Huwag ka nang mambola! Lalabas na ko baka naghihintay na si Clyde,” ani Claudia.
Paglabas ni Claudia ay saktong nandoon na nga si Clyde. Inalalayan ni Clyde ang ate niya pasakay sa kotse at umalis na papuntang hotel kung saan gaganapin ang business event.
*Music*
“Good Evening Ladies and Gentlemen, The Real Association is welcoming all of you. I am the master of ceremony. I would like to introduce to all of you the Head of Real Corporation, Mr. Lau Ching!”
Malakas na palakpakan habang paakyat itong naglalakad papunta sa stage. Kasabay rin nito ang pagpasok ng dalawang magkapatid na sina Claudia at Clyde. Imbis na kay Mr.Ching ang tingin ng mga tao, mas nakatingin pa ito kay Claudia.
Habang naglalakad si Claudia papunta sa lamesa ng mommy nila ay nagbubulungan na ang mga tao. Rinig na rinig niya ito at nakikita niyang pinagtatawanan pa siya ng mga ito.
“Ate, hayaan mo sila, tumuloy ka lang sa paglalakad mo,” ani Clyde, nakaalalay ito sa ate niya.
Nang makaupo na sila sa mesa ay nagpatuloy na sa pagsasalita si Mr.Ching.
Pagkaupo ni Claudia ay hinanap niya na agad kung saan nakapwesto ang mag-inang si Jarrah at si Huss. Pero hindi niya ito makita dahil madilim, sa stage lang kase ang nakabukas na ilaw.
Napansin ng mommy ni Claudia na si Claire na parang may hinahanap si Claudia kaya sinita niya ito.
“May hinahanap ka ba Claudia?” pagtatakang tanong ni Claire.
“Mom? Hinahanap? Wala naman,” palusot nito.
“Pakinggan mo ang sinasabi niya. Alam kong interesado ka pagdating sa bagay na ‘to!”
Tumango lang si Claudia at makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam siya para mag-cr. Naglakad siya papuntang cr. Dala rin niya ang pouch niya para mag-retouch ng make-up.
Pagkapasok niya palang doon ay alam na niyang may hindi tama sa loob ng cr na iyon. Wala naman masyadong tao sa labas dahil lahat sila ay busy sa pakikinig kaya walang makakapansin dito.
“Ughhhh! Uhmmmm...Uuggghh! Uuggh!” ungol sa loob ng cr.
Naririndi na si Claudia at naaasar sa mga naririnig niyang iyon. Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip, malakas siyang sumigaw para matigil ang ginagawa ng dalawa sa loob.
“HOOOYYYY! WALA BA KAYONG PANG-CHECK-INNN!!” malakas na sigaw nito.
Nagmadaling lumabas ang babae sa cr. Hinawakan pa ito ni Claudia at tiningnan ang mukha.
“Kilala kita ahh! Alam ba nang nanay mo na pokpok ka!?” galit na sabi ni Claudia.
Nakayuko lumubas ang babae dahil sa hiya nito kay Claudia.
“HOYY! IKAW!? WALA KANG BALAK LUMABAS!?” patuloy na sabi ni Claudia.
Binuksan ng lalaki ang cubicle at harap-harapan ni Claudia nagsuot ng belt.
“HUSS?!” gulat na sabi nito.
Binasa ni Huss ang kamay niya at hinawi sa buhok niya. Hindi nito pinansin si Claudia palabas na sana siya nang hawakan ni Claudia ang kamay niya at pinigilan siya nito.
“Bakit ka naging ganyan! Ganyan ba ang trabaho mo? Hanggang ngayon ganyan pa rin ang trabaho mo?” ani Claudia, habang nagsasalita ito ay kita sa mga mata niya ang pangingilid ng mga luha niya.
“Hindi mo ba ko iimikin! Gaya ka rin ni Mateo na ginagamit lang ang mga babae! Ginagawang laruan!” patuloy ni Claudia.
“Please… Bitawan mo kamay ko!” ani Huss.
“Mayaman ka na, mas gwapo ka ngayon, mas maraming babae ang mapaglalaruan mo, parehas na kayo ni Mateo na may kapangyarihan para gawin ‘yan!”
“Ano bang gusto mong sabihin ko?! Gusto mo rin bang magdrama ako?! Lumalabas ngayon na hindi mo pa rin ako makalimutan, Mahal mo pa rin ako!”
“Huss, huwag mo kong niyayabangan, tandaan mo nasa akin pa rin ang video mo!”
“Ikalat mo! Mas maganda nga para sumikat ako at pag-usapan!”
“I want you back!”
“Pagtapos mo ko awayin lalambingin mo ko?”
“Hindi ko pala dapat sinasabi ‘to!”
Kinuha ni Claudia ang pouch niya at naglakad palabas. Hinarang siya ni Huss at pinunasan ang lampas na lipstick sa labi niya. Tinulak ni Claudia si Huss at naglakad paalis.
-----
Tapos na ang speech ni Mr.Ching, kausap na niya ang nanay ni Claudia na si Claire. Pagtapos mag-usap ay nilapitan ni Jarra si Claire.
“Hi Claire, kumusta na? hindi pa rin halata sayo ang pagiging matanda,” nakangiting bati ni Jarrah
“Ikaw rin, hanggang ngayon ay maganda ka pa rin, pumunta ako dito para sa business hindi para makipag-plastikan!” ani Claire.
“Nandito ako para makipagsundo sayo at humingi ng tawad sa ginawa ko,”
“Tinulungan na kita, tinulungan ka na ni Claudia, Marami na kaming tulong na nabigay sayo pero paulit-ulit kang gumagawa ng kasalanan at pinagnakawan mo pa ang hospital!”
“Claire! Baka marinig ka nila!”
“Nakakahiya di’ba? Akala mo ba yung perang ninakaw mo ay kay Martin? Kinuha ni Martin ang pera ng foundation! Tinigilan ka na niya dahil nakuha na niya kay Santi ang perang ninakaw mo!”
Sa kalagitnaan ng pag-uusap ng dalawa ay dumating naman si Claudia. Hinawakan ni Claudia ang kamay ng mommy niya ay iniwas kay Jarra.
“Anong nangyayari mommy?” tanong ni Claudia.
“Wala naman anak, nag-uusap lang kami ni Jarrah,” sagot ni Claire.
Inalalayan na ni Claudia ang mommy niya paupo at nakatingin kay Jarra. Nakangiti rin si Jarra sa kanila habang pinagmamasdan silang dalawa mag-ina.
Dumating si Huss at yumakap sa mama niya. Nakita niya na nakatingin ito kay Claudia kaya yumakap siya ulit dito.
“Nag-usap ba kayo?” nakangiting tanong ni Huss.
“Hindi anak, hayaan mo na,” ani Claire.
Habang papunta sila Jarra sa upuan nila ay nakita niyang nakatingin sa kanya si Martin at nakangiti ito. Tiningnan rin ito ni Jarra at sinuklian nito ng matamis na ngiti si Martin.
-----
Tapos na ang business event, naglalabasan na ang lahat. Kasama ni Claudia ang pamilya niyang lumabas sa hotel. Nakita niya na pasakay na sa kotse si Jarra kasama ang anak nitong si Huss.
Hinatak ni Claudia si Clyde para hindi marinig ng magulang nila ang sasabihin niya dito.
“Pahiram ako ng susi mo. May pupuntahan ako,” ani Claudia.
“Saan ka pupunta? Anong sasakyan ko?” ani Clyde.
“Sumabay ka nalang kay Mommy at Daddy! Ako nalang ang mag-uuwi nito sa bahay,”
Pagbigay ni Clyde ng susi ay nagmadaling sumakay si Claudia sa kotse. Kakaalis lang nila Jarra kaya masusundan niya pa ito.
Nasundan nga ito ni Claudia hanggang sa makarating siya sa bahay nito. Pagbaba niya ng kotse ay bumungad sa kanya ang isang malaking bahay. Pumasok na sa gate ang kotse ni Jarra.
“Ito na ang perang ninakaw nila kay chairman? Dito na sila nakatira?” bulong sa isip ni Claudia.
Pinicturan ito ni Claudia sa cellphone niya nang makuhaan na niya ito ay biglang hinablot ni Huss ang cellphone niya. Hinagis ni Huss ang cellphone niya sa sahig at tinapakan ito hanggang masira.
“Bakit mo sinira yung cellphone ko!” sigaw ni Claudia.
“Alam kong sinusundan mo kami kanina pa! Bakit mo kami sinusundan?” seryosong tanong ni Huss.
“Gusto ko lang makita yung buhay mo! Kung saan na nakitira si Mama!”
“Ha Ha.. Mama? Hindi na siya step-mom ni Mateo! Umalis ka na Claudia!”
“Aalis talaga ako Huss!”
Naririnig ni Jarra ang usapan ng dalawa. Lumabas na siya sa gate at inawat nito ang pag-alis ni Claudia.
Jarra: Claudia, pwede ba kitang makausap?
Huss: Ma?
Jarra: Huss, hindi iba si Claudia sakin at hindi rin siya iba sa’yo!
Claudia: Sa susunod nalang po na pagkikita natin.
Jarra: Nandito ka na, tumuloy ka muna.
Pumasok na sila sa loob ng bahay at habang nag-uusap sila nililibot na ni Jarra si Claudia sa bahay niya.
“Claudia, utang na loob ko sa’yo ang buhay ko. Niligtas mo ko kaya meron kang parte sa bahay na ‘to. Meron kang sariling kwarto dito, gusto mo bang makita?” nakangiting sabi ni Jarra.
“Ma? Nakakahiya naman sana hindi niyo na po ginawa ‘yun.” ani Claudia.
“That’s okay, malaki rin ang utang na loob ko sa mama mo. Kasama ko siya sa pagpapagawa nito.”
“Hindi kayo magkaaway?”
“Claudia, galit sakin ang mommy mo pero balang araw maiintindihan niya rin ang lahat.”
“Bakit ba siya nagalit sa’yo? Tsaka bakit hindi ko alam na tinulungan ka niya?”
“Claudia, mas marami kaming pinagsamahan ng mommy mo. Sa kanya mo nalang itanong kung gusto mong malaman.”
“Hindi niya sasabihin sakin ‘yon. Pwede bang ikaw nalang ang magsabi sakin?”
“Claudia, tama na ang galit. Patawarin mo na sila dahil sa nagawa nila sa’yo dahil kay Mateo. Wait, kung gusto mong makita ang kwarto mo ayon sa pinakadulong pinto nakalagay ang pangalan mo. Meron akong emergency call galing sa center aalis na muna ako,”
Hindi na ito napigilan ni Claudia at hindi rin maalis sa isipan niya ang kwarto niya sa bahay na iyon. Naglakad si Claudia papunta sa kwarto niya at nang makita niya ang pinto na may pangalan niya dahan dahan niyang binuksan ito at pumasok.
Pagpasok palang ng pinto ay makikita mo na ang sofa. Kurtina ang harang nito dahil sa likod nito ay ang kama niya. Napansin niyang may nakahiga sa kama at hinawi niya ito.
Nakita niya ang isang gwapong lalaki na walang damit pantaas. Mula paa hanggang mukha pinagmasdan ito ni Claudia. Hanggang sa makita niya ang seryosong mukha ng gwapong lalaki na nakatingin sa kanya.
“HUSSS?!” malakas na sigaw ni Claudia.
Mabilis na bumangon si Huss at bumulong sa kanya.
“Shhhhh! I miss you, Claudia,” bulong na nagpatindig ng balahibo ni Claudia mula sa mainit na hininga ni Huss.
Author’s Message:
Magandang araw sa inyo readers! Humihingi po ako ng pasensya sainyo sa matagal na paghihintay ng update sa story na ‘to (In His Arms). Kailangan ko kase na mag-relax, to make sure na maganda pa rin ang magiging takbo ng story at masiguradong ligtas ang aking kaisipan. Sana ay magustuhan ninyo ang mga susunod ko na update.
Migscreations.
Promotions:
Hi guys! Basahin niyo na ang aking iba pang story! Support niyo po ang P.T.R story ko na BLOOD ACES.
Basahin niyo na rin ang aking iba pang free and on-going story na “Sino Ang Dapat Kong Mahalin” para kiligin at ma-inlove!.
Ang “Bring Back Memories” para naman matawa, mamangha at kiliginnnn!
Follow: Migscreations