Chapter 16
Kinabukasan, maagang-maaga nagising si Claudia. Pumunta siya sa lounge ng motel para magkape. Ayun na ang daily habbits ni Claudia, nakasanayan niya na kase iyon nung naging nurse siya.
Habang nakaupo si Claudia at nagkakape ay napapansin niyang inaantok ang mga staff niyang night shift, wala pa kase ang mga kapalitan nito.
“Inaantok na kayo? Ayaw niyong magkape para labanan ang antok?” tanong ni Claudia.
“Ilang beses na po kami nagkape ganun pa rin ma’am. Hindi na po talaga kaya ng energy namin,” nakangiting sabi ng staff.
“Ganyan talaga ang night shift, naranasan ko na kase ‘yan. Bakit kase night shift ang kinuha niyo kung di niyo pala kaya,” patuloy ni Claudia.
“Ma’am, alam mo na para makapag-aral sa umaga,”
“Sige na maya-maya lang naman parating na rin yung mga kapalitan niyo. Maiwan ko muna kayo,” paalam nito.
Maagang pumasok si Mara para makausap si Claudia, dala nito ang resignation letter niya dahil aalis na siya sa motel na iyon.
Pagbalik ni Claudia sa lounge galing sa C.R ay nakita niyang nakaupo na doon si Mara. Hindi maipinta ang mukha nito dahil sa galit niya kay Claudia.
“Goodmorning! Ang aga mo naman Mara!” nakangiting sabi ni Claudia.
“Anong good sa morning Claudia? Dala ko ang resignation ko! Magreresign na ko!” galit na sabi ni Mara.
Nilapitan ito ni Claudia at tinabihan niya sa upuan pero umurong ito para makaiwas sa kanya.
“Galit ka ba sakin? Kung sa galit lang hindi ko tatanggapin ‘yan resignation mo,” seryosong sabi ni Claudia.
“Talaga? Alam mo pala yung dahilan kung bakit ako galit sa’yo? Ha Ha! Claudia, binago mo na ko eh! Pero ‘yon pa rin ang tingin mo sakin!” galit na sabi ni Mara.
“Bakit kase ang tagal mong sabihin kay Clyde kung ano ka dati?”
“Bakit pa kase kailangan sabihin ko pa sa kanya kung ano ako dati! Pvtangina ina naman! Ito na ko ngayon eh! Claudia, kung talagang kaibigan ka hindi mo na sasabihin ‘yon kay Clyde!”
“Bakit kase si Clyde!”
“Ahh kaya naman pala! Gets ko na! hindi mo ko tanggap na maging girlfriend ni Clyde dahil pokpok ako!”
Napapalakas na ang pag-uusap ng dalawa tumitingin na rin ang iba sa kanila dahil nagkakainitan na sila.
“Oo, hindi bagay si Clyde sa’yo!” patuloy ni Claudia.
“Hindi ako bagay sa kanya kase wala akong pinag-aralan? Bobo ako?” galit na sabi ni Mara.
Nag-umpisa nang tumulo ang luha ni Mara. Napaupo ito sa sofa at napayuko dahil ayaw niyang makita ni Claudia na umiiyak siya.
“Akala ko kaibigan talaga kita! Akala ko tanggap mo na ang nakaraan ko!” ani Mara.
“Pero kase si Clyde kase..”
“Mahal ko siya! Mahal na mahal ko si Clyde! Bakit? Akala mo ba may nangyayari na samin ngayon? Wala! Dahil siya lang ang lalaking rumesto sa p********e ko!”
“I’m sorry, please pag-usapan pa natin ‘to ng walang init ng ulo yung maayos,”
“Claudia, ayoko na. ito na ang huling pag-uusap natin!”
“Saan ka pupunta? Saan ka titira?”
“Wala kang pakeelam sakin! Claudia, babalikan kita!”
Umalis si Mara na may bigat sa dibdib. Umiiyak ito habang naglalakad dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Nakipag-break kay Clyde at pati na rin sa kaibigan niyang si Claudia.
Oras na nang duty ng mga pang-umaga. Nag-uuwian na ang mga pang-gabi Nakita na rin ni Claudia si Ino na nasa reception at inaayos na nito ang report niya kay Claudia.
Nakatingin pa rin si Claudia sa nakapatong na resignation letter sa mesa. Hindi kase niya matanggap ang pag-alis ni Mara at guilty pa siya sa pag-alis nito.
“Ano ‘yan Ma’am? May nag-resign? Si Huss ba?” tanong ni Ino.
“Hindi kay Mara ‘to kakaabot niya lang sakin kanina. Pumunta siya dito,” sagot ni Claudia.
“Siya rin?” tanong ni Ino na kinagulat ni Claudia.
“Anong siya rin? Sino pa yung isa? Si Huss? Umalis na siya?”
“Oo, kahapon siya nagpaalam sakin na aalis na siya. Kaya nga hindi na siya papasok ngayon eh!”
“Anong dahilan?”
“Aalagaan niya daw ang mama niya, wala daw kasing mag-aalaga sa mama niya kaya siya umalis,”
Pagkasabi ni Ino ay agad na tinawagad ni Claudia si Huss. Naka-ilang ulit na niyang tinawagan ito pero hindi ito sumasagot sa tawag niya.
“Nasaan ang resume niya? Ipakita mo sakin ngayon din mismo! Dalhin mo sa kwarto ko!” ani Claudia.
Sumunod naman agad si Ino sa utos ni Claudia at pumunta na si Claudia sa kwarto niya.
“Hindi ko manlang naamin sa kanya ang nararamdaman ko! Gusto na kita! Mahal na kita! Wala lang sayo yung halik na ‘yon?” bulong sa isip ni Claudia.
-----
“Sigurado ka ba Huss na dito ka na titira?” tanong ni Jarrah.
“Oo naman sasamahan kita kahit saan ka magpunta, poprotektahan kita sa kahit sino mang tao ang ipapadala ni chairman,” ani Huss.
Nag-uusap ang dalawa habang nag-aayos ng gamit nila. Hanggang sa kinuha na ni Huss ang isang maleta.
“Ang bigat naman nito Ma! Tulungan mo nga ko!” ani Huss.
“Kaya mo na ‘yan! Saglit lang baka kumukulo na yung sinaing ko! Maiwan muna kita!” ani Jarrah.
Nakaya naman ni Huss na buhatin iyon ng mag-isa at nang maisampa niya na ito sa higaan at binuksan niya na ito.
Pagbukas ni Huss ng maletang iyon ay nakita niya ang limpak limpak na pera at may ilang gold bar na kasama nito.
Nagulat si Huss at halos matumba na ito dahil sa pag-atras niya. Muli niya ulit itong binalikan dahil hindi siya makapaniwala sa nakita niyang iyon.
“Totoo ba ‘to! Yes, mayaman na ko!” malakas na bigkas nito.
Kinuha niya ang ilang balot ng pera at inamoy ito. Sinampal sampal niya pa ito sa mukha niya para masigurong hindi siya nananaginip.
“Anong meron anak?” tanong ni Jarrah, napakunot-noo ito sa nakita niya.
“Ma! Mayaman na tayo!” natutuwang sabi ni Huss.
“Huwag mong hawakan ang mga pera na ‘yan!”
“Bakit Ma? Hindi ba satin ang mga pera na ‘to?”
“Hindi satin ‘yan pero gagamitin natin ‘yan para yumaman tayo,”
“Kanino ang pera na ‘to?”
“Anak basta magtiwala ka lang sakin. Huwag mo na tanungin ulit ang bagay na ‘yan, magtiwala ka lang anak lahat nang gusto mo makukuha mo na,”
Natulala nalang si Huss at natigil ang saya. Lumapit sa kanya ang nanay niya at niyakap siya ng mahigpit.
-----
“Ma’am, ito na po ang resume ni Huss,” ani Ino.
“Sige, ilapag mo nalang ‘yan diyan sa mesa,” ani Claudia.
Paglabas ni Ino ay kinuha ni Claudia ang resume ni Huss at binasa ito. Hinanap niya ang pangalan ng magulang nito at nagulat siya sa nakita niya.
“Jarrah Cordon?! Si Jarrah ang nanay ni Huss?!” gulat na sabi ni Claudia.
Nang malaman iyon ni Claudia ay sinubukan niyang tawagan si Jarrah pero hindi na niya ito ma-contact.
“Saan sila nagpunta?” tanong sa isip ni Claudia.
Habang nasa kwarto si Claudia ay nasa labas naman na si Mateo kasama ang chairman at iba pang tauhan nito para halughugin ang buong motel.
Narinig ni Claudia ang ingay na iyon. Sumisigaw si Ino para awatin ito dahil kinuha sa kanya ang susi ng bawat kwarto.
“Sir! May mga guest pa po kami! Baka pwedeng mag-sched kayo ng araw yung walang guest!” pakiusap ni Ino.
“Mag-sched pa kami? May hinahanap kaming tao kailangan pa namin ng reservation?” galit na sabi ni Mateo.
Lumabas si Claudia sa kwarto niya at pagkalabas nito tumakbo agad si Ino papunta sa kanya.
“Anong meron? Bakit niyo hinahalughog yung motel ko?” ani Claudia.
“Nasaan si Jarrah!” galit na sabi ng chairman.
“Wala na siya nung nakaraan pa! Sinabi ko na sayo ‘yon Mateo di ba?” ani Claudia.
“Alam kong alam mo kung saan siya nagpunta!”
“Chairman, nalilito na nga ko kung ano yung totoo eh! Pati ako hindi ko alam kung anong nangyayari! Huwag niyo na kaming guluhin dito!”
“Itigil niyo na ang paghahanap! Tara na Mateo umalis na tayo!”
Pag-alis nila Mateo ay lumabas naman si Clyde ng kwarto niya at nadatnan niyang mahigpit ang hawak ni Claudia sa kamay ni Ino at nanginginig pa ito.
Clyde: anong nangyari ate? Sinaktan ka ba nila?
Claudia: Hindi naman.
Ino: Buti nga hindi na nila binuksan yung mga kwarto.
Clyde: Huwag ka na kase makikialam sa problema nila. Hindi ka na natahimik dahil sa kanila eh! Hayaan mo silang mag-away!
------
Nagpunta sa Mall ang dalawang mag-ina para mamili ng gamit para sa bago nilang bahay at para na rin mamili ng gamit nila pansarili.
“Anak?” ani Jarrah, akala niya kase ay katabi niya lang si Huss pero nagulat siya dahil wala ito sa tabi niya. “Saan nagpunta ‘yon?” dagdag nito.
Hindi na inintindi ni Jarrah ang anak niya dahil alam niyang pumipili na ito ng bibilhin niya. Pumunta ito sa mga gamit pang-kwarto.
Samantalang si Huss ay nasa men’s area. Pumipili ito ng brief at habang pumipili siya ay may nakasunod sa kanyang isang magandang sales lady.
“Sir? Nakapili na po kayo?” malambing na tanong ng isang babae.
“Oo, saan pwede isukat ‘to?” tanong naman ni Huss.
“S-sir? Hindi po pwedeng isukat ang underwear! Ang mga damit panlabas lang po pero yung panloob hindi po pwede sir!”
“Gusto kong isukat kasama ka!”
“Huh? Sir naman may makarinig sayo!”
“Nasaan ang fitting room! Samahan mo ko!”
Pasimpleng tumingin ang babae sa paligid niya para i-check kung may makakakita sa kanya at para rin i-check kung nandoon ang supervisor nila. Nang makita niyang okay at wala ay sumunod siya kay Huss.
Pagpasok pa lang ni Huss sa fitting room ay naghubad na ito ng pantaas na damit. Nang makita nang nasa labas na ang babae ay hinatak niya ito papasok sa loob.
Nang nasa loob na silang dalawa ng fitting room ay pinasok ni Huss ang kamay niya sa skirt ng babae at binutas ang stocking nito.
Pinasok nito ang daliri niya sa p*k* ng babae at fininger niya ito. Umuungol ang babae sa sarap na ginagawa ni Huss. Mabilis niyang nilalabas pasok ang dalawang daliri niya sa p*k* nito.
“Uggghhh…S-sir…Bilisan niyo pa!” ungol nito.
Nang matapos niya nang fingerin ang babae at pinatuwad niya ito. Pinasok niya ang ari niya sa p********e nito atsaka tinadtad ng malalakas na bayo.
“Uummnnn…uggghhh…” ungol nito.
Habang ginagawa nila iyon sa loob ng fitting room ay may nakarinig sa kanila sa labas. Isa sa mga katrabaho ng babae kaya agad na nagsumbong ito sa manager nila.
Pagkatapos nila ay lumabas si Huss sa fitting room na parang walang nangyari. Pero ang babae ay sinermonan agad ng manager nila.
“Nakakahiya ka! Paano pag maraming costumer tapos gumawa ka ng ganyan! You’rr firedddddddd!” malakas na sigaw nito.
Lumapit si Huss sa mama niya na akala mo ay walang ginawang masama. Nakangiti lang ito at nagpatay malisya.
“Anong nangyari don? May nag-aaway ba?” pagtatakang tanong ni Jarrah.
“Wala! Hindi ko alam! Tara na mamili na tayo ng higaan at mga unan. Gusto ko rin magkaron ng sofa sa kwarto ko,” ani Huss.
Agad naman silang pumunta doon at namili ng mga bibilihin nila. Pagtapos nilang mamili ay pumunta sila sa isang restaurant doon sa mall at kumain.
“Siguro ganito ka lagi nung nasa bahay ka pa ni chairman,” ani Huss.
“Alam mo Huss, masaya ako sa bahay na ‘yon nung una. Para akong reyna na lahat ng gusto ko nandyan sa harap. Lahat ng gusto ibibigay sayo ng hindi mo pinaghihirapan.” ani Jarrah.
“Maganda pala talaga ang buhay mo dun eh,”
“Pero anak binababoy niya ko. Hindi naman ako isang boldstar na pwede niyang ganunin gusto niya akong babuyin araw-araw.”
“Tama na ma,”
“Kaya anak, si Claudia ang bagay sayo. Nung may nangyari sa inyo sa kasal nila ni Mateo parang gusto ko na rin na siya ang mapang-asawa mo.”
“Ma, gusto ko si Claudia, babalikan ko siya kapag okay na tayo,”
Pag-uwi nila sa bahay nila ay ilang oras lang dineliver na sa kanila ang mga gamit na binili nila. Pagtapos ay pinagtulungan nilang mag-ina ayusin ang bahay. Pinalitan na nila ang mga lumang gamit na nakalagay dito.
Makalipas ang isang buwan ay nakabili na rin sila ng kotse nila. Sa kanila na ang bahay at may kotse na sila. Negosyo nalang ang kulang. Kaya ang ginawa ni Jarrah ay nagpatayo siya ng private center kung saan magagamit na niya ang pagiging doctor niya.
Teaser: Chapter 17 to 20
“Huss, huwag mo kong niyayabangan, tandaan mo nasa akin pa rin ang video mo!” ani Claudia.
“Ikalat mo! Mas maganda nga para sumikat ako at pag-usapan!” ani Huss.
“I want you back!”
“Pagtapos mo ko awayin lalambingin mo ko?”
Abangan..
Promotion:
Hi guys! Basahin niyo na ang aking iba pang story! Support niyo po ang P.T.R story ko na BLOOD ACES.
Basahin niyo na rin ang aking iba pang free and on-going story na “Sino Ang Dapat Kong Mahalin” para kiligin at ma-inlove!.
Ang “Bring Back Memories” para naman matawa, mamangha at kiliginnnn!
Follow: Migscreations on Dreame.