Chapter 15

2291 Words
Chapter 15 Pagkarating ni Claudia sa SC Inn ay pinuntahan niya agad ang mommy ni Mateo na si Jarrah. Pagpasok niya sa kwarto ay wala na ito doon. Wala na rin ang mga gamit nito, gaya ng swero at iba pang gamit pang gamot nito. “Saan siya nagpunta?” tanong sa isip ni Claudia. Tinignan niya ang kwarto na tinuro niya dito para paglipatan nito pero wala doon si Jarrah. Pumunta siya sa lobby para ipagtanong kung nasaan na si Jarrah, pero si Mateo ang bumungad sa kanya. “Nahanap mo na ba siya?” nakangising tanong ni Mateo. “Bakit mo ba siya pinipilit na bumalik doon sa bahay ng daddy mo!” pabulong na sabi ni Claudia. “Dahil kailangan ni Dad ng kasama. Alam kong sinasaktan siya ni Dad pero mahal pa rin siya ni Dad, Claudia, ngayon sabihin mo na sakin kung nasaan si Jarrah.” “Nandito siya Mateo, iniwan ko siya dito sa VIP room kung saan ako nagka-kwarto pero wala na siya ngayon dito. Hindi ko na alam kung nasaan siya.” “Tinago mo siya Claudia!” “Tinago ko siya, Oo! Pero wala na nga siya dito! Naghahanap din ako!” “Alam kong nandito lang siya!” Tinulak ni Mateo si Claudia dahil pinipigilan siya nitong makapasok sa VIP room at sa iba pang kwarto sa motel. “Meron mga tao na naka-check-in Mateo! Mag-isip ka nga! Kung bubuksan mo lahat ng pinto na ‘yan maiisturbo mo sila!” “Wala akong pakeelam kung maisturbo ko sila! Importante yung taong hinahanap ko!” Napayuko nalang si Claudia at dinukot ang cellphone niya para tawagan si Jarrah. Habang tinatawagan niya ito ay nakasunod siya kay Mateo. “Nasaan ka na ba Ma! Bakit ganito ka hanapin ni Mateo? Ano bang nangyayari? Ano bang ginawa mo!” sa isip ni Claudia. -------- “Huss! Ano ba? Saan mo ba ko dadalhin? Nandito na tayo sa 5th floor(Last floor ng motel)” reklamo ni Jarrah, hinihingal na kase ito dahil sa fire exit sila dumaan ni Huss. “Ma, ang importante hindi ka makikita ni Mateo. Dumito ka muna sa kwartong ‘to. Ikaw lang ang nandito, huwag kang lalabas titingnan ko lang si Claudia kung nasa baba na siya,” ani Huss. Pumayag naman si Jarrah at sumunod sa bilin ni Huss. Bumaba si Huss ng 5th floor habang si Claudia at si Mateo ay nasa 3rd floor na. Gumamit si Huss ng elevator para mabilis na makababa at ang elevator ay huminto sa 3rd floor. Pagbukas ng elevator ay nakita ni Huss ang dalawa na papasok ng elevator. Nanlaki ang mata ni Claudia at halos pigil pa ang pagsakay niya sa elevator pero ayaw niyang makita ni Mateo na ganon ang nararamdaman niya. Tahimik ang elevator kaya nagulat ang dalawa ng biglang humalakhak ng tawa si Mateo. Tumingin siya kay Huss ng masama at pati na rin kay Claudia. “Long time no see Crew! Nice to meet you again!” nakangiting sabi ni Mateo kay Huss. “Crew? Hindi siya crew, housekeeping siya ng motel na ‘to!” ani Claudia. “Oww.. I thought he was the luckiest. Pero, hindi mo na siya maalala,” natatawang sabi nito. Pagbukas ng elevator ay nasa fifth floor na sila. Akala ni Claudia ay hindi lalabas si Huss ng elevator nagulat siya ng sumunod pa ito sa kanila. “Hindi mo ba gagawin ang trabaho mo? Si Boy ang nakatoka sa third floor hanggang fifth. Sa ground at second lang area mo. Anong gagawin mo dito?” seryosong tanong ni Claudia. “Sorry po ma’am, bababa na po ako,” ani Huss, saka bumalik sa elevator at bumaba. Binalik ulit ni Claudia ang tingin niya kay Mateo. Nakita nito na bukas na ang ibang kwarto. Wala naman tao ang buong fifth floor dahil maaga pa kaya wala itong maiisturbo. Si Mateo ang nagbubukas ng kwarto at si Claudia naman ang nagsasara nito. Ang pagdating sa pinakadulong kwarto ay naka-lock na ito. “I got you!” ani Mateo. “Huh? Anong sabi mo?” ani Claudia. “Nasaan ang susi ng kwarto na ‘to? Nandito siya.” “Pano mo naman masisiguro na nandyan talaga siya?” “Buksan natin, kaya nga nasaan ang susi ng kwarto eh!” Tinawagan agad ni Claudia ang manager na si Ino para ipahanap si Huss, pero hindi nila ito makita. “Nasaan ka Huss? Tinulungan mo ba si Mama?” bulong sa isip nito. “Hoyy! Ano na?! nasaan na yung susi? Ang tagal naman oh!” “Maghintay ka! Busy lahat ng tao dito!” Ilang saglit lang ay nandoon na agad si Huss at binigay ang susi sa kanila. Pagbukas ni Mateo ng pinto ay nakita niyang nandoon si Mara. Tulog ito nagising dahil sa ingay nila. “Bakit nandito ka Mara? Di ba dapat nasa kusina ka? Bakit ka natutulog dito?” ani Claudia. “Ma’am, hindi po kase ako makatulog sa gabi nasanay po kase ang katawan ko. Hayaan niyo po sasanayin ko na ang katawan ko na sa gabi ang tulog,” paliwanag nito. Napapakamot ng ulo si Mateo at tinatawagan na rin nito si Jarrah. Pagtingin ni Claudia sa labas ay wala na doon si Huss. Pagsilip niya sa hallway ay nahuli niyang may tinutulak na tao si Huss na nakaupo sa wheelchair at papasok ito ng elevator. “Si Mama! Anong meron sa kanila ni Huss? Bakit siya tinutulungan ni Huss?” tanong sa isip ni Claudia. Lumapit sa kanya si Mateo at tinapik ang balikat niya. “Nice one! Ikaw pala ang boss ng mga bayaring tao!” nakangiting sabi ni Mateo. “Kanina ka pa! sino ba ang tinutukoy mo? Ano bang problema mo? Si Mara?” ani Claudia. “Malalaman mo rin Claudia, hindi lang siya, mauna na ko! Balitaan mo nalang ako kay Mommy!” paalam nito. Bumaba si Claudia at pumunta ulit sa VIP room. Pagpunta niya doon ay naabutan niyang nandoon na si Jarrah kasama si Huss. “Anong relasyon niyo?” ani Claudia, nagulat ang dalawa sa kanya. “Nagpatulong lang ako sa kanya Claudia, sinabi mo kase sakin na pumunta ako sa kabilang kwarto, hindi ko naman kaya ng mag-isa at siya lang yung nandiyan para hingian ko ng tulong,” paliwanag ni Jarrah. “Sorry, sige na Huss, iwanan mo na kami dahil may pag-uusapan kaming dalawa,” Sumunod naman si Huss. Paglabas ni Huss ay lumapit si Claudia kay Jarrah para kausapin ito ng maayos. Paglapit ni Claudia ay nanginginig itong yumakap sa kanya. “Natatakot na ako Claudia, ano mang oras pwede nila halughugin ang motel mo para hanapin ako! Claudia, tulungan mo ko na makaalis dito at lumipat sa lugar na malayo,” ani Jarrah. “Sige, gagawin ko kung saan ka mas komportable.” “Ayokong ihatid mo ko, gusto ko na ako lang mag-isa ang aalis. Nahihiya na ko sayo.” “Hindi pwede dahil may sakit ka pa.” “Magaling na ko Claudia, kaya ko na.” “Hindi mo na ba ako tutulungan kay Mateo? Hindi mo na ba ko tutulungan na mapakulong siya?” Yumuko si Jarrah at nag-umpisa ng tumulo ang luha niya. Nagtaka na si Claudia at ngumiti nalang dahil tanggap na niya na hindi na nito kayang tulungan siya. “Kailan niyo po ba gusto umalis?” tanong ni Claudia. “Sorry, Claudia, ipapangako ko sayo na kapag kaya ko nang lumaban tutulungan kita.” Sagot ni Jarrah. ------ “Dad, wala nga si Mom doon sa motel ni Claudia, pumunta ako don at hinanap ko siya!” paliwanag ni Mateo sa tatay niyang galit. “Alam kong nandoon lang siya! Saan siya pupunta? Wala naman siyang ibang pupuntahan kundi doon lang!” galit na sabi nito. “Umupo ka muna Dad, magpahinga ka muna.” “Hindi ako pwedeng magpahinga, dahil pera mo ang hawak niya Mateo!” Kinuhaan muna ni Mateo ng tubig ang daddy niya at pinainom ito para makapag-relax. Hindi kase ito mapakali sa perang binigay niya kay Jarrah at sa perang kinuha rin nito sa kanya. “Ikaw, Mateo, bakit ganyan ang hitsura mo? Dahil ba kay Claudia?” tanong ni Martin. “Dad, nagtataka na kase ako kay Claudia, tinulungan niya yung babaeng pinunta ko sa motel niya, binigyan niya ng maayos na trabaho at naaalala mo ba yung lalaking naka-s*x niya sa kasal namin? Nandoon din ‘yon sa motel niya at di niya maalala.” “Huh?! Y-yung creww?” gulat na sabi nito. “Bakit Dad? Anong problema?” “Nandoon si Jarrah! Nandoon siya at anak niya ang lalaking ‘yon!” “Ano??” Tinawagan agad ni Mateo si Claudia ng malaman niya ang balitang iyon galing sa daddy niya. Pero kasalukuyang inaasikaso ni Claudia ang pag-alis ni Jarrah kaya hindi niya ito sinasagot. “Sagutin mo Claudia! Sagutin mo na!” naiinis na bigkas nito. Biglang lumabas ng pinto si Mateo at nagmadaling umalis. Nagulat din ang daddy nito sa ginawa niyang pag-alis. “Saan ka pupunta?” pahabol na tanong nito, pero hindi na siya nito sinagot. ------- “Ma, mag-ingat po kayo sa pag-alis,” ani Claudia, kasabay ng mahigpit na yakap nito. “Mag-iingat ka rin Claudia, babalikan kita, pangako babalikan kita,” paalam ni Jarrah. Sumakay na ito ng taxi at kumaway na si Claudia dito. Pag-alis na pag-alis ng taxi ay bigla naman dumating si Mateo. “Nasaan na si Mommy! Nasaan na siya!” sigaw ni Mateo. “Wala na siya kakaalis lang niya!” ani Claudia. “WOAAHHHHH!! NINAKAW NIYA ANG PAMANA SAKIN NI DAD!!” “A-ANO?!” Natulala si Claudia at hindi na alam kung sino ang paniniwalaan niya sa magkabilang panig. Hindi niya aakalain na gagawin iyon ni Jarrah sa chairman at lalong hindi niya ito matanggap dahil pinagkatiwalaan niya ito. “Nasaan yung crew? Nasaan yung crew!” tanong ni Mateo. Hindi na iyon sinagot pa ni Claudia, umiiyak siyang tumakbo sa kwarto niya para kunin ang susi ng kotse niya at sundan si Jarrah. “Saan ka pupunta Claudia? Sagutin mo muna ang tanong ko! Nasaan si Mommy?!” pangungulit sa kanya ni Mateo. “Hindi ko alam! Hindi ko na alam kung sino sa inyong dalawa ang nagsasabi ng totoo!” ani Claudia, at sumakay na sa kotse niya. Pag-alis ni Claudia ay hinawi lang ni Mateo ang luha niya at saka humalakhak ng tawa. Nakita niya si Clyde na galit at papalapit sa kanya, kasama ang girlfriend niyang si Mara. “Anong ginagawa mo dito? Umalis na si Ate, bakit di ka pa umalis?” ani Clyde. “Ikaw ‘wag mo kong inaangasan ng ganyan ah! Hindi na ko nakikipaglaro!” ani Mateo, lumapit ito kay Clyde at bumulong. “Masarap ‘yan!” anito at umalis. “YAAAHHHH!!” sigaw ni Clyde. Bigla niyang binitawan ang kamay ni Mara at pumasok sa loob ng motel. Nakayukong naglalakad si Mara dahil iniwan siya ni Clyde. Sinundan niya ito at tinabihan sa inuupuan nito. “Galit ka ba sakin? Nung nakaraan mo pa kase ako ginaganito eh, may nagawa ba ko?” tanong ni Mara, nangingilid ang mga luha nito. “You look like an angel, you’re beautiful inside and out, I like you and I love you so much, but, there’s one thing i want to ask you. Are you a w***e? A b***h at night and had s*x with different man in each day?” ani Clyde. “Hindi ko maintindihan, Clyde,” “Pokpok ka ba? Nakikipagsex sa iba’t ibang lalaki araw-araw? Bayarang babae?” “Oo! Proud ako sa sarili ko na ganun ako noon! Nakakahiya ngayon at pinagsisisihan ko ang bagay na ‘yon sa buong buhay ko!” “Edi totoo ang sinasabi ni Ate!” “Si Claudia ang nagsabi? Okay na rin, atleast alam mo. Ngayon nalaman mo na? mahal mo pa rin ba ako? Halata naman hindi na dahil nandidiri ka na sakin!” “I still love you… if it’s not true,” “Pero totoo ngang ganun ako eh! Edi hindi na? huwag mo na kong ginagawang tanga Clyde! Pa-english english ka pa! hindi ko maintindihan dahil wala akong pinag-aralan! Ako, hindi mo na ko mahal. Pero ako aalis ako sa harap mo na mahal pa rin kita! Hindi magbabago ‘yon,” “Tapusin na natin ‘to!” “Ganun nalang kadali sabihin? Sige, tapusin na natin ‘to, Clyde, bago ka maglakad palayo gusto ko lang sabihin na ikaw ang first love ko, ikaw lang ang tanging lalaki na gumalang sa p********e ko.” Nakatayo si Clyde at nakatalikod sa kanya pero pinapakinggan siya nito. Tumayo siya at yumakap kay Clyde. Nang ialis na ni Clyde ang pagkakayakap niya ay naglakad na ito palayo sa kanya. ------- Hindi na nasundan ni Claudia si Jarrah, hindi niya na rin pinilit pang habulin ito at hanapin dahil alam niyang imposible pang maabutan niya ito. “Ma, naniniwala pa rin ako sayo, alam kong hindi mo kayang magnakaw ng pera sa pamilya ni chairman. Sila dapat ang managot sa mga kalaswaan na ginagawa nila sa mga babae ng hospital, hindi ikaw! Sisiguraduhin kong makukulong na sila!” Teaser: Chapter 17 to 20 Paglipas ng taon magkakaron ng bagong buhay si Huss at si Jarrah, magpapakilala na sila sa maraming tao na mag-ina sila. Malalaman na ni Claudia na si Huss ang lalaki sa kasal niya. Matatanggap kaya siya ni Claudia? Mamahalin pa kaya siya ni Claudia? Abangan.. Promotions: Basahin niyo po ang story kong Blood Aces, Sino Ang Dapat Kong Mahalin, at Bring Back Memories.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD