Chapter 14
-----
“Huss, ito ang isusuot mo sa kasal ni Mateo.” ani Jarrah, habang hawak ang coat na binili niya para dito.
“Kailangan ba talaga na pumunta doon sa kasal na ‘yon?” nakasimangot na tanong nito.
“Oo! Ito ang pagkakataon na ipakilala kita kay Mateo at sa asawa ko na anak kita. Baka bigyan ka pa nila ng trabaho kung sakaling makilala ka nila.”
“Sige, iwan mo diyan ang damit.”
“Aasahan ko na makakapunta ka.”
Umalis na si Jarrah at lumapit naman si Huss sa kama para kunin ang damit na isusuot niya sa kasal. Inangat niya ito at pinatong sa katawan para makita kung bagay ba ito sa kanya.
Isinuot na niya ang damit at nag-ayos dahil late na rin siya sa kasal na iyon. Tapos na ang kasal noon ang pupuntahan niya nalang ay ang handaan para doon siya ipakilala ng nanay niyang si Jarrah.
Pagkarating niya roon ay mahaba ang pila sa entrance at hinahanapan ang mga ito ng invitation. Walang invitation na binigay si Jarrah kay Huss kaya tinawagan niya ito.
Halos ilang beses niya ng tinawagan ang nanay niya pero hindi ito sumasagot. Nakita ni Huss ang mga papasok na crew kaya hinarang niya ang mga ito.
“Saan kukuha ng uniform?” tanong ni Huss.
“U-uniform?? Bakit? Crew ka ba?” pagtatakang tanong nito.
“Oo, late lang ako ng dating.”
“Nako! Bilisan mo! Tara na! Ang dami nang tao sa loob!”
Nagmadali ito papunta sa CR para magpalit ng pang-crew na damit. Nang makapagpalit na siya ay agad siyang pumunta sa party para magpakita sa nanay niya.
Pagkarating doon ay inabot sa kanya ng isang crew ang tray at inutusan siya nitong dalhin ito sa kusina kaya hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makalapit dito.
Nagtataka na rin si Jarrah at tumitingin ito sa paligid para tingnan kung nandoon na si Huss. Ilang beses niya na rin itong tinawagan pero hindi rin siya nito sinasagot
“Okay ka lang ba? May hinihintay ka ba?” tanong ni Martin.
“Wala naman tinitignan ko lang yung ayos ng venue. Ang ganda kase,” sagot nito.
Nasa kalagitnaan na sila ng party pero hindi pa rin niya nakikita si Huss doon sa event. Hanggang sa makita niya ang isang crew na may dalang wine at papalapit na ito sa kanila.
Namukhaan ito ni Jarrah, nagulat siya na si Huss pa ang nagdala ng alak sa kanila. Nagkatinginan sila ni Huss pero agad siyang umiwas ng tingin dito dahil baka mahuli siya ng asawa niya.
Pagtapos mag-serve ni Huss ay bigla naman tumayo si Claudia at sinundan niya ito. Tumayo rin si Jarrah para sundan niya rin si Huss at nang masundan niya ito ay nakita niyang papasok na sa guest room ang dalawa.
“H-Huss?? Bakit ka sumama sa kanya!” aniya.
Bumalik siya sa party at nakita niyang pumupunta na ang ibang guest sa harap ng pinto ng guest room. Hawak nito ang cellphone nila at bukas ang camera para makuhanan ito. Sinundan ni Jarrah ang mga papunta rito para awatin ang mga kumukuha ng video dito.
“Tama na! Itigil niyo ‘yan! Patayin niyo ‘yan!” sigaw nito.
Nag-init pa lalo ang ulo niya nang marinig niya ang malalakas na ungol ni Claudia galing sa loob ng kwartong iyon.
“Huss, ano ba ‘tong pinasok mong gulo!” bulong sa isip nito.
Pagtapos ay lumabas na si Huss sa kwarto at pinagtinginan pa siya ng mga tao na nasa labas nito. Nandoon na rin si Mateo at sinundan ni Jarrah si Huss para kausapin ito.
“Ano bang ginagawa mo Huss! Ano na naman ‘tong gulong pinasok mo!” galit na sabi ni Jarrah.
“Pinapunta mo ko dito na wala ka manlang binibigay sakin na invitation! Nagpanggap akong crew para makapasok at makita ka pero wala kang ginawa nung nakita mo ko! Hindi mo ko pinansin!” ani Huss.
“Ahh..kaya ka nagpapansin! Sa asawa pa ni Mateo!”
“Ipapakilala mo ba ko sa kanila? Hindi na di ba? Kinakahiya mo kase ako!”
“Huss!!” sigaw ni Jarrah, para awatin si Huss sa pag-alis.
Umiiyak si Huss habang tumatakbo dahil nasasaktan siya kapag pinapamukha sa kanya ng nanay niya na kinakahiya siya nito. Tumatawa dahil sa saya na naiganti niya ang nanay niya sa pamamagitan non.
“Babalikan kita! Aagawin kita kay Mateo!” bulong sa isip ni Huss, habang tumatakbo ito.
Kinagabihan, pinuntahan ni Jarrah si Huss sa condo na tinirahan nito. Pagkarating ni Jarrah ay nadatnan niyang tulog at nakahubad ang pantaas na damit ni Huss kaya hinagis niya ang damit sa katawan nito.
“HUSS! GUMISING KA!” sigaw nito at nagising naman si Huss.
“Bakit ba, Ma! Bakit nandito ka?” anito, habang kinukuskos ang mata.
“Hindi ka na ba nahihiya sa sarili mo? Nagawa mo pa yung bagay na ‘yon?”
“Nakakahiya naman talaga ako eh di ba? ‘yon ang totoo at ‘yon ang paulit-ulit niyong pinapamukha sakin!”
“Oo dahil ganun ka! Magpakatino ka na Huss! Tumatanda ka na kailangan mo ng maghanap ng magandang trabaho!”
“Aalis na ko sa condo niyo! Ayoko ng maging pabigat pa sa inyo!”
“H-Huss?? Hindi! Hindi ka pwedeng umalis! Saan ka pupunta? Wala kang ibang titirhan hindi ka ba nag-iisip?”
“Ma, wala naman kayong believe sa kung anong meron ako eh, kasalanan ko bang pinanganak mo kong ganito? Wala tayong marangyang buhay kaya nag-asawa ka ng mayaman!”
“Anak, binibigay ko naman lahat ng gusto mo ah!”
“Pera mo ba ‘yon? Di ba pera ‘yon ng lalaking ayaw mo hiwalayan kahit binubugbog ka na at binababoy?”
“Huss!” sigaw ni Jarrah, kasabay ng malakas na sampal kay Huss.
Kinuha ni Huss ang mga gamit niya, habang nag-aayos ito ng gamit ay nagsalita ang nanay niya na nagpahinto sa ginagawa niyang iyon.
“Kilalanin mo si Claudia, Hindi siya karapat-dapat sa lalaking ‘yon! Huss, ikaw ang unang lalaki na nakagalaw sa kanya. Hindi ka makakalimutan ni Claudia.” Anito, saka umalis.
Ang pagbabalot na iyon ni Huss ay tuluyan ng nahinto dahil inisip niya si Claudia. Iniisip niya kung paano niya ito muling makikita.
-----
“S-si Claudia ang tumulong sayo?” tanong ni Huss.
“Oo..siya ang tumulong sakin..nakilala mo na ba siya? Nagustuhan ka ba niya? Bakit ka nandito?” sunod-sunod na tanong nito.
Tumakbo si Huss palabas para puntahan si Claudia sa reception. Nang makarating siya doon ay hindi niya nakita doon si Claudia.
“Nasaan kaya siya? Saan siya nagpunta?” bulong sa isip nito.
Nang paglingon sa likod niya ay nakita niya si Claudia na naglalakad papalapit sa kanya. Hindi na niya naalis ang tingin niya dito hanggang sa makalapit ito sa kanya.
“Hinahanap mo ba ko?” malambing na tinig nito.
“Uhmm..Oo..” ani Huss, napayuko ito dahil sa hiya.
Nakatingin na ang iba sa kanila, si Ino, ang mga staff, maging ang kapatid nitong si Clyde. Hinawakan ni Claudia ang mukha ni Huss at hinarap ito sa kanya.
“I’m ready..i’m ready to open my heart with someone..and I think it’s you.” Ani Claudia.
Nilapit ni Claudia ang mukha niya at hinalikan si Huss sa harap ng maraming tao at nagulat ang lahat ng ito sa ginawa niya. Binalikan din ito ni Huss ng halik hanggang sa magpalakpakan ito sa kanila.
“You’re fired,” ani Claudia, pagtapos niya itong halikan.
“Huh?!” pagtataka nito.
“Bawal ‘to nasa rules natin ‘to! Kaya fired ka na!”
“Ikaw ang gumawa sakin nito! Hinalikan mo ko!”
“Pero hinalikan mo rin ako!”
“Siyempre hinalikan mo ko eh!”
“Dahil boyfriend na kita!”
“Boyfriend mo na ko?”
“Oo, hindi mo ba narinig?”
“Mas gusto ko magtrabaho kaysa maging boyfriend mo!”
“Mas gusto kita maging boyfriend, kaysa maging boss mo!”
“Pero-
“Enough!”
“Hindi ikaw ang masusunod Ma’am Claudia! Hindi ako aalis sa trabahong ‘to!”
“Sabi mo ikaw ang masusunod di ba? Kung ‘yan ang gusto mo edi okay. Basta umamin na ko sayo na gusto kita.”
Pumunta si Claudia sa parking lot. Aalis kase ito at uuwi na siya sa bahay nila ni Mateo. Pero sinundan siya ni Clyde, galit ito dahil sa ginawa na naman ni Claudia.
“Ano na naman ‘to ate? Are you crazy? Hinalikan mo yung housekeeping?”
“Clyde! Ikaw ba hinusgahan kita nung pinatulan mo si Mara na isang assistant lang?”
“But, we’re at the same level! You’re the boss! And Huss is just a housekeeping!”
“Nakatingin ka lang kase sa kung anong posisyon ng tao! Hindi mo nakikita yung pagkapantay-pantay natin! Hindi mo pa kilala si Mara. Baka mamaya pag nakilala mo na siya i-judge mo na rin siya!”
“I know! But, I’m not that kind of person! Hindi ako judgemental! Gusto ko lang yung lalaking deserving!”
“Lahat ng lalaki o kahit anong gender pa niya! Deserving sila basta mahal mo!”
“Ganun nalang ‘yon ate? Pinapalabas mo sakin na mali ako? Pinapalabas mo na masama ako?”
“Hindi! Pero gusto kong malaman mo na pokpok si Mara bago siya mapunta dito! She had s*x with Mateo!”
“W-what?!”
Sumakay na si Claudia sa kotse niya para hindi na siya muling tanungin ni Clyde tungkol kay Mara. Bago umalis ito ay tumingin muna siya sa side mirror at nakita niyang umiiyak si Clyde.
“Hindi pa pala inaamin sayo ni Mara kung ano siya,” ani Claudia atsaka umalis.
Pagkarating niya doon ay nakita niya ang kotse ni Mateo doon. Nagtaka agad si Claudia dahil hindi pumasok sa trabaho si Mateo. Pagpasok niya ay sinalubong agad siya ni Mateo ng sampal.
“Anong ginawa mo kay Dad! Nasaan si Mommy?” galit na sabi ni Mateo.
“So? Ako pa ang mali? Tumulong lang ako sa ginawa ng daddy mo kay mama! Muntik ng mamatay si Mama dahil sa ginawa ng daddy mo!” paliwanag nito.
“Nasaan siya?! Saan mo dinala si Mommy?”
“Bakit ko naman sasabihin sayo? Pa’no kung sabihin mo sa daddy mo kung nasaan siya? Edi mapapahamak na naman siya?”
“Wala kang alam Claudia! Problema ng pamilya namin ‘to!”
“Ikaw ang walang alam sa ginagawa ng daddy mo! Kung nakita mo lang ang ginawa niyang iyon maaawa ka sa kanya!”
“Alam ko..alam ko ang ginagawa ni Daddy kay Mommy!”
“Ahh, normal nalang sainyo kase babae? Oo nga pala noh? Sanay na pala kayong manakit ng babae!”
“Sabihin mo na kung nasaan siya!”
“Aalis na ko sa bahay na ‘to!”
“Hindi pwede! Sabihin mo muna sakin kung nasaan siya!”
“Wala kang malalaman sakin! Hindi ko sasabihin kung nasaan siya!”
“Hindi mo sasabihin?”
Lumapit si Mateo sa pinto at ni-lock niya ito para hindi makalabas si Claudia. Sinara niya rin ang mga bintana pati ang kurtina nito. Nagtaka agad si Claudia at kinabahan sa gagawin sa kanya ni Mateo.
“Anong ginagawa mo?” kabadong tanong ni Claudia.
“Sabihin mo na bago ko pa tuluyang gawin ‘to sayo!” ani Mateo.
“Tingin mo natatakot ako sayo? Kahit isara mo lahat at patayin pa yung ilaw. Hindi ako natatakot sayo!”
Nilapitan ni Mateo si Claudia at hinablot ang buhok nito. Kinaladkad niya ito papunta sa kwarto. Alam na ni Claudia kung anong meron sa loob ng kwarto na iyon kaya nakahanda na siya.
Pagpasok sa kanya sa kwarto na ‘yon ay tinulak siya nito sa upuan. Bumalikwas naman agad si Claudia ng tayo at naghanap agad sa paligid ng panghampas.
Nang makakita na siya ay mabilis niyang pinuntahan ito pero nakuha rin ni Mateo iyon kaagad.
“Ano? Maghanap ka ng panghampas sakin! Ha Ha! Alam ko naman na mahina ka!” natatawang sabi ni Mateo.
“Mahina?” kinuha ni Claudia ang sapatos niyang matulis ang takong at pinukpok sa ulo ni Mateo.
“Arghhhh! ARAY KO! MASAKIT!” sigaw nito habang hawak ang ulong dumudugo.
“Iyan pa lang ‘yan Mateo umiiyak ka na! Sino ngayon satin dalawa ang mahina?”
“Ha Ha…Claudia, nakaisa ka lang!”
“Mateo! Hindi mo ko dadalhin dito kung malakas ka! Dalhin mo ko sa kusina para magsaksakan tayong dalawa!”
Lumabas si Claudia sa kwarto iyon at kumuha ng kutsilyo sa kusina. Sinundan naman siya ni Mateo pero hindi na ito nakakuha ng kutsilyo dahil hawak ni Claudia ang lalagyanan nito.
“Ano! Subukan mong lumapit sakin! Aalis ako dahil gusto ko!” ani Claudia, habang nakatutok ang kutsilyo kay Mateo.
Habang umaakyat si Claudia sa kwarto nila ay nakatutok kay Mateo ang kutsilyo. Nang makapunta na siya kwarto niya ay agad niyang sinara ito at nag-impake ng damit.
Paglabas niya ng kwarto ay nakaupo nalang si Mateo sa sofa. Bukas na ang lahat ng bintana at pinto. Nakatutok pa rin kay Mateo ang kutsilyo habang palabas siya.
Pagsakay niya ng sasakyan ay umalis siya agad, pero napansin niya sa kalagitnaan ng pagda-drive niya na sinusundan siya ni Mateo.
“Ma! Sinusundan ako ni Mateo! Umalis ka na sa kwarto pumunta ka ibang kwarto! Bilisan mo!” ani Claudia, habang kausap si Jarrah sa cellphone.
Binaba agad ni Claudia ang tawag at nag-umpisa ng mag-alala ito.
“Si Claudia! Huss! Si Claudia, hindi maganda ang lagay niya!” ani Jarrah, kasama nito si Huss sa kwarto.
Fb: Migscreations Story
Dreame: Migscreations
Wattpad: Migs_Creations