Chapter 13

2338 Words
Chapter 13 Malabo ang paningin at malabo ang pandinig ni Jarrah. Naririnig niya ang sigaw ng isang babae at naaaninagan niya rin ito. Mga ilang segundo lang ay nailabas niya ang tubig at mahigpit na niyakap si Claudia. “MAAA! Ma? Ma anong nangyari? Bakit ka niya nilunod?” tanong ni Claudia, habang yakap niya ng mahigpit ang mommy ni Mateo. Hindi nagsalita si Jarrah at matamlay pa ito, kailangan niya ng pahinga at maluwag na paghinga dahil kulob sa loob ng CR. Tiningnan ni Claudia kung nasa labas pa ang chairman. Pagbukas ni Claudia ng pinto ay bigla itong binalya ng malakas ng Chairman. Tumilamsik si Claudia papasok ng CR at nadapa. Pagpasok ng chairman sa loob ng CR ay hinawakan niya sa buhok si Jarrah at kinaladkad palabas ito. Hindi nakakilos agad si Claudia dahil sa naramdaman niyang sakit pagkakatalsik niya. Naririnig niya pa ang malalakas na iyak ni Jarrah, hindi pa ito nakakalayo. Dahan-dahan na tumayo si Claudia at kinuha nito ang pang-pump ng CR para gawin panghampas kay Martin o ang chairman. Paglabas ni Claudia ng pinto ay mabilis siyang tumakbo para habulin ang chairman at ipagtanggol ang mama niya. Nang makalapit na si Claudia kay Martin ay bigla niyang hinampas ng malakas sa ulo ang chairman at nabitawan naman nito ang pagkakahawak niya sa buhok ni Jarrah. Nang makawala na si Jarrah ay gumapang ito papalapit kay Claudia, gayun din si Claudia. Lumapit siya kay Jarrah para yakapin ito at gawin pansalag ang kanyang sarili sa ano man gawin ulit sa kanila ng chairman. “Ma! Huwag kang manghihina! Lumaban ka! Dadalhin kita sa hospital!” umiiyak na sabi ni Claudia. “Claudia, iligtas mo ko! Ililigtas din kita!” ani Jarrah, hanggang sa nawalan na ito ng malay. Sinalo ni Claudia ang ulo ni Jarrah dahil babagsak ito.Pero, muli niya itong nabitawan dahil sa biglaang paghalbot ni Martin ng buhok niya. Tumayo na si Claudia at tinulak ang chairman. Pagtulak niya dito ay sinampal niya ito ng malakas. Sa lakas noon ay halos magising na sa katotohanan si Martin dahil natulala ito. Lumapit si Claudia kay Jarrah at muling pinasan ito sa likod niya. Nakatulala lang sa kanila si Martin, hinayaan nalang sila nito at pinapanood hanggang sa pag-alis nila. Nang maisakay na ni Claudia si Jarrah sa kotse niya ay agad niyang sinugod ito sa hospital. Habang nakasakay sila sa kotse ay mahigpit na nakakapit si Jarrah sa braso ni Claudia. Nang makarating sila sa hospital ay inasikaso naman sila agad ng mga staff nito. Nang makita ni Claudia na nagpapahinga na si Jarrah ay iniwan niya na ito at umuwi. Pagkarating niya sa bahay ay tulog si Mateo sa sala at naiwan nito ang cellphone niyang bukas sa tabi niya. Dahan-dahan na lumapit si Claudia doon at para tingnan ito. Nakita niya na nakailang beses na pala itong tumawag sa mommy niya. “Ano bang alam mo tungkol sa ginagawa ng daddy mo sa mommy mo? May alam ka ba Mateo?” bulong sa isip ni Claudia, habang pinagmamasdan ang tulog na si Mateo. Kinabukasan, maagang umalis si Claudia sa bahay nila ni Mateo para puntahan ang mama niya sa hospital. Ayaw kase ni Claudia na ipaalam kay Mateo ang nangyari sa mommy niya. Kahit na naka-swero pa ay nilabas na agad ito ni Claudia sa hospital. Tinulungan naman siya ng mga staff nito para madala niya ito sa SC Inn. Habang nakasakay sila sa ambulansya ay nakayakap pa rin si Jarrah kay Claudia. Hinihimas naman ni Claudia ang likod nito para maging kalmado. “Saan mo ko dadalhin?” tanong ni Jarrah. “Sa SC Inn, sa motel ko! Doon po Ma. Mas safe kayo at hindi na kayo masasaktan ni chairman,” sagot ni Claudia. “Hindi. Ayoko sa lugar na ‘yon! Iuwi mo ko sa bahay ko! Wala nang mag-aalaga kay Martin!” “Hanggang ngayon inaalala niyo pa rin siya? Bakit Ma! Muntik ka nang mamatay dahil sa lalaking ‘yon!” “Mahal na mahal ko si Martin..Mahal ko siya Claudia, kahit na anong gawin niya sakin!” nakayuko at umiiyak na sambit nito. “Ma..hindi niya kayo mahal!” “Mahal niya ko!” “Hindi nga!” “M-Mahal..Ahh..Claudia.. hindi ko kayang hindi siya makasama sa buhay ko!” “Kaya mo ma! Kakayanin mo! Sabi mo di ba ililigtas mo rin ako pag niligtas kita,” Nakayakap nalang ng mahigpit si Jarrah kay Claudia, habang umiiyak kasabay ng paghikbi nito. Naiiyak rin si Claudia pero ayaw niyang ipakita dito na naiiyak rin siya. Pagkarating nila sa SC Inn ay dinala na ng mga nurse sa VIP room kung saan nagku-kwarto si Claudia, ang mommy ni Mateo. Inayos na nila lahat bago nila iwan ito. Iniwan na muna ni Claudia si Jarrah sa kwarto niya para bigyan ito ng oras para mas makapagpahinga pa. Nasa Lounge muna si Claudia at nakikipag-usap kay Ino. “Seryoso ka ba diyan? Tatagal siya dito? Nako po!” gulat na sabi nito. “Oo nga, Ino! Seryoso ako, sasaktan na naman ng lalaking ‘yon si Mama kapag bumalik siya don!” ani Claudia. “Alam mo nakakahalata na ko sayo! Mahal mo na si Mateo noh?” “Hindi ko mamahalin si Mateo kahit kailanman!” “Eh bakit tinutulungan mo pa ang mama niya?” “We have a strong connection. Tutulungan niya ko, Ino!” “Ha Ha! Tutulungan? Gaga ka! Nanay ni Mateo ‘yan! Hindi niya kaya saktan yung sarili niyang anak! Hibang ka na ba? Sino bang ina ang hahayaan na mapahamak ang sarili niyang anak?!” Natulala si Claudia sa sinabi na iyon sa kanya ni Ino. Maaring tama kase ang lahat ng sinabi nito. “Ano na? Maiwan na muna nga kita! Mag-isip ka muna ma’am! Excuse!” paalam ni Ino. Bumalik si Claudia sa kwarto ng mama niya. Umupo siya sa harap nito at kahit tulog ay kinausap niya ito. “Ma, ipagtatanggol kita. Ipagtatanggol mo rin ba ako kay Mateo? Malabo kasing mangyari ‘yon eh dahil anak mo siya. Sana hindi niyo nalang siya naging anak dahil napakabait niyo para sa kanya,” ani Claudia. Lumabas na si Claudia sa kwarto at biglang dumilat naman si Jarrah na kaninang pang gising at narinig lahat ng sinabi ni Claudia. Paglabas ni Claudia ng pinto ay nakasalubong niya si Clyde. Ngiting-ngiti ito galing pang kusina. “Anong meron Clyde?” nakataas noong sabi ni Claudia. “Wala, nakangiti lang eh!” taas kilay naman nitong sagot. “Nakangiti lang ah! Ayus ayusin mo pag nabuntis mo si Mara mauuna ka pa sakin magkaanak!” “Wag mo ko problemahin ate! Kaya ko na ‘to!” “Kaya ka diyan!” “Teka?! Umiyak ka ba? Bakit may luha luha ka pa sa mata? Mukhang kakaiyak mo lang ah.” “Wala ‘to! Sige na makipag-fling ka na!” “Ito naman hindi pa sasabihin! Ano bang problema? Nagseselos ka kay Mara?” “Iiyak ako dahil sa selos? No!” “Wag ka na magselos! Ikaw lang ang tunay na girlfriend ko!” “Wag mo ko binobola!” “Ikaw naman! O siya tabi na diyan gusto ko matulog sa kwarto mo!” “W-Wa-.” naudlot na salita nito. Pagbukas kase ni Clyde ng pinto ay bumungad agad sa kanya ang mommy ni Mateo na nakaupo sa higaan. Bigla itong sinara ni Clyde at yumuko na naglakad papunta sa kwarto niya. “Clyde! Let me explain..may nangyari kase na hindi mo maiintindihan.” ani Claudia, habang sumunod kay Clyde. “I don’t need your explanation! I saw this woman in your room, so what can you explain this?” galit na sabi ni Clyde. “Clyde, common! Kailangan niya ng tulong ko! Ako lang ang tutulong sa kanya!” “But, this woman is you’re husband mother! Mahal mo na si Mateo?!” “No! This won’t gonna happen! Ilang beses ko na ‘yon sinabi!” “Noon! Kinain mo na ngayon!” “No, Clyde! Wala akong kinakain na salita! Hindi ko talaga kayang mahalin yung tao na ‘yon.” “I hope that’s true!” Pagsara ni Clyde ng pinto ay napaupo nalang siya sa tapat nito habang nakahawak sa ulo. Gusto niyang iiyak pero pinipigilan niya ito dahil baka may makakita sa kanya. “Bakit ayaw ba nilang tulungan kita, Ma? Hindi ka naman masamang tao! Naging mabait ka sakin.” Bulong sa isip ni Claudia. Habang nakayuko ay may babae nalang sa tabi niya ang biglang nagsalita. “Okay ka ba? Bes, alam mo naman ang ugali ni Clyde eh, kapatid mo siya. Ano bang gusto mong mangyari? Ibalik siya sa bahay nila o patuloyin pa rin siya dito?” tanong ni Mara. “Ha Ha..alam mo, hindi ko aakalain na pokpok ang tatabi sakin at gustong tumulong!” ani Claudia. “Hindi na ko pokpok!” “Si Mateo, tapos ngayon si Clyde?” “Galit ka ba sakin dahil don?” “Hindi, masaya ako dahil nagbago ka na talaga. Hindi mo siya ginawa.” “So ano na? Anong nang sagot mo?” “Papatuloyin ko pa rin siya dito. Marami pa kong gustong malaman sa kanya. Tutulungan niya ko kay Mateo, alam kong di madaling umasa pero aasahan ko siya na tutulungan niya ko at ipapakulong si Mateo.” Rinig mula sa maliit na bukas ng pinto ang sinabi ni Claudia na iyon kay Mara. Magkaharap lang kase ang kwarto ni Clyde at ang kwarto ni Claudia kung saan nandoon si Jarrah nakikinig sa kanila. “Gusto mo pala na makulong si Mateo, gagawin ko ang gusto mo Claudia. Lahat ng taong kilala ko na magpapabagsak sa kanya ay hihingi ako ng tulong para sayo. Para ipaghiganti rin kita,” bulong sa isip ni Jarrah. Naglalaba si Huss sa laundry room ng biglang pumasok doon si Mara at kinausap si Huss. Nakita ni Claudia iyon dahil magkasabay silang lumabas ni Mara sa hallway at sinundan ng tingin si Mara. Nang makita ni Claudia iyon ay walang ingay siyang naglakad papunta sa harap ng laundry room at naaninagan niyang masyadong magkadikit ang mukha ng dalawa. Napaatras si Claudia at kung ano-ano nang pumapasok sa isip niya na pwedeng gawin ng dalawa sa loob ng laundry. ‘Mara! ‘wag si Huss! Malandi ka akala ko ba hindi ka na pokpok! (Sinampal niya ito ng malakas.)” imahinasyon ni Claudia. “Mara? Huss? Bakit? Bakit dito niyo pa ginawa ang bagay na ‘yan? Mga baboy kayo! Your Fired!!” imahinasyon ni Claudia Kung ano anong nang pumapasok sa isip ni Claudia na maari niyang gawin sa dalawa. Natigil ito nang maramdaman niyang tumulo ang luha niya. “Huss, bakit ba ko nagkakaganito sayo? Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko!” bulong sa isip ni Claudia. Nang lumabas si Mara ay akala mo nakakita siya ng multo sa sobrang gulat niya kay Claudia na nakatayo sa harap ng pinto. “Bakit ganyan ang reaksyon mo? Ba’t parang nakakita ka ng multo?” tanong ni Claudia. “Huh? Umm..Ma’am, wala pong masama nangyari nag-usap lang kami!” ani Mara. Tumalikod na si Claudia at naglakad paalis. Pumunta siya sa isang bakanteng kwarto at doon inabangan si Huss. Ayaw niya kase na ang kaibigan niya ang kokomprontahin niya. Mas mabuti na sa kanya na si Huss na ang makausap niya tungkol dito. Dala ni Huss ang troley at saktong sa kwarto na ‘yon papasok si Huss. Hinatak ni Claudia si Huss papunta sa kama at hiniga ito doon. Nang makahiga na si Huss ay hinalikan ito ni Claudia. “Tama na..may trabaho pa ko,” tulak nito kay Claudia. “Anong meron sa inyo ni Mara? Bakit kayo naghalikan sa laundry?” ani Claudia. “Walang kami! Shota siya ng kapatid mo! Hindi ko siya hahalikan. Nag-usap lang talaga kami!” “Anong pinag-usapan niyo?” “Wala ka na don!” “Ano nga! Gusto kong malaman! Ano?” “Tungkol sa magulang ko! Okay ka na? lumabas ka na!” “Lalabas na ko. Sana totoo!” “Wait. Gusto kong magdeliver ng pagkain sa kwarto mo o kahit anong gusto mong ipagawa sa kwarto mo.” “May guest ako. Hindi ako ang nasa kwarto na yon!” Paglabas ni Claudia ay lumabas na rin siya sa kwarto na ‘yon at pumunta sa kusina para magpumilit na magdeliver ng pagkain. Tumawag naman si Ino kay Claudia para ipaalam dito na gustong kumain ni Jarrah. “Sige, hayaan niyo siyang umorder. Dito muna ako sa taas magrerelax.” ani Claudia. Dali-dali na dinala ni Huss ang pagkain sa VIP room at pagpasok niya don ay tumambad sa kanya ang nakaupo babae na naka-swero. Puro pasa ang mukha at katawan nito. “M-Maaa? Ma! Mama! A-Anong nangyari? B-bakit? Sino! Sino ang gumawa niyan sayo!” umiiyak na sabi ni Huss. “Paano mo nalaman na nandito ako? Sinundan mo talaga si Claudia? Nakilala mo na ba siya?” ani Jarrah. “Ma..ikaw..ikaw ang tinatanong ko anong nangyari sayo! Sino gumawa niyan! Si Chairman ba? Ang asawa mo ba! Sino?!” “A-anak..O-Oo..okay na ko ngayon! Tinulungan ako ni Claudia..nirevive niya ko..binuhay niya ko..niligtas niya ko..” “S-si Claudia ang nagligtas sayo?” Author’s note: Sorry po sa matagal na paghihintay ng update nito. May inaasikaso po kase akong small business. Di po ako makapag-adjust ng oras. Pero, makakapag-update pa rin po ako. Siguro mga 3-4 chapters per week. Salamat sa pag-intindi. Author, Migscreations. Fb: Migcreations Story Dreame: Migscreations Wattpad: Migs_Creations Promotions. Pakilala niyo po ang storyang ito sa mga kaibigan niyong mambabasa at supportahan niyo ang PTR story ko. Meron po akong ibang on-going na story na pwede niyo nang umpisahan. Dahil may kasabay po itong In His Arms, ang story ko na Sino Ang Dapat Kong Mahalin, sa pag-update po. Magkasabay po sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD