Chapter 12

2290 Words
Chapter 12 Sa canteen ng hospital kumain ang dalawang magkaibigan doctor na sina Mateo at Luke. Habang kumakain ay pinag-uusapan nila si Claudia. Malaki lase ang problema ni Mateo dito simula nung tumira ito sa bahay niya. “Huh?! Nakatira na si Claudia sa bahay mo? Wait, paano nangyari ‘yon? Pumunta lang siya don na dala ang gamit niya nang hindi sinasabi sayo?” sunod-sunod na tanong nito. “Yup! Exactly! Hindi ko nga ine-expect eh! Pero masaya ako na nandoon siya at siyempre problemadong problemado. Hindi ko na kase madala si Misty sa bahay ko.” Nakangiting sagot nito. “Ha Ha! Bro, pwede mo pa siya dalhin! Bakit? Bahay mo ‘yon at hindi na kayo! Papirmahin mo kase siya sa annulment niyo!” “Hindi, ayoko na nang annulment.” “Pvta! Mahal mo na ulit yung babaeng ‘yon?” “Oo! Wala naman nagbago eh, mahal ko pa rin si Claudia.” “Akala ko ba popormahan mo na si Misty? Ang labo mo bro!” Habang nag-uusap ang dalawa ay naririnig ni Misty ang lahat ng pinag-uusapan nila. Hindi kase alam ng dalawa na nandoon din si Misty. Tahimik lang kase ito habang kumakain kasama ang kaibigan niya rin na nurse. Hanggang sa lumabas na ang dalawa. “Talo ka don beshy! Iba talaga ang charisma ng babaeng ‘yan.” Pang-aasar na sabi nito. “Kaibigan ba kita? Akala ko ako ang susuportahan mo eh!” nakasimangot na sabi nito. “Ha Ha! Kailangan mo pa ba ng suporta? Di ba pokpok ka? Kaya mo na ‘yan! Kaloka!” “Pvtang ina mo kumain ka mag-isa d’yan!” Galit na umalis ito at sinundan si Mateo. Nasundan niya naman ang dalawa at huminto si Mateo, si Luke naman ay nauna na. “Anong problema?” anito. Habang hinahawakan ang buhok ni Misty. “Tara uminom tayo sa bahay mo, gusto ko tayong dalawa lang.” nakangiting pag-aya nito. “Kase..” “Kase ano? Masama pakiramdam mo? Ayaw mo na sakin?” “Hindi..mahal kita Misty, sige sumama ka sakin mamaya.” Pagtapos nang trabaho ay magkasamang umuwi ang dalawa. Pagkarating nila ay maswerteng wala doon si Claudia. Pumunta agad sila sa kusina at kumuha ng wine. Sinalinan agad ni Misty ang baso ni Mateo pagtapos ay kumampay. “Nagsisimula pa lang tayo Misty, mukhang lasing ka na.” ani Mateo. “Tara, pumunta tayo sa kwarto mo.” ani Misty. “B-bakit? A-anong gagawin?” utal-utal na sabi nito. Gusto ni Mateo pero nag-aalangan siya na baka dumating si Claudia. “Alam mo na ang gagawin! Parang first time mo naman! Tara na!” pangungulit nito. Hindi na pinansin ni Mateo ang pangungulit nito. Hanggang sa lumapit na sa kanya si Misty at kumandong. “Tara na..dalhin mo na ko sa kwarto mo!” anito. Binuhat na ni Mateo si Misty papunta sa kwarto niya, pagkarating doon ay bumungad sa mata ni Misty ang litrato ng kasal nang hinaharot niya ngayon. Hinalikan agad ni Misty si Mateo habang nakahiga sila sa kama. Pagtapos nitong halikan sa labi si Mateo ay dahan dahan niyang binaba ang mukha niya papunta sa gitnang bahagi ng katawan ni Mateo. Nakaupo si Huss sa harap ni Claudia at nakasimangot. Kita sa mukha nito ang pagod dahil sa maghapon na utos ni Claudia. “Hindi pa ba ko uuwi?” nakasimangot na sabi nito. “Pagod ka na? ang bilis mo mapagod!” nakangiting tugon nito. “Ma’am..” “Enough, umuwi ka na. uuwi na rin ako. Pagod na rin kase akong pagtripan ka eh! Sige na umuwi ka na.” Pag-alis ni Huss sa kwarto niya ay tinawagan niya si Mateo. Ito naman kase ang paglalaruan niya. Itatanong sana ni Claudia kung ano ang gustong pasalubong nito pero hindi ito sumasagot sa tawag niya. “Napaka-busy na tao mo! Hindi mo manlang sagutin kahit saglit! Ang panget mo ka-jamming!” aniya, habang padabog na nilalagay ang cellphone sa bag. Paglabas ni Claudia sa kwarto niya ay nahuli niya ang kapatid niyang si Clyde, hawak ang kamay ni Mara papunta sa kwarto niya. Biglang binitawan naman ni Clyde ang kamay ni Mara, magpapaliwanag sana ito sa ate niya pero.. “Ikaw makaka-virgin sa kapatid ko?!” nakatagilid ang ulo nito at mataray na nagsalita sa babaeng kasama ng kapatid niya. “Ate?!” depensang sagot nito. “Ayusin mo Clyde, kaibigan ko si Mara!” anito, saka umalis. Nagtinginan ang dalawa, tila nagtatanungan kung itutuloy pa nila ang gagawin nila sa kwarto. Aatras na sana si Mara, pero inawat ito ni Clyde. “Ayaw mo na?” nakakunot noong tanong nito. “First time mo lang?” nakakunot noong tanong rin nito. Napakamot sila sa ulo nila at sabay na sinambit ang… “Hindi!” Hinawakan na ni Clyde ang kamay ni Mara at pumusok sa kwarto. Nakita ni Ino ang dalawa na pumasok sa loob ng kwarto at halos umusok na ang ilong nito sa galit. “MARAAA! MALANDI KA! MANG-AAGAW! MANG-AAKIT!” maluha-luhang sabi nito. “Sir? Selos ka?” “Hindi! Hindi ba obvious? Gagang ‘to!” Nakarating si Claudia sa bahay nila ni Mateo. Halos lumabas na ang sungay nito sa tuwa dahil nakita niyang nandoon na ang sasakyan ni Mateo at maaasar na niya ito. Pagpasok niya ay dumiretso agad siya sa kusina para ilagay at ihain ang biniling pagkain. Pero iba ang nakita niya, nakita niya ang bag ng babae sa tabi ng bote ng alak. “Ikaw talaga Mateo, palagi mo kong sinu-surprise!” nakangiting sabi nito sa isip niya. Binuksan ni Claudia ang bag at binuhos doon ang lahat ng tirang laman ng bote. Umalingasaw ang amoy ng alak sa kusina palabas ng sala. Nilagyan niya rin ng pagkain ang bag. Nilagyan ng harina, toyo at suka, maging ang paminta at asin. Tuwang-tuwa si Claudia habang ginagawa niya ang nakakadiring bagay na ‘yon. Wala siyang pakeelam sa mangyayari pagtapos nun. Basta masaya lang siya. Ang puting bag ay sinulatan niya ng permanent pen at ang nakalagay ay.. “b***h! QUEEN OF SUCKING D**K!” Tuwang-tuwa na bumababa ang dalawa at naglalambingan pa ito papuntang kusina. Rinig na rinig ni Claudia ang harutan nilang iyon, pero wala siyang pekeelam basta kumakain siya. Pagkarating ng dalawa sa kusina ay parehas silang nagulat dahil nakaupo si Claudia sa madilim na lamesa habang kumakain. Binuksan nila ang ilaw at nakita nila ang kalat na ginawa ni Claudia sa mesa. Nanggalaiti si Misty nang makita niya ang pagkababoy ni Claudia sa bag niya. “SHOCKS! ANO ‘TO! ANONG GINAWA MO SA BAG KO!” galit na sabi ni Misty. “Babe..hayaan mo na, papalitan nalang natin ‘yan ng bago.” Pagpapakalma dito ni Mateo. “No! Sa ating dalawa ikaw ang b***h! Walang sino man ang makakalimot diyan sa kakatihan mo!” anito, habang dinuduro si Claudia. Tumigil si Claudia sa kinakain niya at tinapik ang kamay ni Misty. Pagtayo nito ang kinuha niya ang bag ni Misty at binuhos sa mukha nito ang nakalagay sa loob ng bag. “Napaka-arte mo! Kumakain nga ko nasa harap ko ‘yan eh! ‘wag kang umarte! Wala kang karapatan gawin ‘yon dahil kabit ka lang!” nanginginig na sabi nito. Inawat na agad ito ni Mateo at inalalayan palabas ng bahay. Umiiyak si Misty habang naglalakad sila palabas ni Mateo. “G*g* talaga ‘yan ex-wife mo! Bakit ba nandiyan siya sa bahay mo at umaakting na akala niya asawa ka pa niya?!” galit na sabi nito. “Mali ka, hindi siya umaakting. Asawa ko pa rin siya. Sige na umuwi ka na!” anito. “Huh? Uuwi ako na ako lang? hindi mo ko ihahatid? At ganito pa yung itsura ko?” “Oo! Umalis ka na!” Pumasok si Mateo sa loob ng bahay niya at iniwan na nagwawala ang isa sa labas. Hinanap niya agad si Claudia para pag-usapan ang gulong ginawa nito. Nasa kwarto na si Claudia at nagtutulog-tulugan. Pagpasok ni Mateo sa pinto ay nadatnan niyang tulog na si Claudia. Hinatak niya ito patayo para magising at pagalitan. “Bakit mo ‘yon ginawa!” galit na sabi ni Mateo “Bakit hindi ko gagawin?” walang reaksyon na sabi nito “Ano ba! Bakit ba ganyan ang kinikilos mo! Mahal mo na ba ko?” Ang tahimik at walang reaksyon na mukha ni Claudia ay napalitan ng mala demonyong mukha sa kakatawa. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ni Mateo at hinawakan ang pisngi nito. “Ako? Mamahalin ka? Hindi mangyayari ang bagay na ‘yon! Isipin mong sumpa ang dumating sa bahay mo.” Anito, saka humiga at nagtalukbong ng kumot. Napahawak si Mateo sa mukha niya at sumigaw. Tumayo ito at ginulo lahat ng gamit na nandoon sa kwarto niya. Tumayo si Claudia dahil baka tamaan siya ng mga ihahagis nito. “Pvta! Nahihibang na ko! Niloloko mo ko! Ginagawa mo kong tanga! Hanggang ngayon pinapaasa mo pa rin akong hayop ka!” nanginginig na sabi nito dahil sa galit. Nakita niyang nakangiti pa si Claudia sa kanya, kaya ang hawak niyang bote ng pabango ay binato niya dito. Natahimik siya nang makita niyang dumugo ang tinamaan niya sa mukha ni Claudia. “C-Claudia? Claudia!” aniya, habang papalapit kay Claudia at nanginginig na hinawakan ang sugat nito. Lumabas siya sa kwarto at nagmamadaling kinuha ang first aid kit. Pagbalik niya sa kwarto ay ginagamot na ni Claudia ang sugat niya. “Ito gamitin mo ‘to, ilagay mo ‘yan sa ulo mo.” Natatarantang inabot nito kay Claudia, pero tinapik nito ang kamay niya. “Hindi kita kailangan! Hindi ko kailangan nang sino man lalaki sa buhay ko!” ani Claudia. “Sorry, hindi ko nakontrol, akala ko kase mahal mo na ko eh,” anito, habang paupo sa kama. “Ni-rape mo ko Mateo! Kinuha mo ang virginity ko at binago mo ko! Ikaw ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon!” aniya. “Gusto kong kalimutan na ‘yon at magsimula ng maayos. Asawa mo naman ako eh,” anito. “Napakadaling sabihin sayo ng bagay na ‘yan! Hindi kase importante sayo ang babae! Gamit lang ang tingin niyo sa mga babae!” aniya. “Ayoko na Claudia! Mahirap bang magpatawad? Mahirap bang kalimutan ‘yon? Gusto ko na maging tahimik ang bahay ko! Bahay natin, gusto kong umuwi na maayos tayong dalawa!” anito. “Magising ka Mateo! Isipin mo ang kasalanan mo sa iba, hindi lang sakin!” aniya. Niligpit ni Claudia ang ginamit niyang panggamot sa ulo niya at bumababa. Pagbaba niya ay dumiretso siya sa CR at doon nilabas ang luha niya. Doon niya binuhos ang bigat na nararamdaman niya. Habang umiiyak siya ay tinawagan niya ang nanay ni Mateo. Alam ni Claudia na di nito sasagutin ang tawag niya dahil alanganin oras na at tulog na iyon. Pero nagbabakasakali pa rin siyang sagutin iyon ng nanay ni Mateo. Ilang beses rin tinawagan ni Claudia ang nanay ni Mateo bago pa ito sumagot. Tinawagan niya ito para humingi ng tulong pero mukhang ito pa ang may kailangan ng tulong sa kanya. “Claudia..anak? hindi ko na kaya..iligtas mo ko..kailangan kita..” nanginginig ang boses nito. “Mama? Nasaan kayo ngayon? Anong nangyari sa inyo? Pupuntahan ko kayo!” ani Claudia. “Nandito ako sa bahay..puntahan mo na ko..” anito. Pumunta siya sa kwarto para kunin ang bag niya. Nandoon kase ang susi nang kotse niya. Nagulat si Mateo dahil sa pagbukas nito ng pinto. “Saan ka pupunta? Gabi na ah? Anong pupuntahan mo?” tanong nito. “Hayaan mo ko!” ani Claudia. Dali-dali itong sumakay sa kotse niya at nag-drive papunta sa bahay ng mga magulang ni Mateo. Pagkarating doon ay maingay sa loob dahil sa malakas na tugtog nito. Palagi kasing malakas ang tugtog ni Martin (Tatay ni Mateo). Kapag ginugulpi niya si Jarrah (Nanay ni Mateo). Para walang makarinig sa kanila. Pagpasok ni Claudia sa loob ay pinatay niya ang malakas na tugtog na ‘yon. Nakita niya na lumabas sa loob ng CR ang chairman at basang basa ito. “Nasaan si Mama?! Anong ginawa mo sa kanya?” ani Claudia. Magkasalubong ang kilay nito. “Mama? Ha Ha! Kailan pa naging Mama ang tawag mo sa kanya?” anito, habang inaayos ang damit. “Nasaan nga!” sigaw ni Claudia. Pupunta sana si Claudia sa CR pero hinarang siya ni Chairman. Tinulak siya nito at tumumba dahil sa lakas ng pagkakatulak sa kanya. “Anong ginagawa mo! Pinatay mo na siya?! Nasaan siya!” matapang na sabi nito. “Ikaw ang papatayin ko!” anito, habang papatong kay Claudia. Sinipa ni Claudia ang gitnang bahagi nito at nagpupumihit sa sakit ang Chairman. Habang hindi pa ito makakilos ng maayos ay pinuntahan na ni Claudia si Jarrah sa CR. Naabutan niyang wala nang malay si Jarrah at nakalubog sa bathtub. Sinara ni Claudia ang CR at dali-daling inalis si Jarrah sa bathtub. Nang maiahon niya ito, meron pang itong pulso. Kaya ni-revive ito ni Claudia, sini-CPR niya ito para mailabas ang tubig na nainom nito. “MAAAAA! GUMISING KAAAA!” sigaw ni Claudia, habang sini-CPR niya ito. Follow niyo po ako sa social media at other book platforms para lagi kayong update sa story ko. FB: Migscreations Dreame: Migscreations Wattpad: Migs_Creations Basahin niyo po ang ibang on-going story ko at ibang complete story ko. Marami pong free diyan na siguradong kapupulutan niyo ng aral. Basahin niyo rin po ang Pay-To-Read story ko na BLOOD ACES. Hindi po ‘yan horror. Drama po ‘yan at action. Syempre di mawawala diyan ang romance. Ano na readers? Support niyo na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD