TRAVEL BUDDY

1968 Words
Malapad akong napangiti nang makita ko si Perisha na papalabas ngayon ng bahay niya. Magulo pa ang buhok nito habang nakasuot lang ng ternong damit pantulog. "Anong ginagawa mo dito?" nakangiwing tanong niya. Mahihimigan ang disgusto sa boses niya. "I came to give you this," parang bata na sabi ko at tinaas ang kulungan na binili ko para kay Lucky. I am going to an international convention kasi kaya iiwan ko muna si Lucky sa kaniya. "What the hell?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Perisha at agad na kinuha si Lucky sa akin. Mabuti na lang talaga at naisipan ko na kay Perisha na lang iwan si Lucky. Hindi rin naman kasi pwede si Vanessa dahil hindi naman iyon mahilig sa pusa habang si Paige naman ay hindi na yata umuuwi mula sa hospital. "Saan mo nakuha ang pusang 'to? sa akin na lang ba?" pa-cute na tanong ni Perisha and even batted her eyes to me. Muntik na tuloy akong mapangiwi kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Imbis kasi na maging cute siya ay nagmukha siyang hunghang. Ang itim pa naman ng ilalim ng mga mata niya. Hindi na naman siguro 'to natulog. Nakalimutan ko na hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya na pinulot ko si Lucky. "Anong sa iyo? sa akin iyan! Iiwan ko lang muna dito dahil hindi ako makakauwi ng ilang araw!" naiiling na sabi ko. Agad namang nalukot ang mukha ni Perisha. "Fine! where did you get this cute p***y anyway?" curious na tanong niya habang hinihimas si Lucky na tahimik lang na nakatingin sa akin. I'm not sure but for a split second, his face looks like he doesn't want me to leave him there. Kahit naman siguro ako ay hindi magpapaiwan sa bahay ni Perisha kung hindi ko lang siya kilala. Joke! "Napulot ko lang. He means a lot to me so please take care of him." "Alright. Sige na pwede ka nang umalis," walang pakealam na sabi ni Perisha at agad nang tumalikod. I let out a heavy sigh at akmang aalis na nang bigla siyang magsalita. "By the way, Krystina. Please be careful. Ang daming nababalita ngayon na kinikidnap. Mapabata man o matanda, lalong-lalo na ang mga sa edad natin. It's my new task and I've been looking on it." Seryosong sabi ni Perisha. I started to feel uneasy but I shrugged it off. "Thank you. I will," nakangiting sabi ko at tuluyan nang lumabas ng bahay niya. I drove to the airport and waited for my flight. The convention will take place in Macao. Isang araw lang naman siya but I am planning to stay para sana maglibot-libot. Wala pa naman ang flight ko kaya naisipan ko muna na uminom ng kape mula sa starbucks. I ordered a Caramel Macchiato and settled in one of their seats habang nagbabasa kung ano ang topic sa convention which I was invited. "Ms. Vera?" agad akong napaangat ng tingin nang marinig kong may tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang pamilyar na mukha ng isang lalaki na nakatayo sa tabi ko and leaning close to me while smiling. "Dr. Bustamente!" bulalas ko at agad na lumayo sa kaniya ng kaunti. He chuckled and stood up straight. "I'm sorry if I disturbed you. Do you have a company?" he asked, referring to the extra seat in front of me. "Ay wala!" tarantang sabi ko at akmang kukunin ang bag ko na doon nakalagay sa bakanteng upuan when he immediately stopped me. "It's okay. I'll get another seat," cool na sabi niya at nagpaalam sa kabilang table kung pwede niya bang kunin ang isang upuan. Ako naman ay halos hindi alam ang gagawin. Para akong kiti-kiti na galaw ng galaw habang iniisip kung anong ginagawa niya dito. 'Such as small world.' I forced a smile at him when he smiled at me nang magsalubong ang tingin namin. Akala ko ay ilalagay niya ang upuan sa harap ko pero nagulat ako nang pumwesto siya sa tabi ko. "It's really nice to see you again, Ms. Vera," pormal na sabi niya. Pakiramdam ko ay nalunok ko ang laway ko at hindi alam kung ano ang isasagot. How can he be so calm habang ako naman ay parang kakatayin na sa kinauupuan ko? is it because I still feel shy of what I did to him? That was long before. Uso mag-move on Krytina! 'Teka, ano ba kasi ang dapat isagot sa sinabi niya? alangan naman sabihin ko same?' "Ah, hehehe!" kung wala lang siguro ako sa ganitong sitwasyon ay kanina ko pa sinampal ang sarili ko. Anong klaseng sagot iyon? 'Muntanga ka talaga, Krystina! Ikaw lang nagbibigay ng kahihiyan sa sarili mo!' To my surprise, Elijah laughed. "You're so funny," naiiling na sabi niya. My eyes widened in secret. 'Teka, ano daw? I'm funny? hindi naman ako nag-joke o ano ah?' Para akong mababaliw kakaisip kung ano ang nakakatawa sa ginawa o sinabi ko na nakakatawa. Siguro mukha akong joke sa kaniya kaya natawa siya? I cleared my throat and calmed myself down. I shouldn't feel nervous by his mere presence. "Are you going somewhere?" "Yes. I am going to Macao for a convention. How about you?" balik tanong niya sa akin. Umawang ang labi ko sa narinig. "Seryoso?! I am going to Macao too!" bulalas ko at muntik nang itaas ang kamay ko para makipag apir sa kaniya. Natigilan ako nang mapagtanto ang reaction ko. "Um. I mean, me too." pormal na sabi ko this time. 'Shucks! Krystina, baka isipin ng isang 'to ang saya-saya mo dahil makakasama mo siya! Baka isipin niya na may gusto ka sa kaniya!' Bakit naman kasi sa dami-dami nang pwede kong makasabay, siya pa? ang dami kong kaklase na pupunta rin sa convention pero wala akong nakasabay. Elijah smiled while watching the excitement on my face. "I guess I now have a travel buddy." Ngumiti na lamang ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. "Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 89B to Macao. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you." Napunta ang tingin ko sa ticket na nakalapag sa harap ni Elijah and saw that we even have the same flight. Worst ay siya pa ang katabi ko! Kung minamalas ka nga naman! Sa dami ng upuan na pwede siyang ma-assign sa tabi ko pa talaga! 'Tsk, siya pala ang nakakuha ng window seat! Iyon pa naman ang gusto ko sana.' "I guess that's our cue," Elijah said and stood up from him seat. Agad ko nang inayos ang mga gamit ko at tumayo na. Napasinghap ako nang bigla na lamang akong makaramdam ng sakit sa kaliwa kong paa. "Ouch!" daing ko at muntik nang matumba nang mabilis na pinaikot ni Elijah ang braso niya sa bewang ko. "What's wrong? may masakit ba sa iyo?" bakas ang pag-aalala sa mukha niya nang tinanong niya ako. Our eyes met and I saw concern on those beautiful brown orbs of his. I never realized how beautiful his eyes were until now. Ang haba rin ng pilik mata niya. Our face is so close that his sharp nose is almost touching mine. "Are you okay?" he asked. Ilang beses akong napakurap at napagtanto ang posisyon namin. Sinubukan ko siyang itulak pero hindi manlang siya natinag. Napasinghap ako when I laid my hands on his chest. 'Shuta, hindi nga sila nagbibiro when they said he's a hunk! Cause he really is!'i I thought while feeling his hard muscles underneath my palm. "Like what you are touching?" mapaglaro ang boses na tanong niya sa akin. I gasped and pushed him hard enough to make him let go of me this time. Elijah chuckled habang ako naman ay parang binuhusan ng malamig na tubig dala ng kahihiyan. 'Jusko! Gusto ko na lang pong magpalamon sa lupa ngayon na!' "P-Pinagsasabi mo diyan?" defensive na sagot ko at lihim na napangawi nang maramdaman ang pananakit ng paa kong napulit. Letcheng pulikat naman 'to! Sa dami ng pagkakataon na pwedeng mangyari ngyaon pa? I can feel my face so hot na pwede na nga yatang lutuan ng itlog, lalo na nang mapansin ko ang ilang tao sa paligid namin na pinapanood kami habang nakangiti. I am 100% sure they saw what happened. "Tara na nga!" frustrated na sabi ko at padabog na kinuha ang bag ko at paika-ika na naglakat na papunta sa terminal kung saan kami papasok. "Krystina, Wait!" I heard Elijah said from behind and started running after me. Nagulat ako nang bigla niyang inagaw ang bag ko mula sa akin. "I'll carry this for you." "Ha? ako na!" I tried to take my bag from him pero mabilis iniwan iyon mula sa akin. "Elijah! Ano ba!" asar na reklamo ko sinubukang abutin ang bag ko pero ang hudyo ay tinaas ang bag ko. I am tall but he is freakin taller than me. I tried to jump using one leg in an attempt to reach for me bag pero namali yata ako ng pag-land ng paa ko. I feel like time slowed down while I am watching myself falling. Sumabay pa ang tuhod ko na bigla na lang nanlambot. I was praying that my fall won't feel that bad pero ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin ako nalulugmok sa lupa. "I got you," I heard Elijah's deep voice whispered right on my ear. Nanlaki ang mga mata ko when I realized that my body is pressing against his hard body habang ang isang braso naman niya ay hawak sa bewang ko while his other hand is still holding my bag up high. Inunahan ako ng hiya na imbis magpasalamat ako sa kaniya sa pagsalo sa akin ay mahina kong hinampas ang dibdib niya. "Edi ikaw magdala niyan!" nanlalaki ang ilong na sabi ko at agad nang nagmartsa palayo sa kaniya. Parang gusto ko tuloy suntukin ang sarili ko. Ilang minuto pa ngalang kaming nagsasama pero ilang epic moments na ang naranasan ko sa kaniya. Ano na lang kaya dahil magsasama kami buong araw bukas? Asar na pinagsusuntok ko ang hita ko habang patuloy pa rin na naglalakad. "Ano bang problema mo ha? kanina ka pa bumibigay! nag-exercise naman ako pero ang rupok mo yata ngayon!" pagalit na sabi ko sa sarili kong paa. Napulikat tapos nanlambot? ilang beses mo lang maranasan iyon sa isang taon pero nagsama pa talaga ang dalawang iyon sa ganitong sitwasyon? "Aish!" binilisan ko ang lakad ko at hindi na hinintay si Elijah. Nauna akong nakapasok sa loob ng eroplano kesa sa kaniya. I was looking for my seat which I found in the middle part of the plane. Nanghaba ang nguso ko nang makita ko ang upuan sa tabi ng pinto. Diyan ko sana gustong umupo kaso kay Elijah iyon. Akmang papasok na sana ako sa loob para umupo when I heard Elija's voice. "Do you want to seat beside the window?" agad ko siyang nilingon and I know my eyes were sparkling with joy. 'Hoy! Krystina! huwag kang marupok!' "No!" matigas ang boses na sabi ko at akmang papasok na sana pero nagulat ako nang inunahan ako ni Elijah na naupo sa upuan ko. "What are you doing?!" kunot-noong tanong ko. "I don't like sitting beside the window. I feel sick. Ikaw na lang," kaswal na sabi niya at agad na sinuot ang airpods niya at pumikit. I don't know if he is telling the truth. Lihim akong napangiti sa narinig. 'Okay, sabi mo eh!' masaya akong umupo na sa tabi niya at sinilip ang labas ng bintawa without knowing that Elijah is watching me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD