LUCKY

1897 Words
"Welcome to your new home!" masayang sabi ko at nilapag ang pusa na dala ko. Come to think of it, wala pa siyang pangalan dahil hindi pa ako nakapag-isip ng pwede kong ipangalan sa kaniya. Mabait siyang pusa, ni hindi nga ako nagkaroon ng problema sa kaniya habang nasa byahe kami. Just like earlier ay naupo lang siya sa harap ko at tumingin sa akin. Mukhang crush na crush yata ako ng pusang ito. Sinagip na nga niya ako mula sa muntik ko nang pagkamatay, sinundan pa ako sa kung saan ako nagtatrabaho tapos ngayon naman ay wagas kung makatingin sa akin. Gandang-ganda siguro 'to sa akin? Nanginig ako nang mag-cringe ako ng kaunti sa sarili ko. Kung naririnig lang siguro ng pusa ang iniisip ko ay kanina pa siguro siya nag-walk out. Gandang-ganda ba naman sa sarili ang amo niya. "Alright. Let me settle first tsaka sabay na tayo kakain, okay?" sabi ko sa kaniya and pat his head lightly. Inayos ko ang mga pinamili ko na mga cat food. Dumaan muna ako sa grocery kanina bago ako umuwi. Plano ko nga bukas na dalhin siya sa vet para ipa-check kung meron ba siyang sakit. Pagkatapos ay papaturukan ko na lang rin siya ng vaccine. Nag-order muna ako ng pagkain bago ako naligo. Sakto lang na kakatapos kong mag-ayos nang tumunog ang doorbell sa labas which means na dumating na ang order ko. "Meow!" napangiti ako nang maabutan ko ang pusa na in-adopt ko na nakaupo sa tapat ng mismong pinto habang natitig lang doon. Pasado nang maging gwardya ang pusang ito ah. I opened the door and took my order pagkatapos kong bayaran. Tila naamoy naman ng pusa ang dala kong pagkain kaya agad itong mas naging malambing. "Gutom ka na ano?" The cat meowed in response habang malambing na hinihimas ang katawan niya sa paa ko. Hinugasan ko muna ang cat bowl na nabili ko at nilagyan siya ng sarili niyang pagkain. "Here's your food!" He immediately munched onto his meal. Halatang gutom na gutom talaga siya. Umupo na rin ako sa upuan at sumabay sa kaniya sa pagkain. I can't help but smile from time to time while watching him. Kahit papaano ay naramdaman ko na hindi ako nag-iisa. 'Maybe he really is my luck.' I thought. Siya ang sumagip sa akin and now I feel a little bit lighter having him around and eat with. "Lucky," as if on cue the cat looked up to me mismong pagkasabi ko niyon. "That is your name. From now on, you are to be called Lucky." "Meow!" gigil na hinimas ko ang noo niya nang sumagot siya. This is the first time na nag-alaga ako ng hayop kaya hindi pa ako marunong. But I will try. "My name is Krystina. Nice to meet you, Lucky!" walang imik na nakatitig lamang sa akin si Lucky na tila nakikinig. Maya-maya ay nagsimula na siyang linisin ang katawan niya dahil tapos na siyang kumain. Inayos ko na ang pinagkainan ko at hinugasan iyon. Nagtimpla na rin ako ng gatas at dinala iyon sa kwarto ko. Kakapasok ko pa lang ng kwarto ko nang marinig ko ang cellphone ko na tumutunog. It's a messenger call from my sister Byam. "Byang!" masayang sabi ko nang masagot ko and tawag. Agad na bumungad sa akin ang mukha nilang dalawa ni Mommy na naglalakad. "Krystina!" tuwang-tuwa na bulalas ni Mommy at inagaw ang cellphone mula kay Ate. "Kumusta ka na?! Kelan ka pupunta dito? miss na miss ka na namin!" Para tuloy akong maiiyak habang nakatingin kay Mommy na naluluha. "Mommy naman eh! Kumustahan lang ah? walang iyakan!" natatawang sagot ko at pasimpleng pinahid ang luha ko sa gilid. It's been almost 3 months since I left their care. Somehow, I kind of miss the feeling being surrounded by my family. "Hayy nako! Kung alam mo lang. Palagi niya kaya akong kinukulit na tawagan ka. Muntik na nga iyang magpa-book ng ticket nang wala sa oras dahil miss na miss ka!" sabi naman ni Ate na pilit sumisilip sa cellphone dahil sinolo na talaga ni Mommy ang phone. "Ano ba! bakit mo naman sinabi iyon!" pagalit na sabi ni Mommy kay Byam tsaka mahina itong hinampas habang ang isa naman ay tawa lang ng tawa. I stared at them in awe. "I miss you guys," pareho silang natigilan at napatitig sa akin. I didn't mean to sound so sad pero mukhang iyong yata ang naging tono ko. "We miss you too, Krystina. Bisita ka dito kung free ka ah?!" "Kayo kaya ang bumisita sa akin dito! ako na nga ang pumunta diyan noong kelan eh!" pabirong sagot ko. "Hoy! mas mahal kung kami ang pupunta diyan kasi dalawa kami ang bibili ng ticket! Kaya ikaw ang pumunta dito. Plus, we have something to celebrate!" pabiting sabi ni Ate tsaka nilingon si Mama na malapad rin ang ngiti. "Anong meron?" kunot-noong tanong ko at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa na nagtuturuan kung sino ang magsasabi sa akin ng balita. "Ikaw na ang magsabi, Mommy!" pamimilit ni Byam. "Bakit ako? sa iyo ang magandang balita pero sa akin manggagaling?" nakangiwing sagot ni Mommy tsaka nag-walk out. Tawa lang ako ng tawa nang maiwan si Ate na nanghahaba ang nguso habang nakasunod ang tingin kay Mommy na hindi ko alam kung saan na pumunta. "Ikaw na kasi ang magsabi ng balita," aliw na sabi ko. "Fine!" tirik ang mata na sabi ni Ate at may kinuha. She smiled widely at deretso na tumingin sa akin. She was about to say something nang biglang mag-iba ang emosyon sa mukha niya. Nawala ang saya sa itsura niya at napalitan ng kunot noo. "Bakit?" takang tanong ko. Naguluhan ako nang muli na namang ngumiti si Ate at umiling. "Nothing!" bibong sabi niya but her hand is signing something. "So anyway-" wala akong halos maintindihan sa sunod na sinabi niya dahil sobrang bilis ng pagsasalita niya tapos ang iba ay wala namang connect. My messenger chat rang kaya tinignan ko ang messenger ko at nakita na si ate ang nag-chat. May kasama ka ba? Don't act flustered. Just act like we are talking. Kinabahan ako bigla sa chat niya sa akin. I started to feel aware of my surrounding when my senses hightened due the feeling of being in danger. I stared at my place behind me through my video pero wala naman akong nakitang kakaiba. Ate seems uncomfortable while staring at something pero hindi ko naman matukoy kung saan talaga siya nakatingin. Wala. Bakit? "Ahh. Yes! I remember that!" pasakay ko sa kaniya habang patuloy pa rin na pinapakiramdaman ang paligid. Maliban sa takot na nararamdaman ko dahil kay Byam ay wala naman akong nararamdamang kakaiba. Mas malala pa nga siguro sa tuwing nakakakita ako ng mga nilalang na hindi nakikita ng iba. Kumabog ang puso ko nang muling nag-ring ang phone ko which means that Byam replied. There's a shadow or a person behind you near the door. I can't really make out but it seems like a big man! Kanina pa palakat-lakad. Do you have anything to protect yourself? Nanlamig ang buong katawan ko sa nabasa. Gamit ang video ko sa screen ay tinignan ko ang likod ko. Wala akong masyadong makita because it's a little bit dark on that area. 'I am certain that I closed the door bago ako umakyat dito. Naka-lock iyon kaya imposibleng may nakapasok!' I thought. My denial was quickly rejected nang makita kong bumukas ng kaunti ang pinto kasabay ng nakakatakot na ragitnit niyon. Agad akong napabalikwas at kinuha ang unang bagay na nahawakan ko. "Sino iyan?!" buo ang boses na tanong ko. Tila bumagal ang takbo ng oras habang hinihintay ko na makapasok ang kung sino man ang nasa labas. I almost stopped breathing when the door fully opened and Lucky appeared. "Lucky!" bulalas ko. Walang ideya naman ang inosenteng pusa na lumapit sa akin at umupo sa harap ko. Natatawang kinuha ko siya at hinimas ang ulo niya. "Jusko! Muntik na akong himatayin sa kaba dahil sa iyo, Lucky! Akala ko ay huling gabi ko na!" natatawang sabi ko. "Krystina! Krystina! Are you okay? KRYSTINA!" narinig kong tawag sa akin ni Byam. "Anong nangyari?!" narinig kong sagot naman ni Mommy. Kinuha ko ang cellphone ko na basta ko na lamang tinapon kanina nang biglang bumukas ang pinto. "I'm okay! I'm okay! Calm down!" "Anong nangyari? bakit bigla ka na lang nawala?!" nagpa-panic na tanong ni Ate. I chuckled and showed them Lucky na buhat-buhat ko ngayon. "It's nothing! It's just my cat! Guys, meet Lucky. He is a stray cat that saved my life earlier! Lucky, meet my family!" pakilala ko sa kanilang dalawa. "What do you mean saved your life?" taas kilay na tanong ni Ate. "Ooops!" hindi ko napansin na nadulas pala ako. Napakwento tuloy ako sa kanila nang wala sa oras kung ano ang nangyari. "JUSKO! SUSMARYOSEP NAMAN, KRYSTINA! MAG-INGAT KA NGA!" sapo ang noo na sabi ni Mommy na ngayon ay nakaupo na sa bench. Muntik ba naman siyang himatayin kanina pagkatapos kong ikwento kung ano ang nangyari. "Nag-iingat naman po ako eh! Hindi naman maiiwasan ang ganiyang mga bagay. Kaya nga po nandito si Lucky because he saved my life!" depensa ko sa sarili. In life, there are a lot of things na hindi natin maiiwasan. That is death and accidents. I really do believe that if it is your time, then things will make sense on why it happened. "Ano na pala ang magandang balita na sasabihin niyo sa akin?" pag-iiba ko ng usapan. Mukhang nagdalawang isip naman si Byam kung sasabihin pa ba niya sa akin. It seems like nasira na ang mood. "I'll tell you next time para mas masaya. Not now," malungkot na sabi niya. I let out a heavy sigh at sumang-ayon na lang rin. I should be contented na lang na nagkausap kami ngayon. Ilang minuto pa kaming nag-usap bago sila tuluyang nagpapaalam. Kakain pa kasi sila ng breakfast and meet some friends daw kaya nagpaalam na rin ako dahil matutulog na ako. Napatingin ako kay Lucky na tahimik lang na nakaupo sa taas ng kamay ko habang nakatitig pa rin sa akin. "Do you want to sleep with me, Lucky?" malambing na tanong ko dito at binuhat siya palapit sa akin. Nilagay ko siya sa tabi ko at nilagyan ng kumot. Tahimik lang naman siya na nakatingin sa akin while observing what I will do next. "Wag kang iihi dito ah? Kung gusto mong umihi doon ka sa cr!" sabi ko sabay turo sa pinto na nakabukas ng kaunta. Sinundan naman niya iyon ng tingin as if he can really understand what I am saying. "Meow!" natawa ako nang sumagot pa talaga siya. "Good night, Lucky!" pinanggigilan ko pa siya sa huling pagkakataon ngayong gabi bago nahiga na sa tabi niya. Pumikit na lamang ako kahit hindi pa ako inaantok, baka sakaling makatulog rin ako. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas nang maramdaman kong lumapit sa akin si Lucky and snuggled close to my neck. Hinimas ko ang likod niya at hinayaan siya sa ganoong pwesto. Having him this close to me sent an unexplainable warmth and comfort. Ni hindi ko nga napansin na nakatulog na pala ako. For the first time after a while ay nakatulog ako ng mahimbing without any nightmare. Maybe because I have my luck sleeping beside me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD