Ano bang nangyayari? Bakit kailangan kong magtago? Samu't saring kalampagan lang ang naririnig ko nang makaalis na roon si Cornell. Paulit-ulit na nagrereplay sa akin ang pinag-usapan namin kanina. Aalis kami? Itatakas niya ako? Saan kami magpupunta? Can Darius find me there? Natatakot ako. Sa totoo lang. "Where is she?" I heard Zeina's voice, she's screaming at the top of her lungs. "Where is Felicity?" Awtomatiko akong napaatras sa narinig. She knew. Paano nito nalaman? Dali-dali akong lumabas ng kwarto na iyon. Nakita ko ang maliit na sofang naroon at minabuti kong doon magtago. Mula rito, kita ko ang likod ni Zeina pero sigurado akong hindi kita ako makikita. Sapat na ang posisyon para may malaman. "Zeina, I already told you. Wala akong alam. Sa tingin mo ba may babalikan pa ak

