Nang makilala ko ang mga kapatid ni Vaughn ay hindi ko maiwasang mapangiti na lamang dahil bukod sa kinikilig ako ay mababait din pala sila kagaya ni Vaughn. Sadyang umaatake lang ang kanilang pagiging mapang-asar sa kanilang Kuya lalo na kapag tumatagal. Halos nga hindi maipinta ang mukha ni Vaughn habang inaasar siya pero kahit na ganoon ay mahaba naman ang kaniyang presensya which is good. Huminga ako nang malalim habang tinitingnan ang mga magkakapatid na mag-asaran at maghabulan sa talon. Naka upo lang kasi ako rito sa gilid dahil medyo napagod akong lumangoy pero kahit na ganoon ay okay lang naman sa akin. Nag-e-enjoy rin naman kasi ako. Bago pala kami magpunta rito ay nagtawag si Vaughn ng isang katulong nila sa bahay para bantayan si Mia. Doon ko lang din napag-alaman na ang kai

