Gusto ko sanang magtampisaw sa dagat o kahit man lang sana maligo pero habang tinitingnan ko kung gaano kalakas ang alon, nalulukot ang mukha ko. Kaya pinili ko na lamang maupo sa ilalim ng puno habang pinapanood ang mga magkakapatid na magpaligsahan sa pagsu-surf. Hindi naman ako magaling sa ganoon. Ultimo nga lumangoy ay hindi ko kaya tapos magsubok pa kaya nang ganoon? Hindi na. Kahit pa turuan ako ni Vaughn na lumangoy, ayaw ko. Natatakot ako kasi hindi naman ako sanay sa tubig at hindi naman malakas ang stamina ko. Hindi ako sanay na hinahabol ang aking paghinga kaya huwag na. Marami ring nagtitiliang babae habang nakatingin sa mga magkakapatid. Hindi ko nga alam kung ano ang tinitilian nila. Kung iyong mukha saka katawan ba o iyong galing nila sa pagsu-surf. Ngunit kahit na ganoo

